Chapter 10

126 7 0
                                    


YORI'S POV

"Labanan mo ko.." Seryosong sabi ni Haji sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at naisipan niya kong hamunin.

"Isa akong healer at hindi mandirigma!!" Pagalit kong sagot dito. Hindi naman nagbago ang ekspresyon sa mukha nito.

At muli nagbato na naman siya ng bolang apoy papunta sa akin. Sa bandang paanan ko iyon tumama kaya napaatras ako.

'Nasisiraan na nga siya!'

"Masyado kang mahina. Mamamatay ka lang din." Seryoso nitong sabi sa akin.

"Tinatakot mo ba ko?" Pagtatanong ko dito. Pero naglakad lang ito palapit sa akin. Hindi ako natatakot sa kaniya kaya hindi ako lumayo.

Halos magkadikit na kaming dalawa ngayon, pero hindi ako nagpapatinag sa kaniya. Nilalabanan ko siya ng titig.

"Ngayon ko lang napansin, bagay pala kayong dalawa?"

Naagaw ang atensyon namin sa lalaking nakaupo sa malaking bato, di kalayuan sa amin ni Haji. Ang ganda pa ng pagkakaupo nito doon habang panay ang kagat sa mansanas na hawak nito. Si Kai.

"Tss!" Yan na naman ang lumabas sa bibig ni Haji, pagtapos ay lumakad na siya paalis. Pero bago pa ito makaalis ay pinaliyab niya muna ang hawak na mansanas ni Kai.

"Mabait ka talaga e no!?" Pasigaw nitong sabi kay Haji, pero nagtuloy tuloy lang ang paglakad ng halimaw.

Nilingon ko naman si Kai na ngayon ay nakatayo na at nagpapagpag ng damit nito.

"Si Haji, hindi siya nagpagamot." Sabi ko dito.

"Hayaan mo na. Matigas talaga ang ulo ng isang yun! Ayaw kasi niya ng hinahawakan siya e." Sagot nito.

"Imposibleng hindi siya nasusugatan sa pag eensayo, paano siya nagagamot ng mga healer dito?" Takang tanong ko naman kay Kai.

"Hindi siya nagpapagamot." Malungkot na sagot nito. Hindi na din ako nagtanong pa. Parang alam ko na kasi kung bakit. Siguro ay dahil sa pumanaw nitong kapatid.

"Siya nga pala Kai, bakit ikaw hindi ka nakakain ng lason?" Muli kong tanong dito, habang naglalakad kami papunta sa pahingahan ng mga pasyente.

"Prutas lang ang kinakain ko sa araw, Yori. Sa gabi ako kumakain para bumawi ng lakas matapos mag ensayo." Sagot nito nang hindi lumilingon sa akin. Kaya pala nakaligtas siya.

"Hindi ka natatakot para sa kaibigan mo? Apektado din siya ng lason." Tanong ko naman dito habang patuloy pa din kami sa paglalakad.

Napahinto ako nang bigla itong tumawa. Tapos ay nilingon niya ko.

"Alam mo ba kahit mamatay yun, hinding hindi yun hihingi ng tulong sa kahit na sino. Hmm siguro gamutin mo na lang siya pag wala na siyang malay dahil sa pagkalat ng lason. Di naman niya malalaman na hinawakan mo siya." Sagot nito, tsaka tumawa ng malakas.

'Magkaibigan ba talaga sila?' Patuloy pa din ito sa pagtawa hanggang sa makarating na kami sa mga pasyenteng nandoon. Si Barro ay patuloy pa din sa pagbantay doon habang iniisa isang puntahan ang mga pasyente. Mukhang pinakikiramdaman niya ang mga ito sa pamamagitan ng ability niya.

"Barro, yung mga babae sa kusina ng palasyo. Anong nangyari sa kanila?" Tanong ko dito, pagkalapit ko sa kaniya.

"Nililitis pa din sila hanggang ngayon. Pero wala pa din umaamin sa kanila." Sagot naman nito sa akin.

"Haaay! Mukhang kailangan ko nang maghanap ng tatlumpong kababaihan mula sa nayon ah!" Biglang singit naman ni Kai.

"Ibig sabihin seryoso talaga si Haji dun sa sinabi niya kanina?" Tanong ko naman dito.

To Heal or To Kill???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon