Chapter 32

90 5 0
                                    

THIRD PERSON

"Yori, tingnan mo bagay ba sa akin?" Tanong ni Yuki kay Yori at umikot ikot pa ito sa harap niya, para ipakita ang bagong kasuotan na kapareho ng mga suot ng mga tauhan ni Haji.

"Nagmukha kang tao!" Si Era ang sumagot.

"Kaya di ka tumatangkad! Ang hilig mong sumabat! Bansot!" Inis naman na bulyaw ni Yuki dito.

"Bagay sayo Yuki. Tsaka mas maganda dahil matigas ang kasuotan na ito." Sabi naman ni Yori habang pinagmamasdan nito ang suot ni Yuki.

"Mas gumandang lalaki na ba ako?" Pagtatanong ulit ni Yuki dito.

"Hindi ka naman lalaki." Singit muli ni Era dito.

"Ang sarap mo talagang tirisin!" Asar na sagot ni Yuki.

"Yori, nasugatan si Malen. Pwede mo ba siyang puntahan?" Lumapit sa kanila ang manggagamot na si Kisel.

Parang nagdalawang isip pa si Yori kung pupunta ito, dahil hindi pa siya sumasagot.

"Ate, hindi mo siya kailangang gamutin." Bulong sa kaniya ni Era.

Pero sa huli ay pumayag na lang din ito. Isa nga pala iyon sa kasunduan nila ni Haji na pangangalagaan niya din ang mga tauhan nito.

Sumama si Yori kay Kisel papunta kay Malen. Pagkarating doon ay nakita niya agad ito, ang kaso ay tila nanigas naman ito sa kinatatayuan. Nakita niya din kasi si Haji na naroon sa tabi ni Malen, tila ineeksamin nito ang binti ni Malen.

May naramdaman naman na kung ano si Yori sa senaryong nakikita nito. Halos ayaw humakbang ng mga paa nito papalapit.

Hanggang sa makita na siya mismo ni Haji. Napatayo ito pagkakita sa kaniya.

"Yori.." pagtawag dito ni Haji. Nagbuntong hininga muna dito si Yori bago lumapit.

"Sa tingin ko ay may nabaling buto si Malen sa binti niy-"

"Ako nang bahala." Pagpapatuloy ni Yori. Wala itong emosyon at bigla na lamang umupo sa tabi ni Malen.

"Wala bang kakaibang mangyayari sa akin pag hinawakan kita?" Tanong dito ni Yori habang nakatingin lang sa binti ni Malen.

"Yori.. ano bang sinasabi mo?" Pabalik na tanong dito ni Malen. Mahinahon at inosente ang pagkakasabi nito na lalong kinainis ni Yori. Kaya tiningnan niya ito ng masama.

Pero sa halip na sumagot ay sinimulan na lamang niya itong gamutin.

"A-AAAAHH!! T-TEKA YORI!!" Bigla naman sumigaw si Malen, habang namimilipit sa sakit.

Sa gulat din ni Yori ay napaatras ito. Si Haji naman ay nagmadaling lumapit para makita ang dinadaing ni Malen.

Ang binti niya na hinawakan ni Yori ay nangitim. Pinagpawisan na din si Malen at halatang may masakit talaga dito.

Hinawakan ito ni Haji pero lalo lamang dumaing si Malen.

Maging si Yori ay naguluhan sa nangyari. Natakot at nagtaka. Ako ba ang may gawa non? Takang tanong nito sa isip.

"Anong nangyayari?" Nahawi naman ang mga taong nagkumpulan doon sa pagdating ni pinunong Jah.

"Bigla na lamang namilipit sa sakit si Malen at nangitim ang binti nito nang hawakan siya ni Yori, pinuno." Paliwanag ng isang tao roon. Ang lahat naman ay biglang napalingon kay Yori. Dahan dahan itong tumayo habang nangangatog ang mga tuhod.

Nakita nito na iba ang tingin sa kaniya ng mga tao roon. Hindi niya mawari kung nandidiri, natatakot, nagagalit at naninisi ang mga ito sa kaniya.

"T-Teka! Teka! Bakit ganiyan kayo makatingin kay Yori! Wag niyo siyang pag isipan ng hindi maganda!" Bigla namang singit ni Yuki. Lumapit pa ito kay Yori at itinago sa likuran nito.

To Heal or To Kill???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon