Chapter 39

76 2 0
                                    

THIRD PERSON

"Tsk! Kainis!"

Pinagsisipa ni Haji ang mga maliliit na bato na madaanan nito. Nagagalit ito sa mga nakikita sa paligid. Kahit saan kasi tumingin ay ang masayang si Yori at Kai ang nakikita nito.

Sa sobrang inis na nararamdaman ay naisipan na lang nitong maglublob sa batis, gaya ng dati niyang ginagawa. Ang pinagkaiba lang, noon ay lagi itong nasa batis dahil kay pinunong Jah. Ngayon naman ay dahil kay Yori.

"Diba kasi, hinalikan mo ko?"

Bigla naman napaahon si Haji sa tubig sa biglang pagpasok ng boses ni Yori sa isip nito. Arrrrrgh!

Gulong gulo at hindi malaman ang gagawin. Pilit nitong inaalis sa isip ang mga ngiti ni Yori. Yon kasi ang bagay na nagpapagulo lalo sa utak nito.

Umalis na lang si Haji sa batis para sa silid sana nito ituloy ang pagligo. Nang sa hindi sinasadyang pagkakataon. Nakita na naman nito si Yori na kasa kasama si Kai. Pababa sila ng hagdan.

Tumingin lang sa kaniya si Yori at Kai. Tapos ay nilampasan na siya ng mga ito. Pero bago makalampas ay nadinig niya pa ang ilang paguusap nila Yori.

"Gusto ko, dun sa maraming bituin. May alam akong lugar." Sabi ni Yori.

"Ayos! E di dun na tayo pupunta." Sagot naman ni Kai dito.

Tila nagpantig naman ang tenga ni Haji sa nadinig. Kaya mabilis nitong hinigit ang braso ni Yori at hinarap ito.

"A-aalis kayo?!" Tanong ni Haji dito. Tumingin muna si Yori kay Kai bago ito nagsalita.

"Oo." Tipid na sagot ni Yori dito

"A-at bakit kasama mo siya?" Turo turo pa ni Haji ang nagpipigil tumawang si Kai sa tabi ni Yori.

"At sino naman isasama ko? Ikaw?" Nakapamewang na sagot dito ni Yori.

Pero hindi na din nakasagot pa si Haji sa kaniya. Kaya hinigit na lang ni Yori si Kai tapos ay naglakad na paalis.

"Aaaarrrghh!!!!" Pinagtatapon ni Haji ang mga unan nito sa kama sa sobrang inis.

"Ako dapat ang kasama! Dahil ako ang kasintahan niya!" Sigaw nito na dumagundong sa buong silid.

"Uuuuuuuuyyyyyy!!!! Nadinig ko yon.....!!!"

Napalingon si Haji sa pinto nito. Napanganga ito kay Era na ngayon ay nakasilip sa pinto nito.

Inayos na lang ni Haji ang sarili. Si Era naman ay tuluyan nang pumasok sa silid nito at nagbigay ng mapanuring mga tingin kay Haji.

"B-bakit ganiyan ka makatingin?" Tanong ni Haji dito.

"Ang pogi mo kasi kuya pag nagseselos ka! Hahaha!!"

"H-hindi ako nagseselos ahh!!"

"Eh bat sabi mo kanina ikaw dapat ang kasama ni ate???"

"M-may sinabi ba kong.. ganon?" Patay malisyang tanong nito.

"HAhahaha!!! Oo nga kuya. Siguro wala nga talaga. Pero may sasabihin ako sayo." Umupo at tumabi si Era kay Haji.

"Hmmm?"

Lumapit pa si Era kay Haji at binulungan ito. Maya maya pa ay ganon na lang ang gulat nito.

"H-haaaa??? A-ano bang sinasabi mo?!" Gulat na tanong ni Haji dito. Tumayo naman si Era at ngayon ay nakapamewang na sa kaniya.

"Pag hindi mo ginawa yon magsisisi ka!"

Napaisip naman si Haji. Nagsisi na siya sa sinabi niya kay Yori kanina. Ayaw na nitong muling magsisi.

To Heal or To Kill???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon