"Barro, kailangan ko ng tulong mo." Sabi ni Yori kay Barro habang kausap nito ang isang healer.
"Kahit ano Yori." Sagot naman nito.
"Pwede mo bang pakiramdaman ang mga pasyente kung sino ang dapat kong unahin? Dapat natin unahin kung sinong pinaka malala sa kanila." Sabi ko dito.
"Magandang ideya yan Yori, sige ako ng bahala." Pagtapos nun ay nilapitan nito isa isa ang mga pasyenteng naroon. Itinuro nito kay Yori kung sino ang pasyenteng malubha doon.
Nilapitan iyon ni Yori at sinimulang gamutin.
HAJI'S POV
Nagulat talaga ko sa biglang pagsigaw ng healer na iyon sa amin ni Jah. Nagalit ako dahil ako lang ang may karapatang sumigaw ng ganon sa aking ama.
'Tss!' Paghingi niya ng paumanhin ay yan lang ang lumabas sa bibig ko. Lumayo na ako sa kaniya dahil baka lumabas ng wala sa oras ang kapangyarihan ko dahil sa sobrang pagkainis na nararamdaman ko ngayon.
Umupo muna ako dito sa ilalim ng malaking puno at pumikit. Hindi ko alam pero parang nakakaramdam ako ng pagod ngayon, gayong wala naman ako masyadong ginawa.
Pagmulat ko ng mata ay nakita ko ang healer na yon na kausap si Barro. Pagtapos ay nilibot ni Barro ang lahat ng pasyente tsaka kumilos ang healer na yun nang ituro ni Barro ang isang pasyenteng nandon.
Nakaharap sa gawi ko ang healer na iyon. Hawak nito ang kamay ng isa sa mga pasyente at nakapikit ito. Ginagamot na niya ito marahil.
Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya habang nakapikit, wala naman kakaiba doon. Oo maganda siya, mukhang inosente pero nakakaramdam ako ng matapang na aura mula sa kaniya.
Maya maya pa, nakita kong kinausap na naman ng healer na yon si Barro tapos ay may lumapit sa kanilang mga babae sa kusina ng palasyo na may dala dalang malalaking lutuan. Isa isang binuksan iyon ng healer at isa isang tinikman ito.
'Nakuha niya pa talagang kumain ngayon?'
Lumapit ako sa kinaroroonan nila, ang ibang healer at mga babae sa kusina ng palasyo ay pinapanood lang siya.
"May kakaiba ba sa mga pagkain Yori?" Tanong ng ama ko dito. Pagtapos sumubo ng healer ay nakita ko itong napangiwi.
"Meron pong lasong nakahalo sa mga gulay na ito, pinuno." Sagot nito. Tila nagpantig naman ang tenga ko sa nadinig.
"Nasisiraan ka na ba! May lason pero bakit kinain mo!" Bulyaw ko dito, hindi ko kasi napigilan ang sarili ko sa kaengotan ng healer na to.
"Hindi mo malalaman kung may lason ang pagkain kung hindi mo titikman. Ang lasong hinalo dito ay hindi mo basta basta maaamuyan ng kakaibang amoy." Sagot nito. Tama nga ko. Inosente pero matapang.
"Ipatawag ang lahat ng babaeng gumagawa sa kusina, ngayon din!!!" Sigaw ng ama ko.
May lason ang pagkain? Sino naman kaya ang gagawa non?
"Heto na po ang gamot." Napalingon ako sa gawi ni Yori, inabot ng isa pang healer ang bote na may lamang likido sa loob. Gamot marahil.
"Salamat. Ihahalo natin ito sa mainit na tubig at ipaiinom sa kanila." Sagot naman ni Yori sa healer. Tapos ay bigla itong lumapit sa akin na may dalang gamot.
"Kailangan mo din uminom." Sabi nito sa akin. Alam kong nakakain din ako ng pagkaing sinasabi nitong may lason. Pero ano bang pakialam ko hindi naman ako mamatay don.
"Ikaw ang dapat na uminom niyan." Matigas kong sabi sa kaniya. Pero ang ikinagulat ko ay bigla nga nitong ininom ang hawak na gamot na kanina'y pinaiinom niya sa akin.
BINABASA MO ANG
To Heal or To Kill???
FantasiPilit itinatago ni Yori ang healing ability nito sa mga tao sa nayon. Tila nagiging bulag ito sa mga taong may karamdaman, at nagiging bingi naman sa tuwing may mga taong napapadaing sa sakit. Sa madaling salita, pinipilit ni Yori na hindi na niya m...