THIRD PERSON
Nagpatuloy ang paglalakbay ng buong pangkat patungong Beblon.
Bawat isa ay may kaniya kaniyang naiisip ng mga sandaling iyon. Mga bagay na pwede pa at hindi na pwedeng magawa pagkatapos ng laban. Pero ang lahat ay buo ang loob at may sapat na tapang para humarap sa halimaw na si King at mga tauhan nito.
Ang lahat ay huminto sa isang tagong lugar ng Beblon, kung saan nagbubukas si Era ng lagusan kapag sila ni Yori ay dumadalaw sa libingan ng mga magulang nila na nasa Beblon.
"Nandito na tayo."
Bigkas ni Yori. Natahimik ang lahat ng mga sandaling iyon. Tila pinakikiramdaman ang paligid.
"Gaya ng ginagawa ni bansot, hahawakan mo lang ang harang Yori."
Sabi namang bigla ni Yuki. Tumango dito si Yori tapos ay maingat na bumaba sa kabayong gamit nito.
Hanggang sa...
*BOOOOOOGGSH!!!
"A-aray!"
"Yori!" Sabay na tawag ni Yuki at Haji kay Yori, na sabay ding bumaba ng kabayo.
Sa pagbaba kasi sa kabayo ay hindi inaasahang madulas at mawalan ng balanse si Yori kaya ito nahulog.
Hawak hawak ni Yori ang pwetang bahagi ng katawan nito.
"Sana tumalon ka na lang. Baka hindi ka pa nasaktan non." Sabi ni Kai na natatawa ngayon.
Pati rin ang iba pa nilang kasamahan ay napatawa nito.
"Haaaay! Mag ingat ka nga Yori!" Sa muling pagkakataon naman ay nagsungit bigla si Haji dito na kinagulat ng dalaga.
Yun pala ay uminit lamang ang ulo nito dahil sa paghawak ni Yuki sa braso ni Yori.
Pasimple niya itong inagaw kay Yuki.
"Pasensya na, mukang matangkad yata ang kabayo ko ngayon." Sagot naman dito ni Yori.
"Matangkad?" Takang tanong naman ni Haji.
"Oo. Tsaka pinatawa ko lang silang lahat. Pampaalis kaba." Nakangiting sabi ni Yori.
Tapos ay lumapit na ito sa harang, itinapat at idinikit ang palad doon gaya ng nakikita nito kay Era.
Hanggang sa nagkaroon na nga ang daan ang bahaging iyon.
Naunang pumasok si Haji, hila hila ang kabayong si Taro. Sunod na pumasok si Yori.
"Yori ang kabayo mo." Pahabol naman na sabi ni Kai.
"Ahh. Pasensya na." Lumabas muli si Yori tsaka hinila nito ang kabayo niya. Pero nagpumiglas iyon.
Gustong gustong kumawala ng kabayo. Tila natatakot ito. Hawak hawak ni Yori ang tali na nakakabit at pinipigilan ito sa pag galaw.
"Yori, bitawan mo na baka masaktan ka!" Bumaba mula sa kabayo si Yuki at pinilit nitong pakalmahin ang kabayo.
Hinawakan naman ni Haji ang lubid na hawak ni Yori, at marahang itinabi ang dalaga.
"Mukang natatakot siya." Pagkasabi ni Haji ay binitiwan niya na ang kabayo at hinayaang tumakbo paalis. "Tumuloy na tayo." Dagdag pa nito at tsaka pumasok nang muli sa lagusan.
Nagkaroon man ng kauting pagtataka at pangamba ang lahat ay pumasok pa din ang mga ito at sumunod kay Haji.
Maingat ang mga hakbang na ginagawa nila. Lahat ay nakikiramdam at ang mga mata ay nagmamasid sa buong paligid.
Nahinto ng saglit si Yori ng madaanan ang puntod ng ama nito. Saglit itong nanalangin, sunod naman ay ang puntod ng ina nito.
"Haji, wala akong maramdamang kahit na anong aura ng tao dito. Maliban sa atin."
BINABASA MO ANG
To Heal or To Kill???
FantasíaPilit itinatago ni Yori ang healing ability nito sa mga tao sa nayon. Tila nagiging bulag ito sa mga taong may karamdaman, at nagiging bingi naman sa tuwing may mga taong napapadaing sa sakit. Sa madaling salita, pinipilit ni Yori na hindi na niya m...