THIRD PERSON
Natatarantang tumakbo palapit si Yori kay Haji. Hindi nito maintindihan kung hahawakan ba niya ang binata o hindi.
"Haji! Pasensya na! Sandali lang.. umupo ka dito."
Hindi na magkamayaw pa si Yori, alalang alala ito sa lagay ni Haji. Naroon pa din kasi nakatarak ang palaso sa dibdib nito.
Hahawakan na sana ito ni Yori para bunutin nang matigilan ito.
Tumayo ulit si Yori at hinila nito si Kai tapos ay pinaupo din doon.
"Kai, hugutin mo ang palaso." Utos dito ni Yori.
"Tss! Ang tapang tapang mo kanina. Ngayon pag hugot lang ng palaso natatakot ka?" Pagsusungit ni Haji kay Yori. Sasagot sana dito si Yori nang mapansin nitong tila hirap din si Haji sa kalagayan nito at pinipilit lang magpakahinahon.
Tuloy ay nanahimik na lang si Yori.
"Aaargh!!!!" Tuluyang dumaing si Haji nang bunutin ni Kai ang palaso sa dibdib nito. Nagtuloy tuloy ang agos ng dugo mula dito, habang nakahawak sa bahaging iyon si Haji.
Mabilis naman ang ginawang pagkilos ni Yori, ginamot nito si Haji. Pinilit nitong kumalma at panatilihin ang konsentrasyon.
Medyo nagtagal ang ginawang pang gagamot ni Yori dito. Dahil na din sa nanghihina nitong katawan dulot ng pag eensayo.
"Haaaaaaaaayyyyyy!!!!!"
Nang matapos gamutin ni Yori si Haji ay walang anu anong humilata ito sa damuhan.
"Hoy engot! Kahit san talaga humihiga ka! Tumayo ka nga diyan!" Sigaw dito ni Haji habang pinapagpag ang suot na damit.
"Saglit lang." Iyon lang ang sinagot dito ni Yori. Nakapikit ito.
"Mukang pagod na pagod ka na Yori." Singit dito ni Kai. "Kanina pa ba kayo nag eensayo?" Dagdag pa nito.
"Tss! Wala naman siyang nagawang tama!" Pagsusungit na naman ni Haji habang nakatingin sa nakapikit na si Yori.
"Nagawa ko naman Haji." Biglang sagot naman ni Yori. Pero nakapikit pa din ito.
"Tss!" Yan na naman ang sinagot ni Haji, tapos ay dinampot nito ang palaso na kanina ay nakatarak sa dibdib niya.
"Pero tinakot mo ko. Wag mo nang uulitin yon."
Sa sinabing iyon ni Yori ay napahintong bigla si Haji sa pagsusuri sa palaso, tapos ay lumingon sa nakapikit na si Yori.
"K-kasama sa.. ensayo yan, Yori." Tila nagbago naman agad ang ekspresyon sa mukha ni Haji nang sabihin yan.
Bumangon naman si Yori mula sa pagkakahiga at malungkot na humarap kay Haji. Nagtaka naman sa kaniya ang binata.
"A-ano bang problema?" Tanong sa kaniya ni Haji.
"Magpahinga ka na Yori, ang tamlay mo na." Singit naman ni Kai.
Pero umiling iling lang sa kanila si Yori. Napapatingin pa ito kay Haji at tila nagbabalak magsalita pero sa huli ay wala din naman itong masabi.
"H-hoy engot! Kung may sasabihin ka, sabihin mo! Hindi yung ganiyan!" Sigaw bigla dito ni Haji.
Bigla naman nagbago ang aura ni Yori.
"Gusto ko lang sabihin na hindi lang ako ang engot! Pati rin ikaw! Gusto kong sabihin na engot ka na! Wala ka pang utak! Gusto kong sabihin na ang yabang yabang mo! At gusto kong sabihin na hindi ka malakas! Sadyang matapang ka lang!" Tuloy tuloy na bulyaw dito ni Yori.
Pero hindi nakaramdam ng kung anong pagkainis dito si Haji. Dahil sa mga butil ng luha na nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ni Yori.
"Diyan ka na nga!" Dagdag pa ni Yori. Tsaka ito nagmartsang umalis.
BINABASA MO ANG
To Heal or To Kill???
FantasíaPilit itinatago ni Yori ang healing ability nito sa mga tao sa nayon. Tila nagiging bulag ito sa mga taong may karamdaman, at nagiging bingi naman sa tuwing may mga taong napapadaing sa sakit. Sa madaling salita, pinipilit ni Yori na hindi na niya m...