THIRD PERSON
Nang tangayin ng rumaragasang tubig si Yori ay siya namang agad na pagbitaw sa lubid ni Haji.
Napabilis ang paglangoy nito dala ng mabilis at malakas na agos, pero mabilis din naman tinatangay si Yori.
Wala ng inaksayang oras si Haji at ibinuhos pang lalo ang lakas nito sa paglangoy ng makita ang likurang bahagi ng dadaanan ni Yori. Isang malaking bato ang naroon.
Habang lumalangoy si Haji ay pinipilit nitong palabasin ang kapangyarihan para sana gawing abo ang malaking bato na naroon. Pero gaya nga ng sinabi ni Barro ay nababalot ng spell ang buong ilog. Mas lalo na lang binilisan ni Haji ang paglangoy.
"Hawakan mo kamay ko! Bilis!" Pilit inaabot ni Haji ang kamay niya kay Yori, na inaabot din naman ng dalaga. Nahihirapan nga lang si Yori dahil lumulubog siya sa tubig, malalim na parte na kasi ng ilog ang bahaging iyon.
Kapag hindi siya nahawakan ni Haji ay siguradong tatama si Yori sa malaking bato sa likuran niya.
Kaya buong lakas na inabot ni Haji ang papalubog na kamay ni Yori tsaka nito mabilis na hinatak ang dalaga papunta sa kaniya. Pero huli na din at hindi na sila makakaiwas sa batong iyon kaya inikot na lang ni Haji ang katawan nito habang yakap si Yori para siya ang tumama sa batong iyon. 'Pagbabayarin ko siya mamaya!' Sambit pa ni Haji sa isip nito.
"Aaaarghh!!" Impit na pag daing ni Haji nang tumama ang likuran nito sa malaking bato habang si Yori naman ay yakap yakap nito.
"H-haji.. a-ang braso mo!" Nanlalaking mata at takot na takot na sabi ni Yori kay Haji.
Tiningnan naman iyon ni Haji, sumasabay sa agos ng ilog ang dugo nito na nagmumula sa braso nito. Tumama kasi iyon sa matulis na parte ng bato.
"Kasalanan mo yan! Tss!" Paninisi pa dito ni Haji kay Yori. Nanahimik naman ang dalaga. Ramdam pa rin kasi nito ang takot sa pangyayaring iyon na halos mamatay na siya.
Hindi na din siya halos makaramdam ng kung ano, gayong nasa nakakailang na pwesto silang dalawa.
Nakayakap sa kaniya ang isang braso ni Haji habang nakasuporta naman ang isa pa sa malaking bato doon. Si Yori naman ay halos sumubsob na ang mukha sa matitipunong dibdib ni Haji at nakahawak pa ang dalawang kamay nito dito.
"Antagal naman nila!" Pagsambit ng mahina ni Haji na nadinig din naman ng dalaga.
Hindi sila makakaalis doon ng walang tutulong kaya naman hinihintay pa nito ang mga kasamahan.
"Kung humawak ka kasi sa akin kanina e!" Muling pagbulyaw ni Haji dito. Pero nanatiling tahimik lang si Yori.
"Haji! Haji! Ayos lang ba kayo?" Napalingon ang dalawa kay Barro na nasa gilid ng ilog, nakatawid na ito. May hawak itong lubid.
"Ayos lang! Ihagis mo na rito ang lubid!" Pasigaw namang sabi ni Haji.
Nang makita naman ni Yori ang lubid na iyon at pumasok pa sa isip nito na muli siyang tatawid ay bigla na lang itong natakot. Napansin din iyon ni Haji. Kaya nagbago ang iniisip nito.
"Humawak ka sa akin ng mabuti. Pag ikaw tinangay pa rito, hindi na kita sasagipin! Nakuha mo ba?!" Pagalit na sabi dito ni Haji.
Silang dalawa ang sabay na tumawid sa ilog. Sobrang higpit na kinapitan ni Haji si Yori at siniguradong hindi ito matatangay.
"Ayan! Katigasan ng ulo mo! Hindi ka naman dapat mapapahamak kung marunong kang makinig!" Panenermon ni Haji kay Yori nang makasampa na sila sa lupa at kasama na sila Barro.
"Matuto ka na ngayon Yori! Nung una pa lang sinabihan na kita! Tingnan mo ang ginawa mo ngayon! Nakakasagabal ka lang!" Palakas ng palakas ang pagsigaw dito ni Haji. Pero hindi na din nakapag pigil ang kanina lang ay tahimik at nakikinig na si Yori.
BINABASA MO ANG
To Heal or To Kill???
FantasiPilit itinatago ni Yori ang healing ability nito sa mga tao sa nayon. Tila nagiging bulag ito sa mga taong may karamdaman, at nagiging bingi naman sa tuwing may mga taong napapadaing sa sakit. Sa madaling salita, pinipilit ni Yori na hindi na niya m...