Chapter 14: SHOOTING

73 3 2
                                    

January 21, shooting day at birthday ni Dean ngayon :)

Pero may exam hahahaha.

After ng exam ay plano naming mag-shooting na sa bahay nila Daniella para matapos na.

After exam ay magkakasabay kaming magkakagrupo na pumunta sa elementary department.

Habang naglalakad sa hallway ay sabay kami ni Dean.

"Picture tayo, Aila." sabi ni Dean.

"Sa phone mo na. Ang hirap dito sa DSLR eh." sabi ko naman.

"Yieeee, aalis na nga ako dito. Nakakaistorbo ako sa inyo eh." sabi naman ni Joshua.

Lahat sila ay nasa harap. Kami lang ni Dean sa likod. Aba nananadya? Hahaha.

Nag-shooting na kami ng konting school scenes sa elementaray department.

Ang gagaling nila! :) Proud na proud ako kasi wala silang arte sa mga scenes nila. Ang gagaling pang umarte tsaka maglabas ng emosyon.

Umuwi muna saglit sila Hans at Anika para magpalit ng damit. Habang wala sila ay nagshooting muna kami.

Nang makarating na si Hans at Anika ay agad kaming umalis para pumunta sa bahay nila Daniella.

Nakasakay sila Daniella, Hans at Dean sa e-bike ni Hans tapos kami nina Anika, Ferline at Joshua ay nakasakay sa tricycle. Sabi ko nga dun nalang sila sa kotse ko sumakay kaso ang problema wala akong kotse. Hahahaha.

Pagdating namin sa bahay nila ay napagusapan muna naming kumain muna bago mag-start ng shooting.

Habang bumibili si Daniella ng ulam na lulutuin tsaka ng bigas ay nakita kong sumakay sa e-bike si Ferline at si Dean.

Sabi ko sa isip ko, ma-try ngang sumakay sa e-bike mamaya pagkabalik nila Dean.

Nakita kong pabalik na sila.

"Ano ba yan Dean, nahilo ako sa ginawa mo. Bwisit ka! Hahaha." natatawang sabi ni Ferline.

"Aila, sakay ka dali." pag-aaya ni Dean.

"Sige, pa-try." sumakay na ako.

"Hawak ka sa akin, Aila. Mabilis akong magpatakbo." tumatawang sabi ni Dean.

Ang breezy.

"Ayoko nga." sabi ko.

Isinasampa ko palang yung isa kong paa ay pinaandar na agad ni Dean yung e-bike.

Hinampas ko siya sa likod dahil nagulat ako.

"Araaaaaay! Ang sakit naman, Aila." natatawang sabi ni Dean.

Hinampas ko ulit siya kasi ang bilis niya magpatakbo tapos sinasadya niyang asarin ako.

Pero hindi ko pa rin siya hinawakan.

Dahil ang tagal na rin naming nag-iikot naging comfortable na ako sa pwesto ko.

Nag-kwento na rin ako sa kanya.

"Alam mo ba Dean, nung baby ako, nung nasa probinsya pa kami. Mga 2 years old ako nun. Kapag daw umiiyak ako at hindi makatulog sinasakay ako ng lolo ko or ng papa ko sa owner type na jeep namin. Tapos iniikot nila yun sa field sa amin tapos makikita nalang nila na tulog na ako." natutuwa kong kwento.

Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan ni Dean hanggang sa bumalik na kami sa bahay nila Daniella.

Pagkapasok namin ready na yung pagkain.

Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon