"ATEEEEEEEEEEEEEE!!!! ATE YOOOORRRIIIIIIII!!!!!!! AAAAAHHHHH!!!!"Agad kong binitiwan ang malaking itak na gamit kong pamutol ng kahoy. Dali-dali kong tinungo si Era. Halos gibain ko ang pintuang kahoy ng munti naming bahay, dala-dalawang baitang ng hagdan ang pagtapak ko dito makaakyat lang ng mabilis sa itaas, kung saan iniwan kong tulog si Era.
Pag bukas ko sa pinto ay isang malakas na hangin ang sumalubong saakin. Inalon ang mahaba kong buhok at maging ang suot kong damit ay halos kumawala na sa katawan ko. Nakita ko siyang umiiyak habang nakayakap sa unan. Bumubukas at sumasara ang maliit na bintana, maging ang panakip na puting kurtina dito ay tila nagsasayaw. Nagkalat sa lapag ang mga maliliit na gamit doon. Kusang lumabas ang kapangyarihan ni Era dala ng matinding takot nito at malakas na pag iyak. Niyakap ko siya ng mahigpit, at pinatahan.
Nanaginip na naman siya.
"Ssssssshhh. Nandito na si ate, tahan na.." haplos ko ang kulot niyang buhok. Pinaupo ko siya sa kandungan ko habang marahang inuuga. Maya maya lang din ay tumahan na ito, at payapa nang natutulog. Hinalikan ko ang ulo niya at tinitigan ang mukha niyang mahimbing nang natutulog. Nakakaawa siya. Nakakaawa ang kapatid ko.
*flashback
"Yori, anak... kahit pagalingin mo ako, papatayin pa din nila ako.. puntahan mo ang mga kapatid at mama mo! Alis na!"
Yan ang huling boses na lumabas sa bibig ni papa bago ito tuluyang bawian ng buhay. Nagkakagulo ngayon ang buong nayon ng Beblon. Dahil sa mga masasamang loob na nanakop saamin. Marami nang namatay, puro hiyawan at iyakan ang madidinig. Pinagsusunog ang mga bahay, at pinapatay ang mga nakatira dito.
Pinilit kong iwan si papa, kahit masakit. Hinanap ng mga mata ko ang mga kapatid ko at si mama. Una kong nakita si mama na nakahiga sa lupa at nag aagaw buhay na ito. Lalong pinapabigat ng mga nakikita ko ang kalooban ko. Nakita ko din si Dash, ang nakababata ko pang kapatid, meron itong malaking sugat sa tagiliran at bali ang buto, yakap yakap nito si Era na tila tinatago niya sa kaniyang katawan.
"A-Ate Y-Yori.. s-si mama.." tila hirap na hirap na ito ngayon dahil sa pinsala ng katawan niya.
BINABASA MO ANG
To Heal or To Kill???
FantasyPilit itinatago ni Yori ang healing ability nito sa mga tao sa nayon. Tila nagiging bulag ito sa mga taong may karamdaman, at nagiging bingi naman sa tuwing may mga taong napapadaing sa sakit. Sa madaling salita, pinipilit ni Yori na hindi na niya m...