THIRD PERSON
Nang mamatay si King ay sumabay din ang pag liparan sa ere ng mga maliliit na bilog na may iba't ibang hugis.
Iyon ang mga tanda ng mga tauhan ni King. Napalitan ang mga kulay abo na mga mata nila at naging itim ito.
Ang lahat ay nagtaka, nalito at natakot. May mga napaupo sa kinatatayuan nila. Naglibot ng paningin. Napaatras. Nagulat. At kung anu ano pang ekspresyon.
Nagatrasan ang lahat ng tauhan ni King at nagsama sama ang mga ito habang takot na takot na nakatingin sa mga tauhan ni Haji na nakapalibot naman sa kanila.
"Haji. Anong gagawin ng pangkat?" Biglang tanong ng isang tauhan ni Haji na nilapitan pa ito.
Dahan dahang tumayo si Haji sa kinauupuan nito mula sa damuhan at humarap sa mga tauhan ni King.
"Si King na pinuno niyo, ang talagang pakay namin dito. Pero ano mang masamang hakbang ang gawin niyo ngayon ay mapipilitan kaming tapusin kayo."
Maawtoridad na pahayag ni Haji sa lahat ng tauhan ni King. Kung tutuusin ay mas madami pa ang bilang nila kaysa kila Haji. Pero sa ngayon ay wala na silang pinuno. Samantalang sa pangkat naman nila Haji. Nakatayo pa ang pinuno at meron pa silang Yuki at Kai.
Tila nanginig at natakot naman sa mga kinatatayuan ang mga ito.
"Si Master! Patay na! Naroon! Wala na siya!" Biglang sumigaw ang isang tauhan ni King habang turo turo pa nito ang kinalalagyan ni King. Wala na itong buhay.
"P-pakiusap. Pinuno ng Hanawe. Isa lamang akong hamak na mamamayan na pilit kinuha ni King mula sa pamilya ko sa malayong nayon. Wag mo akong tatapusin."
Lumapit kay Haji ang isang tauhan ni King at lumuhod sa harapan nito. Ganon din ang ginawa ng iba pa. Nakiusap at lumuhod kay Haji.
"Napilitan lamang akong sumama, dahil papatayin niya ang pamilya ko."
"Ako man ay ganon din."
"Pareho din ng sa akin."
"Gusto ko pang makasama ang pamilya ko, pakiusap."
Sunod sunod na daing ng mga tauhan ni King. Ang iba ay halos umiyak na.
Bigla din naman ang paglapit ni Dash sa tabi ni Haji tsaka ito seryosong nagsalita.
"Hindi silang masamang tao. Gaya ko, at gaya ng kaibigan kong si Kael. Mga biktima lang kami. Ilang ulit naming binalak na kunin ang mga tanda namin na hawak ni King noon, dahil sa hindi niya makataong pamamalakad dito sa palasyo."
Nakayuko ngayon si Dash. Puro dumi na ang mukha nito pati katawan. Maraming galos at sugat. Naglibot pa ng paningin si Haji sa iba pa nitong tauhan. Merong mga nakahiga na sa damuhan, mga sugatan, pagod, at halos hindi na makatayo o makagalaw. Ganon din sina Yuki at Kai na kanina pa walang tigil sa pakikipag laban. Pati si Yori na may sugat pa sa braso nito.
Tapos non ay hinawakan ni Haji ang balikat ni Dash. Tsaka ito humarap sa mga tauhan ni King na nakaluhod ngayon sa harapan niya.
"Dalawang araw na pahinga dito sa palasyo. Tutulungan at gagamutin kayo ng mga healer. Pero pagtapos ng dalawang araw na iyon, ay wawasakin ko na ang palasyong ito, kaya inuutusan ko kayong magbalik na sa kaniya kaniya niyong nayon makalipas ang dalawang araw."
Tila nagliwanag naman ang mga mukha ng mga tauhan ni King at hindi lang iyon. Pati na din ang mga tauhan mismo ni Haji.
Ang iba ay humilata na talaga sa damuhan, dahil sa tindi ng pagod ng mga ito.
Maging sina Yuki at Kai ay napahilata na din, matapos sabihin ni Haji ang desisyon niyang iyon.
Hinawakan ni Haji ang balikat ni Dash, kaya napaangat ng tingin dito si Dash na may namamaga pang mga mata, na dala ng pag iyak nito.
BINABASA MO ANG
To Heal or To Kill???
FantasyPilit itinatago ni Yori ang healing ability nito sa mga tao sa nayon. Tila nagiging bulag ito sa mga taong may karamdaman, at nagiging bingi naman sa tuwing may mga taong napapadaing sa sakit. Sa madaling salita, pinipilit ni Yori na hindi na niya m...