Wala pang kahit kaunting pagsilip ng haring araw sa kalangitan nang magising si Haji. Agad naman nitong pinakiramdaman ang sariling katawan pero maayos na ang pakiramdam nito.Tinanggal niya ang kumot at akmang bababa nang may mapansin itong tao sa gilid ng kama nito. Muntik niya pang masipa ang ulo nito.
Sa gulat ay napakuha siya ng dagger at pinadaloy ang apoy dito. Ngunit sa liwanag na dala ng apoy doon ay natanaw niya ang mukha ng nahihimbing na si Yori. Natigilan pa ito pagkakita sa dalaga. Tiningnan niya ang kabuuan nito mula sa pagkakatulog nito. Nais niya sanang hawiin ang ilang hibla ng buhok nito sa mukha ng healer na iyon para mapagmasdan niya pang mabuti ang mukha ng dalaga, pero binawi din agad ni Haji ang kamay niya sa mukha ni Yori nang bigla itong gumalaw at mukhang gigising na.
Nagkuskos pa ito ng mga mata. Sa loob loob naman ni Haji ay gusto na nitong matawa dahil sa kakatuwang ayos ng dalaga. Pero nang tuluyang magising ito at makita ang binata ay ganon na lamang ang naging reaksyon nito.
"Balak mo ba kong patayin!!??" Pagsigaw ni Yori kay Haji. Napatayo ito mula sa upuan at lumayo ng kaunti kay Haji.
Napatingin naman si Haji sa hawak nitong dagger na may apoy, na tinitingnan ni Yori. Nakatutok kasi iyon sa dalaga, dahil ginamit niyang pang ilaw para makita pa ang mukha nito.
"Oo. Pinapatay ko ang sinumang nakikitulog sa silid ko." Muli naman itong nagbalik sa dating postura. Matalim ang tingin at seryosong mukha.
"A-ano?! Nakatulog ako sa pang gagamot sayo! NAPAKASAMA MO!!" Pagkasigaw nito ay siya namang paglayas nito sa kwarto ni Haji.
Ngunit pagsara ng pinto ay siya namang pagngiti ng labi ni Haji na hindi niya malaman kung paano niya nagawa, habang pinagmamasdan nito ang nag aalab na dagger.
Sa labas ng silid ni Haji ay siya namang gulat na gulat na si Yori. Nakita niya doon ang healer at si Barro na nakatayo sa labas ng silid.
"A-ang aga mo naman yata gumising.. B-Barro.." pero nag aalangan ang dalaga sa tanong niya. Dahil muling pumasok sa isip niya ang sinabi niya kagabi kay Barro, bago niya gamutin si Haji.
'Sinabi ko bang hintayin niya ko dito sa labas?' Pilit inaalala ni Yori kung may nasabi nga ba siyang ganon. Pero mukhang meron nga. Nagbigay lang ng ngiti si Barro sa dalaga.
"N-naku Barro, patawad!! H-hindi ko na naalala." Hinging tawad naman ni Yori dito, pati na din sa healer sa tabi nito. Pero ngumiti lang silang dalawa kay Yori na parang wala lang sa kanila ang bagay na iyon.
"Gusto mo na bang umuwi?" Pag iibang tanong ni Barro sa dalaga. Tumango naman ito kahit medyo nahihiya.
Nang makaalis naman sina Yori at Barro sa tapat ng silid na iyon kasama ang isang healer, ay siya namang paglabas ni Haji. Nagpunta ito sa pinakamataas na parte ng palasyo, para lumanghap ng sariwang hangin at tumingin sa magandang tanawin. Ngunit isang tila hindi kaaya ayang tanawin naman ang nakikita ng mga mata nito.
Nakita niya si Yori at Barro na naglalakad, palabas na ito ng tarangkahan. Ngunit ang hindi niya nagugustuhan makita ay ang isang lalaking nag aabang na pala doon.
Nang makita ni Yori at Barro ang isa pang lalaking iyon, agad na kinausap ni Yori si Barro tsaka muling bumalik papasok sa palasyo si Barro.
Kumunot pang lalo ang noo ni Haji nang makita nitong ang lalaking kasama ni Yori ay mag abot sa dalaga ng isang bugkos na bulaklak.
Hindi nito mawari kung bakit ba tila kinagagalit niya ang nakitang iyon.
'Ano bang problema ko!? Argh!'
BINABASA MO ANG
To Heal or To Kill???
FantasyPilit itinatago ni Yori ang healing ability nito sa mga tao sa nayon. Tila nagiging bulag ito sa mga taong may karamdaman, at nagiging bingi naman sa tuwing may mga taong napapadaing sa sakit. Sa madaling salita, pinipilit ni Yori na hindi na niya m...