YORI'S POV
Sa wakas ay nakita ko na ang kanina ko pa hinahanap. Wala kasi si Haji sa 'Land of Army' nandito lang pala siya sa hardin, nakaupo sa itaas ng puno.
"Haji, pinapatawag ka nga pala ni pinu-"
Hindi pa ko natatapos magsalita ay tumalon itong bigla pababa at umalis. Wala manlang sinabi.
____
Muli kong hinanap si Haji at nakita ko ito sa 'Land of Army' habang nagsasanay.
"Haji, gusto mo bang sumabay kumain sa-"
Bigla na lang itong nagbihis ng damit tapos ay tinalikuran na naman ako. Haay!
_______
Ilang buntong hininga ang ginawa ko bago ako kumatok sa silid niya. Itinimpla ko kasi si Haji ng gatas. Sana kausapin na niya ko.
*tok tok tok
Bumukas din naman agad ang pinto. Pero isang kunot noong Haji ang bumungad sa akin. Katatapos lang niyang maligo dahil basa pa ang buhok nito.
"A-ahh.. Haji, ginawan kita ng gatas."
Sa wakas! Nakumpleto din ang sasabihin ko.
Kaso hindi naman din sumasagot si Haji. Panay lang ang tingin nito sa akin at sa gatas na hawak ko. Pagtapos ay kinuha niya iyon at malakas na isinara ang pinto.
Yori --->>> (-_-!) Haaaay!
______
"Mainit lang ang ulo niya!"
"Mainit lang ang ulo niya!"
"Mainit lang ang ulo niya!"
Paulit ulit kong sinasabi ang mga katagang yan, habang naglalakad. Tama! Mainit lang ang ulo niya! Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.
Sa paglalakad ko ay nakita ko si Haji, kasama nito si Kai at Era.
"Ate! Halika dito!" Sigaw sakin ni Era. Buti na lang at tinawag ako.
Lumapit naman agad ako sa kanila. Patingin tingin ako kay Haji, pero sa iba ito nakatingin.
"Ate, mag eensayo ako kasama si kuya Kai. Tuturuan niya daw akong kontrolin ang kapangyarihan ko." Masayang sabi ni Era.
Tumingin muna ako kay Kai, nakangiti din ito. Tumingin din ako kay Haji, sa iba pa din ito nakatingin.
"Era, dapat kay Yuki ka magpaturo dahil pareho kayo ng ability." Sabi ko dito.
"Hindi!" Nabigla naman ako at napatingin kay Haji. Nagsasalita na siya.
"Kung parehong hangin ang gagamitin mas hindi niya makokontrol ang kapangyarihan niya! Kai! Ikaw na magturo kay Era!" Pasigaw na sabi ni Haji.
"Ayos! E di ako naman magtuturo kay Yori." Napalingon naman kami lahat kay Yuki. Kadarating lang nito.
"Anong kelangan ko matutunan Yuki?" Takang tanong ko dito.
"Tuturuan lang kita ng mga depensa at atake. Kahit konti lang. Mas mainam kung may alam ka." Nakangiti nitong sabi sa akin.
Sabagay, balak ko na nga din palang magpaturo non.
"Sige, Yuki." Sagot ko dito. Ngumiti naman ito ng mas malaki tapos ay tumingin kay Haji. Lumingon din ako kay Haji.
Nag aapoy na naman ang mga mata nito habang nakikipagtitigan kay Yuki.
BINABASA MO ANG
To Heal or To Kill???
FantasyPilit itinatago ni Yori ang healing ability nito sa mga tao sa nayon. Tila nagiging bulag ito sa mga taong may karamdaman, at nagiging bingi naman sa tuwing may mga taong napapadaing sa sakit. Sa madaling salita, pinipilit ni Yori na hindi na niya m...