PS. Paalala ko lang na LAHAT NG NAMES na ginamit dito ay HINDI TOTOO. Caps lock, HINDI TOTOO. Wag niyo isearch kasi walang lalabas dahil pawang gawa gawa lang sa isip ko ang mga pangalan, walang pinaggayahan. 101% original.
—
Simula nung araw na nagka-aminan kami, nagsimula nang magkaroon ng sweet conversations at sweet happenings in personal. Surprisingly, hindi kami nahihiyang mag-usap pag nasa training, hindi kami naiilang sa isa't isa, hindi nagkakahiyaan. I was expecting na may hiya, pero wala.
Busy akong manood nang nag-notif sa phone ko na may mga nagcha-chat. So nagcheck muna ako. Syempre inuna ko yung chat ni Daviel. I'm so landi.
Daviel Yves Loria:
Hi Aya! Kakauwi ko lang :)
Daviel Yves Loria:
Aya?
Daviel Yves Loria:
Uy?
Daviel Yves Loria:
Busy ka ba?
Aila Janine Laurent:
Hala! Sorry, nanonood kasi ako :)
Sunod ko namang chineck ang chat sa akin ng kapatid ko. Nagchachat kahit nasa iisang bahay lang naman kami.
Allyra Jeshel Laurent:
Ate! Hanap ka ni Kuya Daviel. Nagchachat sa akin, asan ka daw.
Aila Janine Laurent:
Oo nga, na-chat ko na.
Kinilig naman ang bones ko dun sa hinahanap niya ako sa kapatid ko. Patuloy lang kaming nagcha-chat ni Daviel nang lumapit si Ally sa akin.
"Ate, ang ganda mo daw." bulong niya sa akin.
"Wow! Ano nakain mo?" nagtataka kong tanong dahil si Ally ang number one laitera sa buhay ko.
"Sabi ni Kuya Daviel eh." kinikilig niyang sabi sa akin. "Teka, basahin mo 'to." sabay abot niya ng phone niya sa akin.
"Paki-bulungan nga si ate mo. Sabihin mo na ang ganda niya sabi ko." binasa ko yung chat ni Daviel kay Ally nang nakangiti. Wow ha! Grabe ka dun.
Agad kong chinat si Daviel nang mabasa ko yun.
Aila Janine Laurent:
Uy thank you! <3
Daviel Yves Loria:
No problem! I'm just appreciating God's greatest gift — you :)
Aila Janine Laurent:
Wooow! Super thank you! :)
Daviel Yves Loria:
'Cause girl, you're amazing. Just the way you are :)
Aila Janine Laurent:
Kantahin mo nalang in person. Haha char lang, ang demanding ko :D
