"Ate, mabait din naman pala si Yuki eh. Tingnan mo oh? Ang gandang kwintas nito!" Sabi ni Era habang pinagmamasdang mabuti ang kwintas na regalo sa kaniya ni Yuki.Kasalukuyan akong nagliligpit ng mga pinagkainan. Umuwi na din si Yuki. Nang pumatak kasi ang mahinang ulan, lumabas ito ng bahay at hinayaan niyang mabasa ang buong katawan nito, tapos bigla na lang itong nagpaalam sa amin. May mensaheng dala daw ang ulan na iyon para sa kanya, na galing naman sa water user na si tatay Kiko. Nagmadali itong umuwi dahil may importanteng tao daw na naghahanap sa kaniya.
"Mas maganda ba yang hawak mo kesa sa damit pang ginaw na binili ko sayo?" Tanong ko naman dito. Bigla naman ang pagtakbo ni Era sa itaas ng bahay namin, at pagbalik nito ay suot suot na nito ang damit na niregalo ko sa kaniya. Natawa naman ako sa ginawa niya. Umikot ikot pa ito sa harapan ko.
"Tingnan mo ate! Bagay na bagay sa akin diba? Mas maganda yung bigay mo syempre!" Malalaking ngiti ang ibinigay nito sa akin. Tapos ay bigla pa nitong kinuha ang kwintas na ipinatong nito sa lamesa. Tsaka iyon isinuot.
"Ang galing diba? Ternong terno sila. Ang ganda ko na." Ngumiti ako sa kaniya at hinaplos ang buhok niya.
"Kahit ano isuot mo, maganda ka Era." Sabi ko sa kaniya. Maganda talaga ang kapatid ko, medyo may pagkalalaki lang kumilos. Ngumuso naman ito sa akin, na tila nagtatampo.
"Ikaw lang ang maganda. Hmm! Lagi sinasabi sakin ni Yuki yun e!" Bigla naman ako namula sa sinabi ni Era. Pumihit na lang ako patalikod at naghugas nang muli ng mga pinggan, para di niya makita ang mukha ko.
"Niloloko ka lang nun. Alam mo naman yun. Pilyo at mahilig sa kalokohan." Sagot ko sa kanya habang nakatalikod dito. Lumapit naman ito sa akin at sinilip ang mukha ko.
"E bat namumula ka?" Biglang tanong nito. Nabitawan ko tuloy ang hawak kong pinggan.
"Hindi no! Tumigil ka nga Era! Hindi lang talaga ako sanay sa ibang tao lalo pa at lalaki siya. Bukod sayo ay si tatay Kiko lang ang nakakausap ko. Yun lang yun." Paliwanag ko sa kanya pero lalo lang ngumisi ang makulit kong kapatid.
"Pero di kita nakitang mamula ng ganyan nung una mong kausapin si tatay Kiko." Pakiramdam ko ay nadagdagan pa ang pamumula ng pisngi ko.
"Eh kasi hindi siya katulad ni Yuki na makulit at mahilig dumikit sa akin!" Sagot ko pa sa kanya. Nakaharap na din ako sa kanya habang nakapamewang.
"Pero wala si Yuki ngayon ate. Pangalan niya nga lang binanggit ko namula ka na diyan! Hmm! May gusto ka sa kanya ano?" Parang nililitis ako ng batang ito. Sinamaan ko siya ng tingin, at yun ang nagpahinto sa kanya.
"Wala akong gusto sa kanya. Mananahimik ka na ba?" Pagsusungit ko. Wala naman talaga akong espesyal na nararamdaman kay Yuki. Hindi lang talaga ako nasasanay sa presensya nito.
"Ay si ate PIKON!!! AHAHAHA!!" Pang aasar pa ni Era, inambaan ko siya ng sandok na hawak ko at mabilis naman itong lumipad palabas ng bahay.
"AAATTTEEEE!! KUKUHA LANG AKONG PRUTAS!! BABALIK DIN AKO AGAD!!" Sigaw nito habang palayo na ng palayo. Yun naman pala ang gustong gawin. Nang makalayo na ito ay tsaka nagpaalam, dahil alam niyang di ko siya papayagan. Mautak talaga!
Tinapos ko na lang ang paghugas ng mga pinggan, tapos ay naglinis, tapos ay nagsibak ng kahoy.
Nang malapit na magdilim ay panay na ang silip ko sa labas ng bahay namin. Hanggang ngayon kasi ay wala pa din si Era.
"Nasan ka na bang bata ka?!" Kanina pa ko pabalik balik sa paglalakad. Wala pa din akong Erang nakikita. Ilang saglit pa, nang hindi ko na kayang maghintay ay nagpasya na akong lumabas at hanapin siya. Nagsuot ako ng balabal tsaka naglakad ng mabilis papunta sa gubat. Kung hindi ka sanay sa gantong lugar ay siguradong mahihimatay ka na sa takot. Ilang tuyong dahon at naglaglagang sanga ng punong kahoy ang natatapakan ko. May dala naman akong ilawang lampara para makita ang daan. Panay din ang tawag ko kay Era, kung saan saan pa ko naglakad ng naglakad. Hanggang sa may nadinig akong tila nag uusap.
BINABASA MO ANG
To Heal or To Kill???
FantasyPilit itinatago ni Yori ang healing ability nito sa mga tao sa nayon. Tila nagiging bulag ito sa mga taong may karamdaman, at nagiging bingi naman sa tuwing may mga taong napapadaing sa sakit. Sa madaling salita, pinipilit ni Yori na hindi na niya m...