Chapter 27

84 5 0
                                    

THIRD PERSON

Tatakbo na sana si Yori papunta sa direksyon ng tinawag nitong Dash. Ngunit pinigilan siya ni Yuki.

"Yori, hindi ka pwedeng lumapit." Sabi dito ni Yuki.

Napahinto naman si Yori at tamang tinitigan na lang mula sa malayo ang kapatid.

"Ate, buhay si kuya.. ibig sabihin siya talaga ang may gawa ng harang kaya nabuksan ko ito."

Gaya ni Yori ay nakatingin lang din si Era sa direksyon ni Dash.

"Yuki, anong gagawin ko? Gusto kong kunin si Dash. Kapatid ko yun! Siya talaga yun!" Halos mawala sa sarili si Yori habang mahigpit na nakahawak sa damit ni Yuki.

"Tama. Kunin natin si kuya. Iuwi natin si kuya. Tara na ate!" Singit ni Era. Namumula ito na may magkahalong takot at saya sa mukha.

"Gagawa tayo ng plano. Huminahon muna kayong dalawa." Sabi dito ni Yuki at tsaka hinila ang dalawang magkapatid patungo sa medyo malayo sa harang.

"Sigurado ba kayo na ang lalaking iyon ay kapatid niyo?" Tanong agad ni Yuki nang makapagtago sila sa likod ng puno.

"Oo Yuki. Si Dash yun! Kilalang kilala ko ang kapatid ko. Kahit anino niya lang makikilala ko siya." Sagot dito ni Yori habang panay naman ang tango ni Era.

Napaisip ang tatlo habang panay ang sulyap sa direksyon kung nasan si Dash.

Nag eensayo ito kasama ang iba pa. Ginawa siyang tauhan ni King dahil sa kakaiba nitong lakas. Kaya ni Dash na gumawa ng parang isang salamin upang mapanood ang nangyayari sa ibang lugar.

Ginagamit siya ni King para masubaybayan ang ano mang kaganapan sa loob ng palasyo ni Pinubong Jah. Parang espiya kumbaga.

Sa tagal na nag iisip nila Yori, Yuki at Era ay wala parin silang magawang plano. Papano nga ba nila makukuha si Dash kung kasa-kasama nito ang mga ilan pang tauhan ni King.

"Ate, pumasok na tayo." Pambasag katahimikan ni Era.

"Delikado pa Era." Sagot naman dito ni Yuki.

"Wala namang kahit isang segundo na hindi delikado dito sa Beblon, Yuki. Pumasok na tayo. Dating gawi, ate." Paliwanag ni Era. Medyo nahiwagaan pa si Yori sa inaasta ng kapatid. Ang tapang niya.

"Sige, tayo na." Sabi dito ni Yori.

Isa isa silang pumasok sa loob at kaniya kaniya ng tago. Naglakad lakad pa sila hanggang sa matunton nila ang lugar kung saan pumanaw ang mga magulang ni Yori at Era. Puro damo at malalaking bato na iyon ngayon.

Bulaklak lang ang alay nila dahil baka maamoy ng ibang naroon ang kandila kung magsisindi pa sila nito.

Tahimik na nagdasal si Yori sa lupa na nilagyan pa niya ng tanda na doon binawian ng buhay ang kaniyang ama.

Si Era naman ay nagdadasal na din sa di kalayuan, kung saan binawian naman ng buhay ang kanilang ina.

Hindi na nila pinuntahan ang isa pang nilagyan ni Yori ng tanda. Para kay Dash.

Tahimik naman na nagmamasid sa kanila si Yuki habang palinga linga sa paligid. Napapatingin din ito kay Dash sa di kalayuan. Lumingon ka. Sabi nito sa isip. Nagiisip pa ito ng iba pang paraan kung papano siya mapapansin ni Dash na ngayon ay abala sa pag eensayo.

Nagpalabas si Yuki ng hangin papunta kay Dash.

"Yuki, anong ginagawa mo?" Tanong sa kaniya ni Yori.

"Sinusubukan kong mapalingon ang kapatid mo dito." Sagot naman nito.

Pati si Era ay lumapit na din sa kanila.

To Heal or To Kill???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon