Chapter 6: MIKMIK

78 2 4
                                        

Nung nag-grocery kami kahapon bumili ako ng madaming mikmik.

Alam niyo yun. Yung powder na nasa sachet tapos iba't ibang flavors.

Syempre safe to eat yun. Baka kasi isipin niyo yung powder na sabon.

Nagdala ako ng isang buong plastik ng mikmik para makapagsupply na din sa mga adik kong katabi.

Math time ngayon at himalang walang teacher.

Dahil sa bored at inaantok na ako, kinuha ko yung mikmik ko sa bag. Para sa akin lang sana yun kaso yung asungot kong katabi na si Dean biglang inagaw yung mikmik ko.

Ending nun, humingi na rin si Paige at si Andrey. Hindi lang isa, kundi dalawa. Grabe diba.

"Aila, tingin ka sa likod mo." sabi ni Andrey.

Nacurious ako kung bakit kaya tumingin ako.

Bwiseeeet! Sabi na eh.

"Andreeeeey! Bwisit kaaaaa!" gigil na gigil kong sabi sa kanya.

Pagkatingin ko sa likod nagulat ako kasi sobrang lapit ng mukha niya sa akin sabay buga nung mikmik sa mukha ko. Ginawa ba namang pulbo.

Habang pinupunasan ko yung mukha ko na mukhang espasol na tinawag naman ako ni Dean.

Pagkatingin ko sa kanya bigla ba naman akong binugahan.

"Dean!!! Bwisit kayo. Next time di ko na kayo bibigyan ng mikmik, pakakainin ko kayo ng plastik ng mikmik tapos ibuga niyo rin ha? Bwisit! Ginawa niyo kong espasol." galit na galit kong sabi.

Habang nagpupunas ako ng mukha nakaisip ako ng isang brilliant plan para kay Dean at Andrey.

"Andrey, halika dito. May sasabihin ako sayo." sabi ko.

Nung lumapit na si Andrey ay agad akong tumalikod saglit para humigop nung mikmik.

Pagkaharap ko kay Andrey agad kong binuga yung mikmik kaso walang lumabas.

Bastusan.

"Ano ba yan Aila, di ka marunong eh." singit ni Dean.

"Yabang! Di kita bigyan ng isa pang mikmik dyan, makita mo." sabi ko.

"Ganto kasi ang tamang pagbuga." sabi ni Dean.

Hindi na ako nakailag kasi ang bilis niya masyado.

Ayan, nabugahan niya ulit ako. Sabi na eh.

"Bwisit." sabi ko.

Yan nalang yung lumabas sa bibig ko sa pagkainis ko sa kanila.

Nag-lunch break na kami after nun.

Science time na.

Medyo nakakabored kasi wala namang ginawa.

Napakanta nalang ako nung Stuck. Na-LSS na kasi ako eh.

I was too dumb to notice

That there's something about you

What am I supposed to do

Napatigil ako nang sumabay si Andrey sa pagkanta ko.

Dahil sa na-carried away ako kasi ang ganda ng kanta, sinabayan ko na ulit siya.

I sure wish I knew

All the butterflies I felt inside

Never really mattered

Wishful thoughts inside and smiles

End up being shattered

What are we supposed to be

I'm hopelessly addicted to you

But you never felt the same

Sobrang ganda lang pakinggan ng mga lyrics kaya pinagpatuloy ko yung pagkanta.

Time may pass us by

But you stay stuck on my mind

And that moment we stared that night

I thought it was right

But maybe I was wrong all along

I held onto something that never really mattered

Stuck on that starting line

I'm still silently, quietly hoping you'll end up with me

"Ang sweet niyo naman. Duet pa kayo." epal na singit ni Dean.

Nung mga oras na yun nakalimutan kong dapat ko nga palang iwasan si Andrey.

Ayokong sirain yung pagkakaibigan namin ni Maegan. In short, ayokong maulit ulit yung nangyari between namin ni Maegan.

Pagkatapos nun ay itinuon ko nalang ang pansin ko kay Dean.

Nakipagkulitan lang ako kay Dean.

Hindi naman pala mahirap intindihin 'to si Dean eh.

Magka-vibes na magka-vibes kami.

Kaya napagkakamalang kami na eh.

Parang ganun nga talaga siguro kung titignan ng iba kasi masyado kaming close eh.

Di naman malayong mangyari yun eh.

Pero di pa ngayon syempre.

Harujusko! May right time din sa mga bagay na yan, Aila. Wag mamadaliin.

Basta sa ngayon, malinaw pa sa malinaw...

Bestfriends lang kami.

Right Time (c) yanignine

Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon