HAJI'S POV
"Importante ka na din sakin."
Hindi ko alam kung bakit kumabog ng sobrang bilis ang puso ko. Ganito din kaya ang naramdaman ni Yori nang sabihin ko sa kaniya yan dati? Nakita kong pinamulahan siya ng mukha pero bukod dun wala naman na akong nakitang kakaiba sa kaniya.
Gaya ng dati niyang ginawa. Nakapikit ang mga mata niya habang ginagamot ako. Unti unti kong naramdaman ang paghilom ng mga sugat ko.
Ilang beses ko nang napapagmasdan ng ganto kalapit ang mukha ni Yori at isa lang ang masasabi ko. Hindi nakakasawa.
May nakita akong ilang butil na pawis sa noo ni engot. Naiinitan ba siya? Gusto ko sanang punasan ang pawis niya kaso baka kung ano naman isipin nito.
Tiningnan ko na lang ang mga ito. Hanggang sa mga mata niyang nakapikit. Sa matangos niyang ilong. Sa mapupula niyang labi at sa..
*Haatchiiiiingg!!!
Bumahin siya?
Bumahin siya sa mukha ko? (-_-!)
"P-Pasensya na Haji." Sabi nito na tila nahihiya.
"Ayos lang. Teka may sakit ka ba?" Tanong ko dito. Sinalat ko ang noo nito. Para tingnan kung may lagnat siya at para mapunasan ko na din ang pawis niya sa noo.
Salamat naman at wala siyang lagnat.
"A-Ayos lang ako." Bigla naman nitong hinawi ang kamay ko sa noo niya at bumalik na sa pang gagamot sa akin.
Pero ilang saglit pa ay huminto na ito at tumingin sa akin.
"Haji, sa tingin ko kulang na ang lakas ko. Madami kasi akong ginamot sa bayan kanina." Sabi nito sa akin. Kaya pala parang pagod na pagod siya.
"Maayos na ko. Wag ka mag alala. Mabuti pa magpahinga ka muna bago umuwi." Sabi ko dito.
Paano kaya namin nagagawang mag usap ng ganto kahinahon.
Hindi siya sumagot, sa halip ay umupo ito sa isa pang upuan at yumuko sa maliit na lamesa.
"Bakit nandiyan ka? Dun ka sa kama. Humiga ka." Nilapitan ko ito at marahang tinapik sa balikat.
"Ayoko. Bawal higaan ng kung sino ang kama ng prinsepe." Sagot niya sakin habang nakayuko pa din sa lamesa. Ano bang pinagsasasabi nito?
"Sino ba nagsabi sayo niyan? Sa kama ka na humiga. Mahihirapan ka diyan." Muli kong utos dito, pero wala na siyang sinagot.
Tinapik tapik ko pa ito pero hindi manlang siya nagsalita.
"Ooowww!! Umiiyak ba siya??" Napatingin ako sa pinto ko at nakita ko ang baliw kong kaibigan. Si Kai.
"Natutulog." Sagot ko sa kaniya, ngumisi naman ito.
"Matapos niyong magpunta sa Omio, ganiyan na kayo kalapit sa isa't isa. Anong nangyari?" Pang aasar niya sakin.
"Nakikita mo ba kami pag magkasama kami? Halos mawalan na kami pareho ng boses sa kasisigaw!" Sabi ko dito.
Inakbayan naman ako nito tsaka malapad na ngumiti.
"Ang ibig sabihin niyan ay may malaki kayong koneksyon sa isa't isa. Ganyan din kami ni Emerald dati." Paliwanag nito. Ganun ba talaga yon?
"Bahala ka. Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Kai.
Tinanggal niya naman ang pagkakaakbay at tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
To Heal or To Kill???
FantasyPilit itinatago ni Yori ang healing ability nito sa mga tao sa nayon. Tila nagiging bulag ito sa mga taong may karamdaman, at nagiging bingi naman sa tuwing may mga taong napapadaing sa sakit. Sa madaling salita, pinipilit ni Yori na hindi na niya m...