Chapter 33

81 4 0
                                    

THIRD PERSON

Halos magkasabay na bumagsak sa lupa sina Malen at Yori. Nawalan ng malay ang dalawa.

Mabilis namang tinungo ni Haji si Yori na nakahandusay doon. Samantalang pinipilit ni Yuki na makabangon para puntahan din ito.

Nagtuloy tuloy pa din ang kaguluhang nagaganap sa 'Land of Army' sa mga oras na iyon, dahil patuloy pa din sa pagwasak ang iba pang tauhan ni King na naroon.

"Yori! Yori!" Natatarantang tawag ni Haji sa nakapikit na si Yori. Pilit niya itong ginigising.

Nakaramdam naman ng takot ang binata nang hindi gumigising si Yori.

Madami na sa kanilang nasugatan at ang iba naman ay nasawi. Paubos na din ang mga bantay ni pinunong Jah. Si Barro din ay halos wala nang lakas pang natitira.

Pero ilang saglit lang ay biglang may kung anong malakas na hangin ang tila lumilibot sa buong lugar.

Malamig at nakakatakot na ihip ng hangin.

Nagsabay sabay naman ang tingin nila Haji, Yuki, Barro at pinunong Jah sa direksyon ni Era.

Galit na galit ito. May ilang butil na ding tumulo mula sa mga mata nito habang nakatanaw sa walang malay na si Yori na ngayon ay nasa bisig ni Haji.

Lumapit ito sa kapatid.

"Ate.." Puno ng pag aalala ang tinig nito. Nilingon din ni Era ang halos hindi makatayo at duguang si Yuki.

"Yuki.." Ganon din ang emosyon nito.

Pagtapos non ay humarap si Era sa mga tao roon na bigla namang huminto habang nakatingin sa kaniya.

Nanginginig ang buong katawan. Hindi sa takot, kundi sa labis na galit. Yan ang nararamdaman ngayon ni Era.

Isang napakalakas na pagsigaw ang pinakawalan ni Era kasabay ng paglabas nito ng napakalakas na pwersa. Tumilapon pa ang ibang naroon. Tila binabagyo naman ang buong lugar. Bigla at pagtataka ang nararamdaman nila sa pinakakawalang pwersa ni Era.

Nagtumbahan ang mga puno.
Hindi rin mawari ang biglaang pagkaiba ng agos mula sa batis.

Naglagay si Haji ng harang mula sa pwesto nila ni Yori para hindi ito matamaan.

Pagtapos ay tiningnan muli nito si Era na ngayon ay nagpapalabas pa din ng malakas na hangin. Nabigla si Haji sa pinakita nito, tinitingnan lang ni Era ang mga tauhan ni King tapos ay tumitilapon na iyon na parang inuutusan nito.

Ang pangkat naman nila pinunong Jah ay halos umupo na sa lupa sa sobrang lakas ng pwersa na pinapakawalan ni Era.

At nang sa wakas ay maubos ang lahat ng tauhan ni King ay siya namang pagbagsak ni Era sa lupa. Agad na pinuntahan ito ni Kai para matingnan.

____________

Nang matapos naman ang labang iyon ay nagmistulang binagyo ang buong 'Land of Army'

Ikinulong nila ang ibang tauhan ni King na hindi nasawi kasama si Malen, samantalang ang iba naman ay ipinahatid ni pinunong Jah sa tauhan nitong may kakayahan na teleportasyon.

Kausap naman ngayon ni pinunong Jah ang batang si Era na ngayon ay maayos na.

"Ilang taon ka na, hija?" Tanong sa kaniya ni pinunong Jah.

"Sampung taon po, pinuno." Sagot naman ni Era, habang nakayuko dito.

"Alam mo ba na hindi tugma ang edad mo sa kapangyarihang inilabas mo?" Muling tanong dito ni pinunong Jah. Pero hindi nakasagot si Era.

To Heal or To Kill???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon