THIRD PERSON
Nakabalik na nang palasyo si Haji sakay ng kabayong si Taro. Ngunit sa paglalakad patungong 'Land of Army' ay siya namang pag iisip nito tungkol sa sinabi sa kaniya ni Era.
"Mas bagay kayo ni ate yori.."
"Mas bagay kayo.."
"Mas bagay kayo.."
"Aaaaaargghhhh!!! Ano bang problema nang batang yon!" Pasigaw nitong sabi. Tuloy ay pinagtingnan siya ng mga magic users na naroon.
Umubo pa ito kunwari pagtapos ay muling tumindig. Ibinalik niya pa ang nakakatakot na aura nito. Tsaka tuwid na tumingin sa mga naroon na nag eensayo.
"Mag ensayo na kayo!!!" Ma-awtoridad nitong utos sa mga tauhan nito.
Bigla naman itong nilapitan at inakbyan ng kaibigang si Kai.
"Mainit ba ang ulo mo o sadyang may bumabagabag lang sa isip mo?" Sabi ni Kai kay Haji habang nakaakbay dito.
"Mainit ang ulo ko!" Bulyaw naman nito sa kaibigan, kaya ngumisi pang lalo si Kai dito.
"Halika! Maglaban na lang tayo.!" Panghahamon ni Kai.
Pumayag naman din agad si Haji dito para na din mabawasan ang init ng ulo nito.
Pero gaya nga ng laging nangyayari ay natalo na naman ni Haji si Kai. Sa tindi ng paglalaban ng mga ito ay damit pang ibaba na lang ang natirang kasuotan ni Kai. Habang si Haji naman ay mukhang presko pa rin tingnan.
Nagtungo ulit sa ilog si Haji matapos nila maglaban ni Kai. Doon ito naglublob sa malamig na tubig.
Pero habang ito ay malayang nagbababad, ay siya namang biglang pagpasok sa isip nito ng mukha ng healer na tinatawag niyang engot. Kung paano siya nito ginamot kanina habang nakahawak pa ang dalawang palad nito sa mukha niya. 'Aargh! Ang engot mo talaga!' Sa inis ay naisipan na lang ni Haji na umahon doon para matulog na lang sa silid nito.
"Haji.." Hindi pa man nakakalayo ay bigla itong tinawag ng kaniyang ama kasa kasama si Barro.
Huminto si Haji sa paglalakad pero derecho pa din ang tingin nito sa daan, at nanatiling tahimik.
"Iniligtas mo ang healer.. salamat, anak." Masayang sabi ni pinunong Jah dito. Awtomatiko namang napakunot ng noo si Haji pagkarinig sa healer na kanina niya pa gustong sunugin dahil sa panggugulo nito sa utak niya.
"Tss! Napadaan lang ako don." Seryosong sagot nito pero hindi pa din nililingon ang ama.
"Sa pagpunta mo sa nayon ng Omio, nais ko sanang isama mo ang healer." Nagulat si Haji sa sinabi ng ama dahil napalingon siya dito.
"Anong sinasabi mo? Magiging sagabal lang ang babaeng yon!" Inis na sagot ni Haji dito.
Nalalapit na kasi ang araw nang muling pamimili ni Haji sa nayon ng iba pang mga magic users. Iba pang malalakas na magic users, at sa araw na iyon ay ang bayan naman ng Omio ang bibisitahin nito. Medyo malayo ang lugar kaya nais ni pinunong Jah na isama nito ang healer nang sa gayon ay may tumulong dito kung sakaling mapalaban ang mga ito sa daan o sa mismong pamimili ng mga magic users.
"Ipapatawag ko ang healer sa araw ng iyong pag alis." Pagkasabi nito ay umalis na si pinunong Jah sa harapan nito.
"Hindi ko siya kailangan!!!" Pahabol na sigaw naman nito sa ama.
Walang nagawa si Haji kundi umalis na lang doon at magtungo sa silid. Pero mamaya lang din ay balak nitong muling kausapin ang ama.
Nang makapagbihis si Haji ay parang nararamdaman nitong hinihila siya ng kaniyang kama. Kaya humiga lang muna ito saglit at maya maya lang din ay nakatulog na.
BINABASA MO ANG
To Heal or To Kill???
FantasyPilit itinatago ni Yori ang healing ability nito sa mga tao sa nayon. Tila nagiging bulag ito sa mga taong may karamdaman, at nagiging bingi naman sa tuwing may mga taong napapadaing sa sakit. Sa madaling salita, pinipilit ni Yori na hindi na niya m...