Chapter 19: GUILT

51 3 1
                                    

Matapos ng mangyari, halos araw-araw na akong umiiyak dahil kay Dean.

Lagi ko rin siyang pinariringgan sa school.

Ngayon lang kasi ako na-fall ng bongga. As in.

Inamin ko na kay Dean lahat, chinat ko siya sa messenger kasi hindi ko na magawa sa personal kasi hindi naman niya ako pinapansin eh.

Aila Janine Laurent:

Dean, ayoko ng magtago sa katotohanan. Ayoko nang lokohin yung sarili ko. Oo, Dean na-fall na ako sayo. Ayoko naman na sanang ituloy eh kasi Dean feeling ko walang sasalo pero anong ginawa ko? Tinuloy ko. Nung tinuloy, tama ako. Wala ngang sumalo. Ang sakit lang Dean. Hindi mo alam kung gaano kalaki yung epekto mo sa akin. Dean, hindi ako ganito dati. Hindi ako nagiiiyak para lang sa lalaki. Pero ikaw iniyakan kita. Dean, ayokong lumapit sayo eh. Hangga't maaari ayoko kasi ako yung babae. Dean, dalagang pilipina ako. Kung yung ibang babae nakalimutan na yun, ibahin mo ako, Dean. May respeto ako sa sarili ko. Ano ng nangyari dun sa hinding hindi kita bibitawan, ikaw dapat yung inaalagaan hindi binabalewala, mahal na mahal kita. Ano yun, kalokohan? Dean naman!!! Hindi ka ba naiirita sa mga pagpaparinig ko sayo? Yung walang ka-pair yung heart ko? Yung walang sumalo sa akin? Tanga ka ba o manhid? Tapos yung sa flag retreat kanina? "Pawis kana. Punasan na kita." Ano yung sinabi mong yun? Pa-fall na words nanaman. Bwisit Dean! Thank you grabe na-fall ako ng bongga. Ang sarap pala sa feeling no? T_T

Hindi siya sumasagot. Puro seen.

Aila Janine Laurent:

Dean ano baaaaa!!! Active 1 minute ago. Dean naman. Palagi ka nalang nagsi-seen. Ganyan ka ba talaga? Kasama ba yan sa plano mo ha? Pina-fall mo ako tapos di ka mamamansin? Ano 'to? Oplan ma-fall si Aila. Dean, okay na. Nagtagumpay kana. Na-fall na ako.

Hindi pa rin niya ako nire-replyan. Puro seen. Nabbwisit na ako, Dean.

Aila Janine Laurent:

Dean, ang sakit pala ma-fall ng walang sumasalo no? Lasang tanga. Dean, hayaan mo na. Titigil nalang ako. Titigilan ko na yung kahibangan ko. Titigilan ko na yung katangahan ko. Dean, makakamove-on din ako.

Yun na yung huli kong chinat sa kanya.

After 3 hrs nag-chat na siya.

Dean Alvaro:

Alam mo yung hindi lang talaga gumagana yung messenger? Hahaha. Manhid? O sadyang tinitiis ko lang lahat ng masasakit na salita na sinasabi mo. Alam mo kaya hindi kita pinapansin kasi tinitingnan ko yung lakas ng loob mo. Pero tsss Aila kulang pa. Yung mga sinabi ko? Totoo lahat yun. Diba dati kinakausap kita pero di mo lang rin ako pinapansin? Diba? Yung sisigawan mo pa ko? Yung mumurahin mo pa ko? Hahaha. Noon, nahulog ako sayo diba? Pero ano natanggap ko? Reject diba? Walang sumalo. Hahaha. Tapos ikaw magagalit? Tapos paasa? Haha lanya, baka talagang late kana nahulog. Kung baga patay na ko, pahulog ka palang. Matagal na kitang mahal e, nung 2nd quarter pa. Nung katabi pa kita. Pero di mo manlang naramdaman yon. Eh biglang dumating si Maye tas nawala din yung feelings ko sa kanya so naghintay ako sayo na akala ko mararamdaman mo rin someday pero wala. Ang sakit no? Aw hahaha. God knows what will happen. Pero pinangunahan ko na, na wala na talaga akong mapapala. Kaya ang sakit sakit na. Yung tuwing magkkwento ka about Bryle? Yung ipagmamalaki mo sya? Ang sakit. Haha yung heart na ginawa mo? Yung ginupit gupit mo? Mas marami pa yung punit nung akin kaysa dun sa pinaggugupit mo. Infatuation lang ata 'to, Aila. Matagal. Matagal na infatuation, masyado kong sineryoso.

Nung nabasa ko yun, para akong pinagbagsakan ng langit. Ang sakit pala. Hindi ko man lang napansin yun. Ako pala yung manhid at hindi si Dean.

Aila, bakit ang tanga mo?

Nakaramdam ako ng sisi at guilt na sinabi ko kay Dean yung sobrang masasakit na salita pero ako pala talaga yung tanga, sobra tanga.

Gusto ko siyang yakapin ng bongga dahil dun. Gusto kong mag-sorry.

Sorry, Dean T_T

Aila Janine Laurent:

Dean, eto na oh. Dean, sabi mo maghihintay ka hanggang sa malaman mo yung sagot. Dean, sabi mo ako lang :( Dean akala ko okay sayo yung maghintay hanggang sa right time? Sorry Dean, hindi ko alam.

Seen 7:28 PM

Hindi ko alam pero sobra talaga akong nasasaktan kasi ako yung nagkamali.

Habang naluluha na ako ay nag-flashback lahat sa akin.

Yung mga panahong magkatabi kami. Naghaharutan kami at naglolokohan. Wala kaming pakialam kung mahuli kami ng teacher basta masaya kaming dalawa, walang makapigil.

Yung mga panahong pinagkakamalan kaming "KAMI" kahit hindi naman. Aakbayan pa niya ako at sasabihing "Babe ko yan."

Yung isang beses nag-bun ako ng buhok kasi sobrang init. Nilapitan niya ako tapos sinabi niya na "Hindi bagay sayo yan, Aila." tapos tinanggal niya yung tali ng buhok ko sabay inayos niya yun, pinony tale niya yung buhok ko sabay ngiti at sabing "Ayan Aila, mas maganda ka pag ganyan, bagay sayo. Mas malinis tignan."

Lahat ng yun natapos bigla.

Hindi talaga yata kami destined na maging together. Hanggang friends lang siguro talaga.

Ang tragic naman ng love story mo, Aila.

Ikaw rin naman ang may kasalanan eh.

Face the consequences of your actions.

Minsan kasi watch your words.

Right Time (c) yanignine

Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon