Chapter 7: HI CRUSH

67 4 1
                                        

October na, which means...

FOUNDATION DAY!!!

Sumali ako sa pageant sa school namin kaya sobrang busy ko the whole October.

Foundation day na bukas kaya excited ako.

Dahil pa-chill chill lang ako sa bahay kasi wala naman akong gagawin, nag-open muna ako ng facebook ko.

May lima akong messages.

Sa group chat ng section namin.

Sa group chat naming tatlo nila Thea at Paige.

Sa thread namin ni Kiara.

Sa thread namin ni Dean.

At...

Kay Kean???

Kean. As in? Si Kean na classmate ko.

Oh? Anyare dun?

Nagkakausap naman kami nun sa school pero di kami close masyado.

Binuksan ko yung message niya.

Kean Rafael Oriarte:

Hi crush <3

Aila Janine Laurent:

Ano? Na-wrong send ka ba?

Kean Rafael Oriarte:

Hindi. Hahaha. Yun nga yung gusto kong sabihin sayo eh.

Aila Janine Laurent:

Eh? Realtalk nga?

Kean Rafael Oriarte:

Yun nga yun. Diba nung film showing ayaw ko makipagselfie sayo. Kasi nga nahihiya ako. Crush kasi kita.

Aila Janine Laurent:

Woah! Yun pala yon, kaya naman pala eh.

Kean Rafael Oriarte:

Sige na. Bye na crush <3 Love you.

Aila Janine Laurent:

Sige. Goodnight, Kean!

Kean Rafael Oriarte:

Hehe. Love you crush <3

Nag-logout na siya after nun.

Kinilig naman ako.

Sa totoo lang, cute naman si Kean eh :)

Matutulog na rin ako dahil maaga pa bukas.

FOUNDATION DAY.

"Thea, may ipapakita ako sayo." tinawag ko si Thea sa table sa may canteen.

"Oh? Ano yun?" sabi naman ni Thea.

"Nag-message sa akin si Kean kagabi." excited kong balita sa kanya.

"Ano? Si Kean?" singit ni Anika.

"Ay! Anika ha, ang chismosa." natatawa kong sabi.

"Sorry na, patingin nga!" sabi ni Anika.

"Aba!!! Pero eto nga." iniabot ko sa kanila ang phone ko.

Nagbasa lang sila ng nagbasa hanggang sa...

"Crush ka niyaaaaaa?" sigaw ni Anika.

"Crush ka ni Kean?" sabi naman ni Thea.

"Sinong crush ni babe?" sabi ni Paige.

Hahaha. Teka pala. Si Paige kasi at si Kean dati nagtatawagang babe. Akala ko nga crush ni Kean si Paige eh. Yun pala nagtatawagang babe lang yung dalawa sa hindi ko malamang dahilan. Ewan ko din hahahahaha.

"Eto Paige oh, basahin mo 'tong chat ni Aila at Kean." sabi ni Thea.

Binasa nga ni Paige yung convo namin at ngiting ngiti naman siya.

"Sabi na eh. Yieeeee crush siya ni Kean." pang-aasar ni Paige sa akin.

Hindi ko na naiwasang kiligin dahil sa pang-aasar nila sa akin kay Kean.

Nagiging slight na crush ko na 'to si Kean. Simula nung nakausap ko siya nung film showing namin.


[A/N]:

Sorry! Medyo maikli tsaka sabaw update ko ngayon. May shaket kashe ako. Mag-update ulit ako mamaya or tomorrow or the other day :) Thank you :*

Right Time (c) yanignine

Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon