YORI'S POV
Oras na nang paglalakbay na gagawin namin. Nakaayos na ang lahat. Kabayo, pagkain, iba pang kakailanganin at ang buong pangkat.
Pumunta ako kay pinunong Jah para magpaalam at paglabas ko sa silid nito ay nagulat ako nang makitang nakatayo doon si Haji.
Naguluhan ako at nagtaka. Hindi naman kasi siya ipinatawag ng ama niya. At hindi siya nagpupunta dito kung hindi naman siya pinapatawag.
"Haji, sinusundo mo ba ko? Pababa na ko." Sabi ko dito. Sabay sara ng pinto.
"A-ah. A-ano... hindi Yori. M-mauna ka na sa labas."
Sabi nito sakin na tila nahihiya. Pero sa pagkakataong ito. Ako yata ang nakakaramdam ng hiya. Sundo? Sundo talaga? Parang gusto kong batukan ang sarili ko.
Sinabi ko na lang tuloy na mauna na ko sa kaniya, para hindi na humaba pa ang pag uusap namin. Kasi nakakahiya.
Pero sa paglalakad ko naman ay hindi ko sinasadyang mapatingin at mapahinto sa pintong iyon. Hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.
Ang pinto papuntang RedGrave.
Lumingon lingon muna ako sa paligid, at nang matiyak na walang tao ay mabilis akong naglakad papunta sa pintong iyon. Kinuha ko ang isang sulo na may apoy sa gilid ng pinto. Walang paligoy ligoy na binuksan at pumasok ako sa pintong iyon.
Huminga lang muna ako ng malalim tsaka tinahak ang mahabang hagdan pababa.
Mas nakakatakot ngayon, dahil alam kong ako lang at wala ng ibang tao ang nandito. Pinilit ko na lang na magpakatapang at wag matakot.
Nang makarating ako sa pinaka ibaba ay dumerecho na agad ako sa puntod na kailangan kong puntahan. Hindi ko na inintindi o nilingon manlang ang iba pa kasi talagang nakakatakot.
Nasa harapan ko na ngayon ang puntod ni Emerald. Merong pana at buslo ng palaso na nakatusok sa puntod niya. Lumuhod ako doon at taimtim na nanalangin.
"Sumama ka samin. Gabayan mo ang bawat isa samin." Pagkatapos kong sabihin yan ay dumilat na ako.
Tapos ay hinawakan ko ang pana ni Emerald. May naka disenyo doong araw at buwan na tanda ng isang healer. Pinagmasdan ko iyong mabuti hanggang sa napakunot noo ako.
Yung tanda kasi ni Emerald isang araw at isang kalahating buwan. Pero ang sa akin, isang araw at isang buong buwan. Buo ang buwan ng sa akin.
'Bakit magkaiba kami?' Takang tanong ko sa isip. Sa kaiisip ko naman ay di ko na namalayan na nagtatagal na pala ako dito.
"Emerald, hihiramin ko sana itong pana at palaso mo. Ito ang gagamitin ko. Itong palaso mo ang gusto kong tumapos kay King. Ipaghihiganti kita gamit ang palaso mo." Pagkasabi ko niyan ay mabilis kong ibinalot sa dala kong balabal ang pana at palaso ni Emerald. Tapos ay patakbo na akong umalis ng RedGrave.
Pagdating ko naman sa labas ay nakita ko na silang lahat. Nandon na din si Haji. Na nagulat sa pagdating ko, nilapitan agad ako nito.
"Bakit nauna pa ko sayo?" Takang tanong niya sa akin. Hindi na kunot ang noo, di tulad dati.
"May dinaanan pa kasi ako Haji, aalis na ba?" Tanong ko din sa kaniya.
"Ate.."
Hindi pa man nakakasagot si Haji ay tinawag naman ako ni Era. Ako na ang lumapit sa kaniya at yayakapin ko sana siya nang pigilan niya ako at umatras pa ito.
Kumunot naman ang noo ko at nagtaka.
"May problema ba, Era?"
"Wala ate, pero hindi mo muna ako pwedeng hawakan. Kung gusto mo akong mayakap muli, bumalik ka dito." Seryosong sabi sa akin ni Era.
BINABASA MO ANG
To Heal or To Kill???
FantasyPilit itinatago ni Yori ang healing ability nito sa mga tao sa nayon. Tila nagiging bulag ito sa mga taong may karamdaman, at nagiging bingi naman sa tuwing may mga taong napapadaing sa sakit. Sa madaling salita, pinipilit ni Yori na hindi na niya m...