Chapter 22

82 6 0
                                    

HAJI'S POV

Oras na ng pag alis namin. Pinakuha ko na ang mga kasamahan ko ng kanya kanyang kabayong gagamitin.

May sariling kwadra ang Omio, kaya malaya silang makakapili ng gusustuhin nilang kabayo.

Nang madako ang mga paningin ko kay engot, nakatulala lang ito sa tali ng kabayo. 'Ano bang problema non?' Pinuntahan ko na lang ito.

"Hoy engot. Mabagal ang isang yan. Pumili ka pa ng iba." Sabi ko dito habang pinagmamasdan ang kabayo sa harap namin.

Muli ko naman tiningnan si engot sa tabi ko, nakatingin pa rin ito sa tali. 'Hindi niya ba ko nadinig?'

"Haji, nakapili na ang lahat. Nasa labas na sila at naghihintay." Sabi ni Barro. Tiningnan ko ulit si engot. Nakatingin na ito ngayon sa katabing kulungan ng kabayo.

"Bilisan mo na, aalis na tayo." Sabi ko dito at tsaka naglakad palabas ng kwadra.

Nakapwesto na ang lahat. Dala rin nila ang kani kanilang mga gamit. Dinala naman sa akin ni Barro si Taro. Hinawakan ko muna ang mukha nito at nang umikot ako dito para sumakay, biglang nahagip ng mga mata ko ang nakangiting si Malen. Sakay siya ng puting kabayo.

'Sa akin ba siya nakangiti?' Pero maya maya pa ay nawala ang ngiti niyang iyon at para bang inis o galit na ang mukha nito nang mapatingin siya sa bandang likuran ko.

Sinundan ko ang tingin niya. Si Yori ang nandon. Muli ko naman siyang tiningnan pero sa ibang direksyon na ito nakatingin.

"Nasan ang kabayo mo?" Kunot noo kong tanong kay engot nang lingunin ko ulit ito.

Nakayuko siya na tila nahihiya.

"A-ahh.. H-Haji, pwede bang... m-makisakay sayo?" Nahihiya niyang tanong sa akin. 'At bakit naman kaya?'

"Tinatamad ka na naman! Tss! Ako na ang pipili ng kabayo mo." Lalakad na sana ko pabalik sa kwadra nang pigilan niya ako.

"H-hindi.. sa tingin ko kasi, h-hindi ko kaya mangabayo ngayon." Iba ang nakikita ko sa mga mata niya. Para siyang dumadaing na walang boses.

Kusa din naman pumayag ang katawan ko. Inalalayan ko si engot na makasakay. Pero nang hawakan ko ang balikat nito ay bigla na lang siyang napadaing. Parang iba ang pakiramdam ko ngayon.

"May tinatago ka ba Yori?! Ano bang nangyayari sayo!" Seryoso kong tanong dito. Nabigla siya at parang natakot, pero maya maya lang din ay tumawa ito. Hindi totoong tawa.

"Nakikiliti kasi ako Haji. Ako nang aakyat wag mo na kong hawakan." Nakangiti niyang sagot sa akin.

Sa paglalakbay namin, pansin ko ang pagiging tahimik ni engot. Para lang itong nakatingin sa kawalan. Pasimple ko siyang sinusulyapan sa harapan ko pero hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. Pero bukod doon ay may isa pa akong napansin sa kaniya, bigla siyang napapaayos ng upo kapag dumidikit siya sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay ayaw niyang napapadikit siya sa akin. 'Pero bakit nakisakay siya kay Taro?' Takang tanong ko sa isip ko.

Ilan pang ilog at pamilihan ang muli naming nadaanan. Hanggang sa umabot ng gabi, ay napagpasyahan na lang namin na kumuha ng silid na matutuluyan. Pinagkasya ko na lang sa natitirang apat na silid ang buong pangkat.

"Magsama sama ang Omio sa isang silid, ganon din ang Hanawe. Ikaw Barro ang kasama ko. Yori, si Malen naman ang kasama mo sa pang apat na silid." Sabi ko sa kanilang lahat.

To Heal or To Kill???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon