Chapter 7

144 6 0
                                    

Makailang beses pa akong pinuntahan ng mga taong galing sa palasyo. Ang kulit nila.

Minsan nga, ay si Yuki na mismo ang pinaharap ko sa mga taong iyon dahil talagang naririndi na ako sa kanila. Nag iba din ang nakasanayan naming gawin dati ni Era, dahil halos araw araw din ang pagbisita namin sa bayan para tingnan kung may malulubhang pasyente doon na kailangan ng tulong ko.

Pero mabuti naman at hindi na ganon kadami. Maluwag na maluwag na din ang harapang bahagi ng pagamutan dahil wala nang mga pasyenteng nakahiga doon. Bagay na ikinatuwa naman ni Raya at Missy. Ngayon lang daw nangyari iyon. Kahit nung apat pa daw sila na gumagamot dito ay talagang dagsa pa rin ang mga pasyente sa loob at labas ng pagamutan.

Madalas na din magkita at maglaro ang kapatid kong si Era at ang kaibigan nito na si Timothy, na taga bayan pala. Ipinakilala na din sa akin ito ni Era.

"Kung ganon, hindi lang isang beses na sinundo ka ng mga tauhan ni pinunong Jah?" Tanong sa akin ni Raya habang nagtatali ito ng buhok. Nandito ako ngayon sa pagamutan kasama sina Missy at Raya. Samantalang wala doon si Yuki at nasa labas naman si Era kasama si Timothy.

"Malamang Raya hindi titigil iyon. Isang malakas na healer si Yori. Kailangang kailangan ang mga kagaya niya sa palasyo." Sabat naman ni Missy na ngayon ay nag aayos ng higaan ng mga pasyente.

"Ang alam ko madami ang manggagamot doon." Dagdag ko pa sa kanilang dalawa.

"Madami talaga Yori. Pero katulad lang din namin ang lahat ng manggagamot na nandoon. Ang katulad mo naman ay wala kahit isa sa palasyo." Biglang sagot ni Missy.

"Kaya natatakot talaga ko Yori.." bigla naman lumapit sa akin si Raya at hawak pa ang magkabila kong kamay.

"Hindi ka namin pinipigilan dahil sarili mo namang buhay yan. Talaga lang kasing napakalaking tulong mo kaya wag ka na umasang mapagod ang mga tauhan ni pinunong Jah na puntahan ka." Singit naman ni Missy.

"Gusto ko nga sana pumunta doon para personal kong masabi sa pinuno na hindi ako pumapayag." Nagkatinginan naman ang dalawa at sabay na napatalon sa tuwa. Galak na galak sila sa binabalak kong gawin.

KINABUKASAN...

Natuloy ang pag punta ko sa palasyo. Nagpahatid lang ako kay Yuki at hihintay niya din ako sa labas ng tarangkahan.

Makalaglag panga ang buong paligid. Animo'y may buhay ang mga istruktura, malalaking poste at maging ang higanteng pinto na may dalawang bukasan. Pagpasok ko ay hindi maiwasan ng mga mata ko ang maglibot ng tingin. May larawan ng matandang lalaki na nakadikit sa mataas na pader na halos kasing laki ng buong bahay namin ni Era. Siya marahil si pinunong Jah.

Pumasok pa kami sa isa pang malaking pinto. Medyo madilim ang loob nito.

"Yumuko ka.." bumulong sa akin ang lalaki sa tabi ko na siyang nagsama sa akin papunta dito. Sinunod ko naman iyon at bumati sa pinuno.

"Magandang araw po sa inyo, pinuno." Magalang kong pagbati habang nakayuko sa harapan nito.

"Anong pangalan mo?" Biglang tanong nito. Buo ang boses at nakakatakot.

"Ako po si Yori, pinuno.." sagot ko naman sa kanya habang nakayuko pa rin.

"Kaya ka ba pumarito ay dahil tinatangga-"

"Hindi po, pinuno." Mabilis kong tugon dito. Napaangat pa ako ng tingin at mata sa mata kaming nagkatitigan. Nakita ko ang madiin nitong pagsara ng bibig. Yumuko ulit ako at nagsalita.

"Patawad po, pinuno.. pero hindi ko po matatanggap ang inaalok ninyo. Marami pong taong nangangailangan ng tulong ko sa bayan." Paunti unti ay nakakaramdam ako ng takot.

To Heal or To Kill???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon