THIRD PERSON
Nagsimula na ang pag eensayo nila Haji at ng unang pangkat sa RedGrave. Umpisa pa lang ay makikitaan na agad ng pagka aliw si Haji dahil sa mga ipinapakitang taktika ng mga tauhan nito na hindi niya naman itinuro.
Sabay sabay ang pagsugod ng limang iyon. Mahusay ang bawat galaw. Maliliksi at tila balak pang mag ubos ng lakas ang mga ito.
Pero ganon pa man ay isa isa din naman napatumba ni Haji ang limang iyon. Mas mataas din kasi ang kakayahan ni Haji na makiramdam sa dilim.
Pagkatapos ng laban ay nagpaliyab si Haji ng apoy na nagpaliwanag sa halos kalahati ng RedGrave. Tinulungan ni Haji na makatayo ang iba nitong tauhan. May mga napilayan, nabalian ng buto kung saan, at mga pinsala sa iba't ibang parte ng katawan.
"Magandang laban yon. Talagang nag ensayo kayo ng mabuti." Masayang sabi ni Haji dito.
"Naging malakas kami dahil sayo Haji." Sagot naman ng isa nitong tauhan.
"Magtatagumpay tayo." Sagot pa ng isa.
"Oo. Aasahan ko kayo." Sagot namang muli ni Haji. "Magpahinga na muna kayo siguradong nasa 'Land of Army' na si Yori." Dagdag pa nito.
Pagtapos yumuko ng lahat kay Haji ay nagsimula nang umalis ang limang iyon sa harapan nito. Pero ilang saglit pa ay muling humarap kay Haji ang isa pa nitong tauhan na si Calim.
"Haji... salamat. Salamat Sayo." Nakangiting sabi nito. Nagsiharap din ang iba pa at muling yumuko kay Haji.
"Salamat din sa inyo. Uuwi tayong lahat dito sa Hanawe ng ligtas at buhay." Nakangiti at puno ng tapang na aura na si Haji.
Nang makaalis na ang unang pangkat ay naglakad lakad muna si Haji sa lugar na iyon habang hinihintay ang susunod na pangkat.
Hanggang sa mapahinto ito nang madaanan ang pana at palaso na nakatarak sa isang puntod doon. Ang puntod ng kapatid nitong si Emerald.
Kahit nasa harap ng puntod ng kapatid ay nagawa pang ngumiti ni Haji nang maalala ang isang pangyayari. Ang araw na tinuruan nitong mag ensayo si Yori at piliin nito ang sandatang pana at palaso. Parehong pareho talaga sila ni Emerald.
Pero sa gitna ng pag ngiti at pag alala ni Haji sa mga pangyayaring iyon ay bigla na lang itong nagulat, napaatras at napalitan pa ng pagkatakot ang nararamdaman nito.
Bigla na lang kasing napalitan ang pangalan ni Emerald na nakasulat sa puntod na iyon at naging Yori.
Pero saglit lang iyon. Nagbago ulit ang nakasulat doon at bumalik sa pangalang Emerald. Hindi naman maintindihan ni Haji ang nararamdamang takot sa mga oras na iyon. Bumuntong hininga na lamang ito, pumikit ng mariin at ipinatag ang isipan.
At nang maramdaman na nito ang mga yapak ng susunod na pangkat ay parang bula nitong pinatay ang apoy sa paligid. Nabalot ulit ng dilim ang buong kapaligiran ng RedGrave.
Narinig pa ni Haji ang ilang gulat na reaksyon ng mga tauhan. Pero maya maya lang din ay siya na mismo ang naunang umatake dito.
Gaya ng naunang pangkat ay tila nahasa na din ang galing, bilis at husay ng pandama ng mga ito.
Seryosong laban ang nagaganap ngayon. Habol habol man ang hininga ay pinilit ng lahat na talunin si Haji. May mga water tornado, windburst punches, glass spades at kung anu ano pang pwedeng gamitin. Pero gaya nga ng naunang pangkat ay nilampaso din iyon ni Haji.
Ngunit natalo man ni Haji ang ikalawang pangkat na iyon, ay hindi pa rin maitatago ang pagkabilib nito sa mga tauhan.
Lumaban ulit sa ikatlong pangkat si Haji, pang apat at pang lima. Humihingal na din ito, at may mga tama na din sa ilang parte ng katawan niya. Pero hindi iyon alintana ng binata dahil ang gusto nito ay matiyak na handa na talaga ang buong pangkat niya.
BINABASA MO ANG
To Heal or To Kill???
FantasyPilit itinatago ni Yori ang healing ability nito sa mga tao sa nayon. Tila nagiging bulag ito sa mga taong may karamdaman, at nagiging bingi naman sa tuwing may mga taong napapadaing sa sakit. Sa madaling salita, pinipilit ni Yori na hindi na niya m...