THIRD PERSON
Sinundan ni Yori hanggang sa lugar ng paglilitis si Haji na ngayon naman ay nakakaramdam ng labis na pagkainis.
Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa taong may gawa ng lason na hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin. O sa maling akala nito dahil sa sinabi ni Yori na hindi niya pwedeng iwan si Haji. Naguguluhan ang binata.
"Hindi ako papayag na gawin mo sa kanilang lahat yan, Haji!" Galit na sabi dito ni Yori.
"Lalong hindi ako papayag na mangealam ka!" Mas galit naman na sagot ni Haji dito.
Nais ni Haji na pakainin din ng lason ang lahat ng kababaihang naroon. Bilang parusa.
Nang makarating sila sa lugar na iyon ay sumalubong naman sa kanila si pinunong Jah. Pero gaya nga ng inaasahan ay hindi na naman pinansin ni Haji ito o magbigay galang manlang.
"Ilabas niyo na ang pagkaing may lason." Matapang na utos ni Haji.
Isa isa namang naglabasan ang mga taong may dala dalang pagkaing may lason at ibinigay sa mga kababaihan doon. Takot na takot naman ang mga ito at nanginginig pa ang mga kamay na hawak hawak ang mga iyon. Ang iba sa kanila ay umiiyak na.
"Pinunong Jah! Hindi pwede ang gagawin ng anak niyo." Sabi ni Yori sa ama ni Haji, at baka magawan pa nito ng paraan. Pero humawak lang ito sa balikat ni Yori at umiling.
"Hawak ng anak ko ang buong 'Land of Army' Yori. Siya lang ang may karapatang magbigay ng anumang parusa sa kahit na sino na may kinalaman sa nasasakupan niya." Paliwanag dito ni pinunong Jah. Nang malaman ni Yori na wala talagang magagawa ang pinuno ay mabilis namang tinungo nito si Haji.
"Haji.." panimula nito nang makalapit kay Haji.
"Wag ka nang mangealam. Mabuti pa ay umuwi ka na." Sagot ni Haji dito na hindi nilingon ang dalaga.
"Sabi ng mga tauhan mo sa akin magaling ka raw. Kung ganon, walang inosenteng dapat masaktan at parusahan mo ang totoong may kasalanan! Kung magaling kang talaga, yan ang gawin mo Haji!" Seryosong sabi dito ni Yori. Napatingin naman sa kaniya si Haji. Tumitig pa ito sa mga mata ni Yori.
Maya maya naman ay bumunot ito ng dagger mula sa tagong parte ng kasuotan nito.
"Oo, magaling ako. Panoorin mong mabuti at parurusahan ko ang totoong may kasalanan." Sabi ni Haji dito habang pinagmamasdang mabuti ang talim ng dagger na iyon, at maya maya lamang ay ibinato nito ng malakas sa isa sa mga babaeng naroon.
Sa gulat ni Yori ay napahawak pa ito sa bibig nito. Paglingon niya ay isang babaeng dumudugo ang kamay ang tinamaan noon.
Nilapitan ni Haji ang babaeng iyon, mabilis naman nagtayuan at nag-alisan ang iba pang kababaihang katabi nito.
"Ayaw mong mamatay sa lason? O sadyang ayaw mo lang mamatay sa mga kamay ko?" Seryosong tanong ni Haji dito. Pero imbis na matakot ay ngumisi lamang ang babaeng ito. Tila hindi natatakot sa kamatayan niya.
"B-barro?? a-anong nangyayari??" Tanong naman bigla ni Yori habang pasimple nitong nilapitan si Barro.
"Ang babaeng yan ang may gawa Yori." Pagsagot naman nito habang turo turo ang babaeng nakaupo sa harap ni Haji.
"Pero paanong.."
"Nakikita mo ba ang dalawang dagger sa tabi niya? Yung isa ay gagamitin niya sana para tapusin ang buhay niya at yung isa naman ay yung galing kay Haji na binato niya sa kamay ng babaeng yan." Mahabang paliwanag ni Barro kay Yori.
"Pero bakit kelangan niyang kitilin pa ang buhay niya kung sa lason na ipapakain sa kaniya ay ikamamatay niya din naman?" Takang tanong ni Yori dito.
BINABASA MO ANG
To Heal or To Kill???
FantasyPilit itinatago ni Yori ang healing ability nito sa mga tao sa nayon. Tila nagiging bulag ito sa mga taong may karamdaman, at nagiging bingi naman sa tuwing may mga taong napapadaing sa sakit. Sa madaling salita, pinipilit ni Yori na hindi na niya m...