Chapter 18

109 7 0
                                    


Madilim pa rin ang kalangitan nang gumising si Yori. Bumangon ito at kinuha ang damit na suot niya kahapon. Ngayon na niya balak magpalit dahil kung mamaya pa ay mahihirapan siya, bukod sa gising na ang lahat ay masyado na din maliwanag mamaya.

Pagkapalit ng damit ay tiningnan muna nito ang damit ni Haji, pati na din ang damit pang ginaw na may hiwa pa sa bandang braso kung saan nasugatan si Haji para iligtas ito.

Bumalik na muli si Yori sa mga kasamahan nito. Tulog pa ang limang magic users, wala doon si Barro, si Haji naman ay nakita niya sa itaas ng puno nakahiga at nakatalikod sa kaniya. Hindi rin nakawala sa paningin niya ang matitipunong likuran ng binata, na siya namang kinamula ng mukha nito.

Ibinalik na lang niya ang kaniyang sarili sa pagkakahiga at isinaklob sa katawan at ulo ang damit pang ginaw ni Haji. Hindi naman niya maibalik para ikumot kay Haji yon dahil nasa itaas ng puno ang lalaki. 'Ang bango.' Biglang sabi sa isip ni Yori. Kahit kahapon pa suot ni Haji at naduguan pa ay mabango pa rin.

Sa kakaamoy ng mabangong damit pang ginaw ni Haji ay nakatulog ang dalaga. Muli na naman itong hinila ng antok.

Ilang saglit naman ay bumangon na din si Haji. Tapos ay sumulyap sa nakatalikod at nakatalukbong na si Yori. Ang totoo niyan ay mas nauna pang nagising si Haji kaysa kay Yori. Alam niya din na nakapagpalit na ito ng damit. Bumaba ito sa puno at siya namang pagdating ni Barro, mayron na itong dala dalang mga prutas. Nanghuli din ito ng ahas na pwede nilang kainin.

"Kasama nga pala sa natangay na kabayo ang ginamit ni Yori." Biglang sabi ni Barro dito, habang binabalatan ang ahas na nahuli nito.

"Pati kabayo ay ayaw sa kaniya. Tss!" Sagot naman ni Haji at naupo sabay kagat ng saging na dala ni Barro.

Natawa naman si Barro sa sinabi ni Haji.

"Kahapon nung iniligtas mo siya. Ano bang pumasok sa isip mo?" Pag iiba ng tanong ni Barro dito.

"Na.. kailangan ko siyang iligtas? Kasi kargo ko siya. Ayun. Ano bang klaseng tanong yan?" Sagot naman ni Haji pero patuloy lang ito sa pagkain ng saging.

"Ang totoo niyan, kinabahan ka talaga kahapon." Napahinto sa pagkagat ng saging si Haji at tumingin sa nakangiting si Barro.

"Hindi pa ko kinabahan sa tanang buhay ko Barro." Depensa naman ni Haji.

"Kahapon pa lang??" Tila nanghuhuling tanong ni Barro dito.

Inubos naman ni Haji ang kalahati pang saging tsaka ibinato ang balat kay Barro na nasalo naman nito.

"Inuutusan kitang wag nang gagamitin sa akin ang kapangyarihan mo! Naintindihan mo ba?" Tumayo pa itong si Haji at nakaturo ang hintuturo sa tawa ng tawang si Barro.

"Alam mong hindi ko ito napipigilan. Osige, ililihim ko na lang Haji." Pagsabi nun ay tumingin ito sa natutulog na si Yori kaya napatingin din doon si Haji.

Sakto namang gumalaw ang dalaga at pumihit paharap sa kanila. Kitang kita ang mahimbing at maamo nitong mukha habang natutulog. Nakabukas ng kaunti ang bibig kaya kitang kita ang magandang kurba ng mapupula nitong labi.

Hindi naman naiwasan ni Haji na mapatitig sa dalaga. Napukaw lang ang atensyon nito nang biglang humarap sa kaniya si Barro at nakangiti ito.

"Oh, kinakabahan ka na naman!" Natatawang sabi dito ni Barro.

"Hindi!" Pasigaw na sabi ni Haji dito tsaka padabog na umalis doon habang naiwang tuwang tuwa si Barro.

_______

"Sige na Yori, masarap ito tikman mo lang." Pangungulit kay Yori ng isang user na kasamahan nila.

Pinilit nitong pakainin si Yori ng inihaw nilang ahas. Napapangiwi na lang ang dalaga sa itsura pa lang non.

To Heal or To Kill???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon