THIRD PERSON
Nang makarating sa palasyo sina Yori at Haji ay pinagpahinga na muna ito ni Haji pero tumanggi ang dalaga. Gusto nitong sumama sa Land of Army.
Nang wala na din magawa pa si Haji ay isinama niya na lang ito.
Naabutan nila doon ang hile hilerang tauhan ni Haji na nakaharap sa nag gagalaiting sina Yuki at Kai.
"Yuki! Kai!" Pagtawag ni Yori dito. Lumingon naman din ang dalawa. Nagbago din ang ekspresyon ng mga mukha nila ng makita sila Yori at Haji.
"Yori, ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Biglang lapit naman ni Yuki kay Yori pero humarang dito si Haji.
"Ayos lang siya." Tipid na sagot ni Haji dito.
Pero imbis sumagot pa dito si Yuki ay nilampasan din nito si Haji at marahang hinigit si Yori papunta sa bandang gilid. Tapos ay masuri niya itong tiningnan. Mula ulo, kamay braso, katawan at paa.
"Sigurado ka bang walang masakit sayo?" Tanong dito ni Yuki.
"Oo, Yuki. Ayos nga lang." Sagot naman ni Yori dito.
Si Haji naman ay pumihit na lang din patalikod sa kanila at hinarap nito ang mga tauhan na kasama nila kanina.
"Lahat kayo ay aalis sa palasyo, ngayon din." Mariin na utos ni Haji sa mga tauhan nito.
Hindi na nagulat si Kai sa inasal ni Haji. Pero sina Yuki at Yori ay nagulat dito.
"Pero Haji, matagal mo na kaming kasama. Matagal na kaming nag eensayo dito. Hindi pwedeng ganto lang." Sagot ng isa niyang tauhan.
"Hindi kami nagtaksil, hindi kami tumiwalag. Bakit kailangan naming umalis dito?" Tanong naman ng isa pa.
"Utos ko at utos ni Jah, ang mapanatiling ligtas ang kapatid ng healer. Pero anong ginawa ninyo?" Seryosong tanong ni Haji sa mga ito.
"Lumaban siya sa amin Haji. Kaya kinailangan din namin lumaban."
"Kailangan namin protektahan ang sarili namin."
"Ginawa lang namin ang dapat."
Sunod sunod na sagot ng mga tauhan nito. Naikuyom naman ni Haji ang kamao nito at matalim na tumingin sa lahat ng tauhan nito.
"KUNG GANON AY HINDI KAYO NATUTO SA GINAWA KONG PAGSASANASAY SA INYO!!!" Galit na sigaw mula kay Haji. Halos maglabasan ang mga ugat nito sa leeg at kamao sa sobrang galit. Tila nagatrasan naman ang mga dila ng mga tauhan nito.
"NUNG SINANAY KO KAYO AY HINDI AKO GUMAMIT NG KAPANGYARIHANG MAAARI NIYONG IKAMATAY, KAHIT PA HALOS BUONG LAKAS NIYO AKONG KINALABAN NOON! PERO ANG GINAWA NIYO SA KAPATID NG HEALER AY IBANG IBA SA GINAWA KO! WALA KAYONG PAKIALAM, MAMATAY MAN ANG PINOPROTEKTAHAN NIYO!"
Halos manginig ang lahat ng tauhan ni Haji sa galit na nakikita nila hindi lang sa mukha, pati na din sa Tinig na nagmumula dito.
Nanatili namang tikom ang bibig nila Yori, Kai at Yuki.
"P-patawad Haji! P-patawad!"
"N-nakalimot kami. Patawarin mo kami Haji!"
"Isa pang pagkakataon. Nakikiusap kami Haji."
Tila nagbago naman ang ihip ng hangin. Ang lahat ay lumuhod sa harap ni Haji.
Tumingin naman si Haji sa gawi ni Yori.
"Ikaw ang mag desisyon, Yori." Sabi ni Haji na kinagulat ng dalaga.
Hindi malaman kung anong sasabihin kaya tumingin din ito kina Kai at Yuki. Pero isang ngiti lang ang ibinigay nila kay Yori.
BINABASA MO ANG
To Heal or To Kill???
FantasyPilit itinatago ni Yori ang healing ability nito sa mga tao sa nayon. Tila nagiging bulag ito sa mga taong may karamdaman, at nagiging bingi naman sa tuwing may mga taong napapadaing sa sakit. Sa madaling salita, pinipilit ni Yori na hindi na niya m...