Sabado ngayon which means Youth Camp na!!! :)
Naalala kong makakasama ko pala si Dean dito. Nice.
Medyo na-late ako pero dahil may usapan kaming maghihintayan kami nila Thea, Paige, Kiara at Maegan, hinintay parin nila ako. Pagkapasok ko sa gate nakita ko dun si Dean pero di ko pinansin.
Umalis na kami dun at nag-proceed na sa highschool. Nag-groufie muna kami sa hallway at nagulat ako nang nandun na si Dean. Nakasama tuloy siya sa groufie namin.
Nang makarating kami sa highschool ay hindi kami masyadong nagpapansinan. Nagg-groufie kami tapos sumasama siya dun, yun lang.
Hanggang sa pinag-assembly na kami dun at nag-activities muna.
Bumalik kami sa upuan namin after nun tapos habang inaayos pa yung tv na gagamitin sa mga talk.
"Oh sinong magaling kumanta dyan?" sabi ni kuya Jay.
Lahat sila tinuturo si Dean. Ako rin tinuturo ko siya. Oo magaling kasi talagang kumanta si Dean :)
Kinanta niya yung Who Am I.
"Ang ganda ng boses." bulong ko kay Thea sabay ngiti.
Bumalik si Dean sa upuan niya which is nasa likod ko lang.
"Duet! Duet! Duet!" sigaw ni Jace.
"DUEEEEEEET!" sigaw ni Hans.
"Kuya si Aila at Dean po, magduduet!" sigaw ni Jace ulit.
"Duet na!" sigaw ni Ferline.
"Dali na Aila!" sigaw ni Jace sabay tulak sa akin.
Nagulat ako nang kinulbit ako ni Dean.
"Like I'm Gonna Lose You nalang, dali na Aila." sabi ni Dean sa akin.
"Gora na!" sigaw ni Jace sabay tulak sa akin so napatayo na ako.
"Sa YFC bawal ang KJ!" sigaw ni kuya Jay.
Okay no choice.
Tumayo na si Dean at nag-duet nga kami. Like I'm Gonna Lose You yung kinanta namin. One time kinanta na rin namin yun eh, dati. Dati, Aila. Dati.
Nagtitilian sila dun at hindi ko na malakasan yung boses ko dahil nahihiya na ako ng bongga. Nababasag pa nga yung boses ko eh. Marunong naman akong kumanta eh, nakaramdam lang talaga ako ng hiya at ilang nung si Dean ang kasama ko sa harap.
Pagkabalik ko sa upuan ko...
"Grabe sobra makatitig si Dean sayo kanina habang kumakanta kayo." sabi ni Thea.
"Eh? Pero oo nakita ko nga siya nakatingin sa akin nung dulong part na." sabi ko with matching smile dahil kinikilig ako.
Vinideohan ni Ferline yung pagkanta namin ni Dean pero puro tili lang nila yung narinig dun. Grabe!
After nun nagsimula na yung mga talk.
Si Dean naman kulbit ng kulbit sa akin. Kinukulit ako ah.
Nagulat ako nang hilain ni Dean yung upuan ko patalikod.
"Dyan ka muna." sabi niya.
"Hoy wag kang matulog, makinig ka muna." sabi ko.
After nung talk na yun pinag-siesta muna kami. Means pahinga :)
Pumasok na kami sa quarters naming girls. Nagsimula na ang kalokohan. Sabi nila mag-pillow fight daw sila. Nauna sila Maegan at Kiara.
