Haaaay Grade 8 nako ngayon. Ang bilis naman.
Grade 8-Gerbera.
Walang nagbago.
Wala akong nakitang new student. Puro old student pala ang nasa A this year. Nice!
Nakita ko siya.
So kaklase ko pala siya no.
Si Dean Alvaro.
Siya yung lagi kong kausap nung summer.
Inamin na rin niya sa akin nun na may gusto siya sakin pero binaliwala ko kasi baka di nanaman totoo.
You know may takot masaktan.
Ako yun.
Tsaka wala naman kasi akong gusto sa kanya nun. So why should I care?
Masungit lang?
Ewan ko ha pero para niya akong tinignan nung pagkapasok ko ng room.
Nakita ko naman yung mga kaibigan ko at agad silang binati.
Pumasok naman na si Mrs. Ramos, yung adviser namin this year.
Ang ganda niyaaaaa!
Nilapitan ako ni Dean at binati.
"Hi Aila! Musta na?" sabay ngiti.
"Ayos lang. Ikaw?" tinanguan ko naman siya.
"Okay lang din. Tagal nating hindi nag-usap nung summer ah." sabi ni Dean.
"Oh? Sure ka ba dyan? Eh halos araw-araw magkausap tayo ah. Ikaw lang naman yung hindi na nagchat ng ilang araw." sabi ko in an authorized voice.
"Ay ganun b-----"
"Mr. Alvaro, please take your seat!" sabi ni Mrs. Ramos na matawa-tawa pa.
"Yes maam! Sabi ko nga po!" tumawa na din siya.
Puro introduction lang naman ang nangyari.
Recess time na. Yeeeeeees!
"Jaaaaace! Asan sila Thea at Paige?" tanong ko dahil kanina ko pa sila hinahanap.
"Hoy tigilan mo ko Aila ha!" pang-aasar niya.
"Inaano nanaman ba kita Jace? Nagtatanong lang naman ako ah?" naiinis kong tanong.
"Kinakausap. Joke lang! Eto naman, umagang umaga Aila, ang init init ng ulo mo. Pero seryoso, andun silang dalawa kausap si Dean." tinuro niya yung dalawa sabay alis.
Nilapitan ko sila.
"Hey Aila!" bati ni Dean.
"Oh? Problema mo?" sabi ko.
"Prend, ang sungit lang ha!" sabi ni Paige.
Eh sino ba namang di mabbwisit sa pang-asar na pagmumukha ni Dean. Parang lagi nalang nanloloko. Nakakainis.
"Sorry na. Tara na kasi! Nag-bell na oh, ano pa bang ginagawa ninyo dito?" hinila ko na sila.
Pagkapasok namin sa classroom. Naglipatan na kami ng upuan.
Waaaah! Sino kayang makakatabi ko?
"Ms. Saliendra and Mr. Hernandez."
Wtf! Sinong katabi ko? Hernandez? Si JC! Ano ba naman yan.
Kinaiinisan ko na 'tong lalaking 'to since Grade 7. He's so weird, for me ha.
"Hoy JC! Ikaw pala katabi ko no!" natatawa ako dahil inaasar ko siya.
"Hoy ka din. Manahimik ka nga." naiinis na niyang sagot sakin.
"Sorry na. Umayos ka ha. Ayoko ng pangit na katabi." tawa na ako ng tawa.
Well, I'm just kidding. Hindi naman totoo yun.
Right Time (c) yanignine
