Ang bilis naman ng araw. February 24 na ngayon. Almost 1 month na din simula nung hindi kami nagkaintindihan ni Dean. Hanggang ngayon naman eh hindi parin kami ganun kaayos. Wala eh, friends nalang kami. Okay lang naman sa akin yun. Siguro mas okay pag ganun nalang kami.
Sa isang buwan na yun, ang ginawa ko lang ay ang tignan siya sa malayo na masaya at nakangiti samantalang ako naka-busangot yung mukha at inaalala kung bakit ba yun nangyari pero as days goes by natatanggap ko na. Nakaka-move on na ako unti unti. Siguro nasa 65% na. Yes! Achievement 'to.
Dean, konti nalang I'm over you na. I knew I can do it. Strong ako.
Nasa baba kami ngayon at nakapila kasi pupunta kami sa TLE Room dahil may activity kami ngayon. Gagawa kami ng turon. My fave!
Absent ako kahapon at hindi ko alam kung may dala ba sila. Ako ang leader pero wala akong nagawa :( Naiinis nanaman ako sa sarili ko. Pero nalaman kong may dala pala si Cherish. Buti naman!
Naalala kong kagrupo ko pala dito si Dean. Hahaha. Grabe no? Parang nananadya si destiny.
Nung nasa TLE Room na kami ay naupo na ako sa tabi nila Thea at Paige.
"Okay. Tatlong members from Group 1, tumayo na kayo." sabi ni Mrs. Cruz.
Napatingin ako kay Heart at Mish. Bumulong ako na kaming tatlo muna ang mauna.
Tumayo na kaming tatlo. Pupunta na sana kami sa area na paggagawaan namin nang...
"Mish, tabi muna. Ako nalang." narinig kong sabi ni Dean sabay tumayo siya. Eto namang uto uto na si Mish, bumalik sa pwesto niya. Uhhh!
Destiny, waaaaag! Alam kong paglalaruan mo nanaman ako. Alam kong mukha akong barbie (pero di plastik ha?) pero ayoko! Wag mo kong paglaruan. Lintek oh, umiiwas na ako eh.
Pero wala pa rin akong nagawa, nanahimik nalang ako at di siya pinansin para iwas iwas issue.
Nung nandun na kami sa area. Tumabi siya sa akin.
Dean-Aila-Cherish
Alam niyo ba kung anong ginawa niya? Inilagay niya yung kamay niya sa bewang ko. Hinahawi ko yun pero masyado siyang malakas kaya hindi ko natanggal yun. Ayoko namang magpaka-obvious na may ginagawa ako baka makita ni Mrs. Cruz at paalisin pa kami. Di pa ako makagawa ng turon.
Tinanggal niya rin yun pero kumuha siya ng asukal sa may lagayan at ibinato yung iba sa damit ko.
"Dean, baka langgamin ako. Ang tamis pa man din niyang asukal." walang emosyon kong sabi.
"Parang ako, sweet." nakangiti niyang saad sa akin.
"Oo Dean, para ngang ikaw. Sweet." nakangiti kong sabi sa kanya. Napangiti rin siya. "Sweet sa lahat." tinuloy ko yung sinabi ko at sinabayan ko ng smirk. Medyo badass ba yung part na yun?
"Oo nga Dean. Sweet sa lahat. Grabe. Diba Aila?" sabi ni Cherish sabay smirk din kay Dean. Si Cherish kasi isa sa mga kaibigan ko rin na nakasama ko sa pagpaparinig blues ko kay Dean. Grabe yan magparinig. Hindi ka matatahimik talaga.
Hindi sumagot si Dean dun sa sinabi namin instead nilagay niya ulit yung kamay niya sa bewang ko.
Tinanggal niya rin yung kamay niya sa bewan ko kaya nilagay ko yung kamay ko sa likod. Wala lang, gusto ko lang nilalagay yung kamay ko sa likod hanggang sa nakaramdam ako na may humahawak sa kamay ko nagulat ako si Dean pala, naka-intertwine pa. Ang PDA ha. Dahil sa nagulat ako tinanggal ko yung kamay ko. Inilagay ko na sa harap yung kamay ko para di na niya mahawakan pa.
