Chapter 43

76 5 0
                                    

THIRD PERSON

Hindi rin naiwasan ni Yori na hindi gamutin si Haji paglabas nila ng RedGrave.

Nung una ay tinitiis pa nitong normal na makipag usap at tingnan lamang si Haji, pero nang mapansin nito na talagang nanghihina na nga ang binata ay ginamot niya din ito.

"Kung hindi lang kita mahal e."

Nagulat si Haji sa sinabi ni Yori bago siya nito hawakan. Hindi niya malaman kung nangaasar lang ba ito at ginaya lamang siya. Kaya napatanga ang binata sa harapan ni Yori

Dahil yun ang unang pagkakataon na sinabi ng dalaga ang salitang iyon. Hindi man direktang 'mahal kita' ay sapat na iyon para mapangiti nito ang puso niya.

Pagtapos mang gamot ni Yori ay nagpaalam naman ito na aalis para hanapin si Yuki at gamutin. Pero hindi pa man nakakasagot si Haji ay umalis na din si Yori. Pagtapos niya ko pakiligin? Tss! Parang batang nagmamaktol itong si Haji.

Sa paglalakad naman ni Yori ay agad din nitong nakita si Yuki. Nakaupo at nakasandal sa puno. Habang nakapikit ang mga mata. May benda na din ang ulo nito.

"Maayos na ko, Yori."

Halos mapatalon naman si Yori sa biglang pagsasalita ni Yuki. Nakapikit pa din kasi ito. Ang galing! Sabi pa ni Yori sa isip.

"Ang maayos, ay yung hindi ka na nakakaramdam ng sakit. Kumikirot pa ang sugat mo diba?"

Umupo na si Yori sa tabi ni Yuki. Habang si Yuki naman ay nagmulat na ng mata at seryosong nakatitig lang kay Yori.

Dahan dahan nang tinanggal ni Yori ang bendang iyon sa ulo ni Yuki. Tapos ay itinapat nito ang kaliwang palad doon.

Unti unting naghilom ang sugat ni Yuki. Hanggang sa wala na ngang makikita kahit maliit na sugat doon.

"Mas maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong dito ni Yori matapos ang panggagamot.

"Oo." Maikling sagot naman ni Yuki kay Yori habang titig na titig pa din ito sa dalaga.

Nakaramdam naman si Yori ng kung anong pagkailang sa mga titig na iyon ni Yuki, kaya umiwas ito ng tingin.

Pero maya maya pa ay ikinagulat nitong bigla ang pagyakap sa kaniya ni Yuki.

"Y-Yuki.." Nauutal na pagtawag ni Yori dito. Pero nanatili lamang na tahimik si Yuki.

"M-Magaling ka na, kaya pwede na kitang sapakin." Pagbabanta pa dito ni Yori.

Natawa naman si Yuki habang yakap yakap pa din si Yori.

"Anong tinatawa tawa mo diyan ha?" Tanong naman ni Yori dito.

"Nakakatawa kayong dalawa." Sagot dito ni Yuki habang tumatawa pa rin.

Nakatingin pala ito kay Haji na nakatayo sa di kalayuan habang ang mga mata ay nanlilisik sa kaniya. Tapos ay kumalas na din ito kay Yori.

"Nahihibang ka na yata. Kanina ay sobrang seryoso mo! Ngayon naman ay halos mangiyak ngiyak ka na kakatawa diyan!" Pagtataray ni Yori dito. Pinisil naman ni Yuki ang ilong ni Yori tapos ay kiniliti niya ng kiniliti ito.

"Aaaahhhh!!! Tama na Yuki!!! Tama na!!!"

Hindi rin naman pinakikinggan ni Yuki si Yori, at nagpatuloy pa ito sa pangingiliti habang tumatawa.

Pero maya maya lang din ay tumatawa na din si Yori at nakipagkilitian na din kay Yuki.

"Ahahahahaha!!! Wag ka ngang mangalabit!!" Pang aasar ni Yuki dito.

To Heal or To Kill???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon