Chapter 40

85 3 0
                                    

THIRD PERSON

"AAACCCHHHHUUUUU!!!"

Napalingon si Haji kay Yori na nagpupunas ng ilong. Nakasampa na din sila sa bangka.

"Ayan! Ang likot likot mo kasi! Basang basa tuloy tayo!" Panenermon ni Haji dito.

"ACHUUUUUU!"

"Haaay! Isuot mo nga to." Ipinasuot naman ni Haji ang damit pang ginaw nito kay Yori. Tapos ay dinampot na nito ang sagwan at nagsimula na silang umalis.

"Ikaw kasi! Niloloko mo ko! Acchuuu!"

Saglit munang inihinto ni Haji ang pagsasagwan tapos ay lumapit ito kay Yori.

"H-hoy! Hoy! Dun ka nga! Baka tumaob ang bangka!" Pagtataboy ni Yori dito. Pero lalo pang lumapit dito si Haji.

"Haji! Dun k-!"

Nahinto na lang bigla ang pagsasalita ni Yori nang salatin ni Haji ang noo nito. Nanlalaki ang mga mata ni Yori at lalo pang namula ang mukha dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Haji. Kunot ang noo nito habang tinitingnan nito kung may lagnat si Yori.

"Mabuti at wala kang lagnat. Siguro ay umuwi na muna tayo." Sabi nito tsaka tumayo at muling nagsagwan.

Nanatili namang tahimik ang dalawa. Seryoso si Haji na nagsasagwan, habang yakap yakap naman ni Yori ang tuhod nito.

Pero ilang saglit pa napatingin si Yori kay Haji, tumigil kasi ang bangka at huminto na din ito sa pagsasagwan. Tumayo si Yori at dahan dahan lumapit dito.

"H-Haji..?" Nag aalangang tanong nito.

"Umupo ka Yori at baka madulas ka na naman." Sagot nito sa dalaga.

"E bakit tayo huminto?" Tanong muli ni Yori dito.

"Wala na kasi yung sinusundan kong mga ilaw. Natapos na sila sa banda don." Itinuro pa ni Haji ang bahagi ng ilog na may huling sindi ng ilaw. Nilingon naman iyon ni Yori tapos ay tumingin ulit kay Haji.

"Bumalik kaya tayo don? Yung dinaanan natin." Dagdag pa ni Yori. Tapos ay naupo na ulit ito. Inikot naman ni Haji ang bangka para muling bumalik.

Kaso ay napahinto ulit si Haji sa pagsasagwan nang biglang namatay ang ilaw na pupuntahan sana nila. Napatayo bigla si Yori dahilan ng pag uga ng bangka. Lumapit naman agad si Haji dito.

"Bakit namamatay ang mga ilaw?" Tanong ni Yori kay Haji na nakatayo na sa tabi nito.

"Hindi ko din alam."

Pinaliyab ni Haji ang kamay para maaninag ang dadaanan nila. Iniliko muna iyon ni Haji sa kalapit na lupa. Masyadong delikado kung merong aatake sa kanila habang nasa tubig pa sila.

"Haji, may nararamdaman ka bang panganib?" Tanong dito ni Yori pagkasampa sa lupa.

"Wala naman Yori, pero kelangan pa din natin mag ingat. Wag kang lalayo sa akin." Tumango naman ang dalaga dito.

Nang biglang..

Isang kaluskos sa halaman di kalayuan ang nadinig nila. Mabilis na itinago ni Haji si Yori sa likuran nito. Napakapit naman din si Yori sa braso ni Haji habang sinisilip nito ang gumalaw na damuhan.

"Aaahhhhh!" Napasigaw si Yori sa gulat nang biglang may lumabas ditong tao.

Mabilis namang pumwesto si Haji nang pagsugod dito nang biglang may nagsalita.

"Sandali!"

Kilala ni Yori ang boses na yon. Siguradong sigurado ito. Maya maya pa ay lumabas din sa likod ng malaking halamang iyon ang isa pang lalaki na sumigaw kanina.

To Heal or To Kill???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon