Chapter 3

190 8 0
                                    


"Ano ba tong bahay niyo! hipan ko lang to, talagang mapupunta na ito sa kabilang planeta e!" Sabi ni Yuki, na ngayon ay panay ang pukpok niya sa pinto namin. Nagprisinta kasi siyang ayusin ito, hindi kami pumayag ni Era. Pero pag uwi namin ay mas nauna pa siyang nakarating sa bahay namin. Inutusan daw niya ang mga hangin niya na ihatid siya sa bahay namin. Hmm. Pwede pala yun? Magaling na din siya ngayon. Pero hindi niya pa alam ang ability ko. Pasimple ko lang idinikit ang kamay ko sa braso niya nang yayain ko na si Era na umuwi at naglakad talaga ako malapit sa pwesto niya. Nakahawak ito sa tiyan niya, at doon ko isinagawa ang healing power ko, at siya ang kauna unahang taong muli kong ginamot, maliban kay Era. Alam kong hindi lahat ng pinsala sa tiyan niya ay natanggal ko dahil saglit ko lang itong nadikitan.

"Umuwi ka na kung gusto mo. Wala naman nagsabing gawin mo yan e!" Sabi ko sa kaniya. Napahinto ito sa pagpukpok at napanganga sa akin. Bigla itong tumakbo palapit sa akin.

"Ngayon ko lang nadinig na nagsalita ka! Ang ganda ng boses mo! Grabe!" Manghang mangha ang itsura nito, hindi ko naman maintindihan kung saan banda naging maganda ang boses ko. Lumapit pa ito sa akin at tila ineeksamin ang mukha ko. Doon ko nakita ng malapitan ang mukha niya. Makinis ang mukha nito, mahaba ang pilikmata at matangos ang ilong. Pero saglit ko lang napagmasdan ang mukha nito dahil biglang pumasok si Era sa bahay kasama ang asong si Kazu, bigla na lang tumilapon si Yuki sa kung saan at...

Kasama ako..

"Naku! Ate.. Sorry!" Tumakbo pa si Era sa direksyon namin ni Yuki at tinulungan akong tumayo. Sobrang nakakahiya dahil nasa ibabaw ako ni Yuki. Ibinaling ko na lang kay Era ang atensyon ko para makaiwas sa nakakahiyang pangyayaring ito.

"Era! Pati ba naman ako?"

____________

YUKI'S POV

"Umuwi ka na kung gusto mo. Wala naman nagsabing gawin mo yan e!"

Grabe! Ang ganda ng boses niya. Napakalamig at talagang nakakadala. Ang sarap ulit ulitin na pakinggan. Lumapit lang ako sa kaniya, at baka magsalita ulit. Siguradong magagalit siya at panigurado masasampal ako tapos madidinig ko ulit ang mala anghel niyang boses! Ayos! Magpapasampal na lang ako kahit ilang ulit pa!

Pero iba ang nangyari bigla kaming inihagis ng hangin, siguradong galing iyon sa nakapakabuti niyang kapatid. Niyakap ko ng mahigpit ang maganda pero supladang babaeng ito para hindi siya masaktan sa pagbagsak namin. Yung bansot niya kasing kapatid hindi na naman kinontrol ang power niya. Tuloy, pati ate niya nadali niya! Ay talaga naman! Pero ang makayakap siya..

HEAVEN!!!!!!!!!!!

"Diba sinabi ko sayo na hindi sa lahat ng oras e gagamitin mo yang power mo?"

Bumalik na ko sa pag aayos ng pinto nila habang pasimple kong pinapanood sa di kalayuan ang mag ate. Pinagagalitan niya ang kapatid niya. Grabe! Kahit na galit e maganda pa din ang boses.

Mula naman sa pwesto ko ay binelatan ko si bansot Era. Nakatalikod sa direksyon ko ang ate niya at nakaharap naman sa akin si bansot Era. Nakita ko ang iritasyon niya sa akin. Lalo ko naman siyang binelatan at pasayaw sayaw pa ako dito. Hindi siya makaganti dahil sinesermunan pa siya ng ate niyang ubod ng ganda.

"Ate, sorry na.." Sabi nito sa nag-gagalaiting ate niya.

"Lagi ka na lang ba mag sosorry pag may nagawa ka nang hindi maganda??" Muling panenermon ng ate nito. Tama nga naman. Muntik na din kaya mapahamak si Kazu.

"Hindi na mauulit, sorry na." Nakayuko na siya ngayon sa harapan ng ate niya. Nakakaawa din.

Maya maya lang din ay mabilis akong bumalik sa pag ayos ng bahay nila, dahil nakita kong papasok na sila dito. Nakayuko si bansot Era habang wala naman emosyon ang mukha ng ate nito, na palagi kong nakikita mula dito.

To Heal or To Kill???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon