Tapos na ang sembreak pero ayoko na magkwento about dun, wala naman akong ginawa kundi tulog-kain-facebook-training-repeat.
Boring no? Hahahaha. Ganyan talaga pag magaganda.
Ano daw, Aila?
Buhat bangko ka nanaman. Tigil-tigilan mo nga.
Back to reality.
Yes, school nanaman!!!
Absent ngayong araw na 'to si Dean so wala akong kakulitan.
Absolutely boring!!!
"Psst!!! My loves, ano nanaman yang kadramahan mo sa buhay at mukha kang nalugi dyan?" nagulat ako nang umupo sa tabi ko si Kiara.
"Wala naman. Nabobored lang ako. Corny eh." sabi ko sabay yuko.
"Paano absent si Dean." sabay tawa ni Kiara.
Inangat ko yung ulo ko at nagulat ako sa sinabi ni Kiara.
"Bakit? Kayo ba? Para mamiss mo nang ganyan?" panenermon ulit ni Kiara.
"Sorry na my loves. Eh namimiss ko lang naman siya kakulitan eh." sabi ko sabay yuko ulit.
Hindi ko na pinakinggan yung mga sasabihin ni Kiara. Instead, nag-flashback ako kung paano ba kami nagkabati ni Kiara after nung kay Maegan.
Pero naalala ko, hindi ko na nga pala natatandaan kung paano pero bigla nalang nangyari na nagkakausap kami nang normal, nagchichikahan.
Ang pinakanagka-close talaga kami ay yung simula nung kinwento ko sa kanya yung tungkol kay Bryle.
Bryle. Siya yung crush na crush kong badminton player din katulad ko. Katraining ko din siya.
Pero let's get over it kasi feeling ko wala naman kaming pag-asa. Masyadong malayo.
"Hoy my loves! Ano ba problema?" pangungulit ni Kiara.
"Eh inaantok ako eh." sabi ko sa kanya.
"Weh? Hoy ikaw! Tigil tigilan mo nga yang pagdadrama mo dyan ha?" sabi ni Kiara.
"Oo na!!!" sabi ko.
"Kiara!" tinawag siya ni Moses.
Siya yung pinakakinaiinisan ni Kiara kasi lagi siyang inaasar nito.
"Ano nanaman ba yun? Tigilan mo ko Moses ha. Ang pangit mo so shut up." pagmamaldita ni Kiara.
Pag kaklase mo sila masanay kana sa araw araw nilang asaran.
Hindi ko nga maalis sa isip ko na pwedeng maging sila kasi ang cute nila together.
"My loves, alam mo bang bagay kayo ni Moses?" natatawa kong sabi.
"Ha? What the hell, Aila. Hindi yun mangyayari no, yun yung huling bagay na gusto kong mangyari. Tsaka yan? Si Moses, ewww! Never!" sabay alis ni Kiara.
Naasar si loka.
"Ang maldita mo talaga my loves!" sabi ko habang tumatawa parin sa ka-cute-an ni Kiara kapag nagagalit.
Wala naman akong masyadong ginawa sa school kasi wala pang masyadong diniscuss tsaka kasi lumilipad lipad pa mga utak namin dahil kakatapos lang ng sembreak.
Pagkauwi ko ay nakita ko yung chat ni Dean.
Dean Alvaro:
Hi babe! Sorry absent ako :( Miss you.
Aila Janine Laurent:
Yow! Slr, kakauwi lang. Okay lang :) Bakit nga pala absent ka?
Dean Alvaro:
Nilalagnat ako eh.
Aila Janine Laurent:
Ah! Get well now, Dean :) Baka kasi di ka nagpapalit ng shirt everytime na magttraining kayo.
Dean Alvaro:
Hindi ah! Nagpapalit naman ako apat pa ngang damit pinapalit ko eh. Pero nung naglaro kami nung isang araw di ako nakapagpalit.
Aila Janine Laurent:
Ah kaya naman pala.
Dean Alvaro:
Namiss kita babe. Papasok nako bukas. Yieee namiss niya ako.
Aila Janine Laurent:
Oo nga eh, namiss kita. Alam mo bang bored na bored ako kanina.
Dean Alvaro:
Yieeee babe. Miss na miss kaya kita.
Aila Janine Laurent:
Oo na. Hahaha :) Pagaling kana muna.
Medyo mahaba yung convo namin kaya nag-enjoy ako.
And yea, babe. Babe yung tawag niya sa akin. Pero friendly tawagan lang naman. Minsan tinatawag ko rin siyang ganun kasi for me wala namang malisya eh. Talagang friends lang kami :)
Sa right time, mahahanap ko din yung talagang tatawagin kong babe na totohanan na :) Hindi man ngayon pero soon.
Harot! HAHAHA.
Right Time (c) yanignine
