Sa school nakikita ko si Dean na laging kausap si Maegan.
Puro si Maegan.
Pag nakikita ko silang magkausap, nagseselos ako.
Dun pa lang na-confirm ko na...
May gusto na talaga ako kay Dean.
Kaso may problema kami ngayon :(
Di na rin niya ako pinapansin.
Filipino time yun tapos pinagsusulat kami ng tula tapos lalapatan namin ng himig.
Naupo si Maegan sa arm chair ni Dean.
Nagtatawanan sila tapos naghaharutan.
Naluluha na ako nun pero itinago ko lang.
Lumapit si Thea sa akin, may iniabot siyang papel.
Binasa ko yun.
A circle is round and it has no end. That's how long I want to be your bestfriend.
Naiyak na ako ng tuluyan.
Napatingin ako kay Thea tapos nakangiti siya sa akin.
Tinakpan ko yung bibig ko para di niya mahalatang umiiyak ako.
Pero di ko na kaya, gusto ko ng sabihin kay Thea yung totoong nararamdaman ko.
Sila lang naman kasi ni Paige ang makakatulong sa akin eh.
Lumapit ako sa kanya.
Nung time na yun si Thea at Amiel ang magkasama at nagkkwentuhan. Di gumagawa ng activity haha. Si Paige ay busy naman kaya sila Thea at Amiel nalang linapitan ko.
"Thea, naiiyak ako sa binigay mo. Nakakainis." umiiyak na ako.
Nakangiti lang si Thea sa akin.
"Pero may sasabihin ako sayo. Nagseselos ako kay Maegan at Dean. Tignan mo kung gaano kasaya si Dean. Gusto ko na talaga si Dean." pagbubunyag ko.
Niyakap ko lang si Thea nun habang umiiyak.
Dean, maraming salamat talaga :( Kung pinagseselos mo ako, congrats! Nagawa mo. Sobra pa nga eh.
Hindi ko rin maiwasang isipin na paano kung wala ng feelings si Dean sa akin? Paano ako? Paano yung feelings ko? Mababasura nalang ba?
Nakaramdam ako ng pagsisising sinabi ko sa kanya yung mga yun pero hindi nawala sa isip ko na tama rin yung ginawa ko pero shit naguguluhan na ako T_T
Right Time (c) yanignine
