Chapter 28: LETTING GO

81 4 6
                                    

Bored ako ngayon dahil sa wala namang pasok kasi nga Holy Week. Nag-sesenti senti ako paminsan-minsan at tinutulungan ang puso kong mag-move on. Aba may pag-ganon? :D

This past few days na lagi lang akong nasa bahay, naiisip ko na bakit di ko nalang kaya hayaan si Dean? Na hayaan ko nalang din yung sarili ko na sumaya kahit na wala siya? Diba? Madaling sabihin pero mahirap gawin. Pero hindi naman pala ganun kahirap eh. Unti-unti ko nang natatanggap ang lahat at sa wakas, nag-sync in na rin sa akin yung mga nangyari.

Ang tanga tanga ko pala no, sampal na sampal na sa mukha ko na masaya na si Dean kay Shyrie pero anong ginagawa ko? Pinipilit ko parin sa sarili ko na baka pwede pa. Baka landian lang yun, baka babalik din si Dean. Pero hindi eh, hindi ganun. Nakikita kong masaya siya. Mas masaya kesa sa dati.

Minsan may mga bagay talaga na kahit ayaw mong mangyari ay nangyayari parin dahil yun ang plano ng Diyos para sayo. Inilalayo niya ang mga bagay na alam niyang hindi para sayo o baka inilayo niya lang ang bagay na yun dahil hindi pa ngayon ang tamang panahon. Malay niyo kayo talaga ang para sa isa't isa, di lang talaga ngayon yung right time. Kailangan niyo munang harapin yung mga priorities niyo. Saka na ang lovelife :)

Kung saka-sakali mang bumalik si Dean sa akin at marealize niyang ako talaga, hindi sarado ang puso ko para sa second chance. Pero, isang malaking pero paghihirapan niya ulit ako. Syempre bilang isang dalagang pilipina, hindi pwedeng ganun kadali niya ako makukuha ulit.

Babalik kami sa kung saan kami nagsimula kasi ganun naman talaga diba? Pag gusto o let's say mahal mo talaga ang isang tao, hindi hadlang yung magsimula ulit kayo sa simula at kahit matagal ka pang maghintay sa kanya, wala lang yun sa saya na mararamdaman mo kapag nalaman mo rin na may nararamdaman din siya sayo, worth it lahat.

All you need is to wait and wait and wait until the right time comes.

Forgive, accept and let go.

And now that I've accepted everything. Dean Adrian D. Alvaro, I'm all ready to let you go :) Our memories together will stay in a special place here in my heart <3 So tragic naman ng nangyari sa love story natin :( But still, everyone learns to accept and to forgive. And now that I've learned how to do both, nile-let go na kita but not our memories :) Thank you for making me feel special and for giving me a very great life lesson ^_^ Stay happy!

Right Time (c) yanignine

Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon