Chapter 28

90 9 0
                                    

YORI'S POV

Ilang araw na din mula nang makabalik kami dito sa Hanawe. Masaya man ako dahil sa magandang balita na nabubuhay pa ngayon ang kapatid kong si Dash, ay hindi pa din naman ako mapanatag dahil hawak pa din ngayon ni King ang kapatid ko.

"Ate, alam ko kung ano iniisip mo." Nawala ang pag mumuni muni ko dito sa labas ng bahay nang biglang lumapit sa akin si Era.

"Magtiwala tayo kay Kuya." Dagdag pa ni Era. Tumango ako sa kaniya. Pero napaisip din akong bigla hindi pwedeng si Dash lang ang kumilos.

"Era, gusto mo bang tumira sa palasyo ni pinunong Jah?" Tanong kong bigla dito. Lumaki naman ang mga mata nito.

"Ipapaampon mo ako?" Tanong din nito sa akin.

"Hihingi tayo ng tulong kay pinuno. Siguradong tutulungan niya tayo, para matulungan natin si Dash." Paliwanag ko dito. Meron na akong naisip na paraan.

Nag isip isip naman si Era at patango tango ito.

Kinabukasan...

Nagpunta ako sa palasyo. Nagulat pa nga si Barro na kalalabas pa lang sa loob ng silid ni Pinunong Jah.

"Yori.." Pagtawag nito sa akin.

"Gusto ko sanang makausap si pinuno." Sabi ko agad dito.

"Nasa loob siya. Sandali lang." Sagot naman nito. Pumasok si Barro sa loob ng silid ni pinuno. Tapos ay lumabas din ito agad.

"Pumasok ka na Yori." Sabi nito sa akin. Tumango naman ako sa kaniya.

Pagpasok ko sa silid ay maaliwalas ang mukha ni pinuno. Lagi siyang ganiyan pag nakikita ako. Pero hindi lang siya ang nasa loob, naroon din pala si Haji na hindi na naman mawari ang itsura dahil sa kunot nitong noo. Siya naman ay palaging ganiyan pag kaharap ang ama niya.

Tumingin ito sa akin tapos ay inirapan ako. Bastos kang bata ka! Nanggigigil ako sa kaniya sa loob loob ko, pero nanatili akong mahinahon dahil may kailangan din ako sa kaniya.

"May kailangan ka ba Yori?" Napalingon naman ako kay Pinunong Jah nang magsalita ito. Kinabahan akong bigla at hindi ko alam paano magsisimula.

"Sige na hija, wag kang mahiya." Pag uulit nito.

"Tss!" Si Haji yan. Di ko alam bat naiirita na naman to. Padabog itong umalis pero hinawakan ko siya sa kamay.

"Haji, sandali lang. M-may sasabihin din kasi ako sayo e.." Nakayuko kong sabi dito. Nahihiya kasi ako.

"Ano ba yun?" Kunot noong tanong nito sakin. Gusto ko sanang sabihing Pasapak, isa lang!

Pero imbis sabihin yan ay humarap ako kay pinuno tsaka nagsalita. Pero hawak ko pa din si Haji. Baka kasi makawala.

"Pinuno, meron po akong kapatid sa Beblon. Hawak siya ni King. Pinuno, kelangan ko po ang tulong niyo." Sabi ko dito. Tila nababasa naman ni pinunong Jah ang nais kong iparating, samantalang tahimik lang si Haji sa tabi ko.

"Ang Beblon ang nangungunang nayon na kalaban ng Hanawe., at si King naman ang taksil na pumatay sa anak kong si Emerald. Gagawin namin ang lahat para matuldukan na ang kasamaan niya. Sabihin mo ang gusto mo." Paliwanag sa akin ni pinuno.

"Hinihiling ko po ang kaligtasan ng kapatid ko. Hindi po siya kaaway pinuno, ako naman ay tutulong sa mga tauhan ni Haji na mapanatiling maayos ang kalusugan at pangangatawan nila." Sagot ko dito. Nakita ko naman ang pagtango nito.

"Kung ganon, tinatanggap mo na ang inaalok ko sayo?" Tanong ni pinuno.

"Opo." Maikli ko namang sagot dito.

To Heal or To Kill???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon