Paglabas ko ng bahay sobrang hangin. Grabe! Kala mong liliparin na ako eh.
Pagkasakay ko sa tricycle tumaas ng bongga yung palda ko dahil sa hangin. Malas! May dumaan pang lalaking naka-bike, napatingin pa sa akin. Edi nakita yung shorts ko sa loob T_T Hate you mother nature! :(
Hanggang sa makarating ako sa school, natatawa pa rin ako sa sarili ko. For the first time kasi, tumaas yung palda ko ng ganun.
"Hi Aila!" bati sa akin nung isang fourth year na lalaki. Kumaway nalang ako tapos ngumiti. Wag snob! Dapat sakto lang.
"Nice! Nice!" kantyaw nung mga katropa nung lalaki.
"Hello Aila!" bati naman sa akin nung fourth year na babae.
"Ah yun pala yung Aila. Maganda siya!" narinig kong sabi nung isang babae.
"Oo! Ang bait kaya nyan." gatong ulit nung isa.
Grabe naman maka-compliment. Kinikilig ako! Napangiti ako somehow kasi bumawi agad si Lord sa kahihiyang nangyari sa akin kanina :D
Nang makarating ako sa pebble wash kung saan nakapwesto yung mga kasama ko, hinanap ko agad si Paige para ikwento yung nangyari sa akin.
"Asan na si Paige? Nakita mo ba Jace?" sabi ko. "Oh hi Anika! Ngayon ka nalang ulit nagpractice ah!" bati ko kay Anika nung nakita ko siya.
"Wala pa! Di pa pumapasok." sabi ni Jace.
"Ay! Kala ko naman nauna na." sabi ko.
"Wait Aila. May sasabihin ako sayo. Dito! Para di marinig." sabi ni Jace.
"Arte! Dito na, tinatamad akong tumayo." sabi ko.
"Tamad mo! Dito na!" sabi ni Jace.
"Edi wow Jace! Galing mo mamilit." sabi ko at pumunta na dun sa tabi ni Jace. "Oh ano ba yun?" sabi ko pagkarating ko dun.
"Kasi dun sa group chat ng mga sasama sa swimming, nag-message si----"
"Si Dean. Tapos may gala sila ni Shyrie ngayon. Alam ko na yan! Sinend na ni Thea sa group chat naming tatlo ni Paige." singit ko sa sinasabi ni Jace.
"Ay alam mo na pala eh! Gaga ka! Nag-effort pa ako." sabi ni Jace sabay hampas sa akin.
"Gaga ka rin no, eh kung nagtanong ka muna." sabi ko sabay tawa at hampas sa kanya.
Bigla kaming tinawag para pumila na sa likod para sa martsa.
Nang makarating na kami sa upuan namin. Nag-chika chika muna kami ni Anika at inaasar niya pa ako kapag kakanta si Dean.
Ayun na, awarding na. Unang una kaming tatawagin para sa sports award.
"For badminton, let's give a round of applause to Aila Janine Laurent." pag-aannounce ni Mrs. Ramos sa akin. Umakyat ako ng stage at nakipag-kamay. Narealize ko na nakatambay pala si Dean sa hagdan pababa. Nung pababa na ako, hinarang niya yung paa ko na para niya akong tatalisurin pero dahil wala naman akong pake, hindi ko siya pinansin at iniwasan nalang yung paa niya.
Nung si Shyrie na yung aawardan, hindi ako tumitingin sa stage. Hindi ko rin siya sinundan ng tingin nung pababa na siya sa hagdan kung asan nandun si Dean.
"Oh my gosh Aila! Nakita mo ba yun?" sabi ni Anika.
"Aha!" sabi ni Aerin.
"Ang alin?" sabi ko sabay angat ng ulo.
"Ay hindi mo pala nakita." sabi ni Anika.
"Ano ba nangyari?" sabi ko.
"Si Dean at Shyrie." sabi ni Anika.
"Ano nga?" pangungulit ko.
"Wala. Wag nalang, masasaktan ka lang." sabi ni Anika.
"Aerin, nakita mo ba? Anong nangyari?" sabi ko.
"Ah hindi, hindi ko nakita. Ano ba yun?" sabi ni Aerin na parang gulat na gulat.
"Anika, uy! Ano ba yun?" sinabi ko sabay kulbit kay Anika.
"Ayoko." sabi ni Anika sabay tawa.
Buong practice, kinulit ko lang siya ng kinulit. Naku-curious ako eh.
Nung recess nag-stay kami sa corridor at nakikita ko mula dito sila Dean at Shyrie na magkatalikuran, minsan natyetyempuhan ko pa silang nag-uusap. Edi sila na sweet! Ako na bitter.
Hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinasabi ni Anika kaya hanggang sa makauwi ako kinulit ko lang siya, sa twitter at sa messenger.
@AilaJanineee
ANIKA! BALLPEN!@AnikaG
Shhh! Aila, tahimik.@AilaJanineee
Hindi ako tatahimik hangga't hindi mo sinasabi yung nangyari kanina :P@AnikaG
Sige, mag-ingay ka nalang pala.@AilaJanineee
Ayaw mo talagang sabihin :(@AnikaG
Some things are better left unsaid :P hahaha lol.@AilaJanineee
Okay but no! You're still going to tell me.@AnikaG
Hahahaha.Aba! Hahahahazoned pa. Ano ba yan! Kinulit ko ulit siya sa messenger, sa group chat ng section namin to be exact.
Aila Janine Laurent:
Anika, sabihin mo na sa akin. Nagmamakaawa na ako.
Anika Geia Castilleno:
Masasaktan ka lang.
Ma. Rishelle Ferline Carsiano:
Nasaktan na nga yan, Anika.
Aila Janine Laurent:
Oo nga! Wala nalang sa akin yang sasabihin mo kaya bilis na, sabihin mo na. Wag mo kong ma-things are better left unsaid dyan ha! -_-
Anika Geia Castilleno:
Ayoko pa rin!
Nangulit pa ako ng nangulit pero ayaw niya talaga. Tama nga siguro si Anika na SOME THINGS ARE BETTER LEFT UNSAID. Sasaktan mo nanaman ba ulit ang sarili mo, Aila? Hindi kana nadala sa lahat ng ginawa ni Dean sayo.
Move on, Aila. Move on.
—
[A/N]:
This chapter is dedicated to unwantedpersonage :) Hahaha! :P
Right Time (c) yanignine
