Nag-eexam kami ngayon at tapos na akong magsagot.
Basic! Hahaha que yabang.
Dahil sa tapos na akong magsagot ang pinagtuunan ko ng pansin ay ang pag-alala ko sa mga huli naming usapan ni Dean. Ang sarcastic ko pala kausap kagabi no tapos ang hard pa nung sinabi ko sa kanya na kung gusto pa ba niyang ipaliwanag ko sa kanya yung FO o hindi na kasi baka hindi niya pa alam yung meaning nun.
Sa ngayon, nakakangiti na ako kasi inisip kong hindi talaga kawalan si Dean sa akin.
Dahil dun, naisipan kong magsulat ng letter para sa kanya kasama nun yung perang icocontribute ko para sa Christmas party namin.
Nagsulat ako ng nagsulat ng nararamdaman kong inis kay Dean hanggang sa matapos ako.
Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko si Kean na nakatingin sa akin.
Oh my gaaaaahd, Kean! Wag kang ganyan, ang gwapo mo!!!
Ngumiti pa siya sa akin na pa-fall, nakikita ko ang dimple niya! Tapos ang dreamy ng mata niya.
Ewan ko kung ako lang ba o talagang crush ko lang siya kaya ganun yung tingin ko.
Pero hindi eh, everytime na magkakatitigan kami, nags-spark yung mata niya.
Nagngingitian kami habang magkatitigan.
Nagkatitigan lang kami ng 10 seconds siguro yun pero bumigay ako kasi di ko na kinaya ang kagwapuhan niya.
Ayoko namang aminin na may crush ako sa kanya baka hindi sure yun. Makasakit pa ako ng feelings.
Okay tama na, Aila.
Nag-recess na tapos napag-usapan namin nila Thea at Paige na wag nalang kayang umattend ng party.
"Hoy mga babae, ayoko nang umattend ng Christmas party." sabi ko.
"Oo nga eh, feeling ko maiinis lang din ako dun." sabi naman ni Paige.
"Tara, gala nalang tayo." nakangiting sabi ni Thea.
"Eh kaso si Maam. Siya yung iniisip ko. Para naman kasing ang sakit din sa part ni Maam." biglang pagbabago ng isip ko.
"Oh? Bahala ka, basta di kami aattend." sabi ni Thea.
"Oo nga eh, para kasing ayokong ganunin din si Maam." sabi ni Paige.
"Tsss, bahala na nga." sabi naman ni Thea ulit.
Bakit ba sobrang blessed ko?
May mga kaibigan akong tulad nila Thea at Paige.
Sobrang supportive. Pag nasasaktan ako kulang nalang sila yung sumugod.
Tuluyan akong naging masaya dahil akala ko malaki ang mawawala sa akin dahil sa nangyari pero sa katunayan hindi pala kasi nandyan sila Thea at Paige.
Nang makabalik kami ng classroom ay ipinaabot ko na kay Dean yun letter ko para sa kanya at yung pera para sa party.
Nagulat ako nang ibalik niya yung pera sa akin.
"Aila, oh." iniabot niya yung pera.
"Oh bakit mo binabalik? Sayo na yan, lamunin mo na." sabi ko na nanggagalaiti na dahil nakangiti pa siya.
"Hindi sa akin yan ibibigay. Ibigay mo kay Maegan." hindi ko siya tinitignan habang sinasabi niya yun.
Naiinis parin pala ako sa kanya.
Nang sabihin niya yun ay umalis na siya.
"Hoy Dean, ano ba? Bakit mo ba binabalik 'to, di ba pwedeng ikaw na ang magpaabot nito kay Maegan, sayo ko binigay eh." napasigaw na ako na narinig ng buong klase.
"Ikaw na." tumatawa niyang sigaw.
Pinaiinit niya talaga ulo ko.
Wala na akong nagawa kundi ibigay kay Maegan yung pera.
Na-delay na ang mga susunod na exams kasi bumagyo.
Lumipas ang mga araw at nakapag-exam na rin kami at nag-Christmas party na.
Simple lang ang suot ko. Jeans at black na long sleeves na finold ko na parang 3/4.
Medyo wala kaming tatlo nila Thea at Paige sa mood na sumali sa ginagawa nila.
Dala parin siguro nung nangyari last time.
Pero nag-eenjoy naman kaming nanonood at mas nag-enjoy kami nung kumain na.
Ang cute ni Kean.
Dahil sa nag-boodle fight na sila at hindi kami kasya sa table lahat dun kami sa mga chairs kumain at nandun si Kean.
Kinuha niya yung kaldero ng kanin tapos dun niya nilagay yung mga ulam.
"Aila, halika dito. Kain tayo oh." inalok ako ni Kean.
Dahil sa gutom na ako, nakisalo na ako kay Kean.
Nagtatawanan kami habang kumakain.
Nag-enjoy akong kumain habang kausap siya.
Inasar lang ako nila Thea at Paige na kinikilig daw ako.
Syempre naman. Hahaharot.
Nang matapos ng magligpit, isa isa na kaming pinalabas kasi uwian na.
Nung naiwan pa ako saglit sa loob kasi inaayos ko pa yung gamit ko ay lumapit sa akin si Dean kasi tinawag ko siya.
Nagulat ako nung yakapin niya ako ng sobrang higpit. As in super higpit.
Namiss ko siya.
Nung niyayakap niya ako nagbalik sa utak ko yung nangyari nung Acquaintance Party namin.
Nagpa-party kami nun nila Paige at Jace, ayaw kasi sumama nun ni Thea sa pagsasaya namin.
At dahil sobrang saya nung time na yun nagulat nalang ako nang may yumakap sa akin nang sobrang higpit mula sa likod. Akala ko kung sinong manyak na chumachansing lang, tinignan ko at nagulat ako nang si Dean yung bumungad.
Nakilala ko talaga ng sobra yung yakap ni Dean.
Hindi ko pala talaga kayang talikuran yung friendship namin ni Dean.
Hindi ko rin alam kung bakit.
Right Time (c) yanignine
