Ilang araw na rin sa akin kinekwento nila Thea at Paige yung palaging pagsasabay nila Dean at Shyrie pagpasok. Edi sila na hahahahaha sila na sweet.
"Aila! May sasabihin ako." tawag sa akin ni Kayla.
"Yes yes yow?" sabi ko. Oo araw-araw akong ganito, hyper.
"Tinanong ko si Martin kanina kung ano ba si Shyrie at Dean. Sabi niya ewan niya daw, landian lang daw siguro." sabi ni Kayla.
"Ah okay." simple kong sabi.
Oo hanggang ngayon umaasa pa rin akong babalik kami sa dati pero mukha na siyang imposible talaga. Hindi lilipas ang isang araw ng hindi ako nangi-stalk kay Dean.
Marami na rin yung mga lalaking nagpaparamdam sa akin, nagtatanong kung pwedeng manligaw, umaamin na may gusto sila sa akin pero wala akong inentertain ni isa sa kanila. Oo, nakikipagusap ako pero habang kinakausap ko sila, si Dean...si Dean parin yung nasa isip ko. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinabi sa kanila na hintayin nila yung right time na yun. Sa kaka-right time ko pati si Dean, nawala. Pero hindi naman mali na pang-hawakan ko parin yung salitang right time eh, dahil alam kong mas tama yun.
Tayong mga babae, matuto rin tayong hintayin yung right time. Mas masarap sa pakiramdam na nakuha mo yung isang bagay ng hindi ganun kadali pero alam mong sigurado at alam mong hindi ka magsisisi. Sabi nga...Best things happen in the right time :)
Lumipas nanaman ang isang araw na umaasa ako kahit na alam kong masaya na siya kay Shyrie.
Friday na at walang pasok yung kapatid kong si Ally. Buti nalang! Mapapaaga ako ngayon ng pasok.
6:30 na nang makababa ako sa service ko.
Pagkapasok ko ng gate, nakita ko si Dean, nakaupo, mukhang may hinihintay. Dinaanan ko lang siya na parang wala akong nakita para hindi obvious no. So totoo pala yung sinasabi ni Thea at Paige, lagi ngang hinihintay ni Dean si Shyrie para sabay silang pumasok. Medyo mashaket.
Nasa highschool department na ako nang ikinwento ko yun kila Thea at Paige.
"Yow mga bhe. Totoo nga na hinihintay ni Dean si Shyrie no. Nakita ko." sabi ko.
"Oh diba sabi sayo." sabi nila Thea at Paige ng sabay.
"Jaaaaaace! Pahinging lollipop." pasigaw kong sabi.
"Hi Aila." bati ni Cherish sa akin.
"Hi Cherish. Saan kayo nakabili ng lollipop?" sabi ko dahil gusto ko talaga ng lollipop ngayon na. Wala naman kasing binebentang ganun dito sa highschool department.
"Sa elem, Aila." sabi ni Jace.
"Tara bili tayo." pag-aaya ko.
And yea, biglang nag-snap sa isip ko na andun pala si Dean. Makakapanood ako kung paano sila magsabay pumasok ni Shyrie. Ayoooooown!
Nasa hallway na kami nang may malapit na ipis sa amin. Tinalunan ko yung ipis.
"Aila!" sigaw ni Jace sabay bato nung ipis sa akin. Nagulat ako bakit wala yung ipis napamulat ako...
"Loko! Kala ko binato mo talaga." sabi ko.
Habang papunta sa canteen napag-usapan namin si Dean.
"Speaking of." bulong ko dahil nakita ko si Dean. Magkatabi sila ni Shyrie at sabay na pumasok. Okay thanks for the wonderful view.
"Ehem! Speaking of, Aila." sabi ni Jace.
"Eheeeeeeem Aila." sabi ni Cherish sabay irap sa direksyon nila Dean.
Napatawa nalang ako sa kalokohan ng mga 'to. Bwisit pinapahamak pa ako hahaha.
Habang bumibili kami ng lollipop sinabi kong bilisan nilang bumili para mahabol pa namin sila Dean at Shyrie para mapanood pa namin kung paano at gaano sila ka-sweet sa isa't isa.
"Yun na ba yung bago ni Dean?" sabi ni Cherish.
"Oo. Si Shyrie Santos." sabi ko.
"Eh?" sabi ni Jace.
"Seryoso? Boring huh." sabi ni Cherish na may gulat sa mukha. "Seryoso talaga? Ay grabe yan ha? Naiinis na ako dyan kay Dean." sabi ni Cherish ng dire-diretso. "Talaga! Nakakainis!" sabi niya ulit.
"Okay relax na! Edi sila na sweet." sabay nag-let out ako ng sarcastic na tawa.
Sinundan ko sila ng tingin at ang layo nila sa isa't isa. Ang nasa isip ko "Grabe nagsabay pa kayo, ang layo niyo rin lang naman. Grabe talaga." ka-bitter nanaman no.
Nakarating na kami sa highschool nang ikinwento ko yun kila Thea at Paige.
Habang nakabilog kami nila Thea, Paige, Jace, Cherish, Kayla at Kiara dun at papalapit sa direksyon ko si Dean.
"Aila, talikod ka. Ayan oh, may ipot. May dumaan kasing ibon dito kanina." sabi ni Dean.
Kung minamalas ka nga naman nadumihan na uniform ko kakarating ko pa lang.
"Ay oo nga, Aila." sabi ni Jace.
"Kaderder." sabi ko sabay tawa namin.
"Ay ang sweet ni Dean ha, nagke-care." sabi ni Kayla.
Kinilig sila.
Oo nga Dean, bakit ka ganyan? Tinalikuran mo na ako, may bago kana, nagke-care ka parin sa akin. Ay, baka nagke-care kasi nga friends kami diba? Siguro ganun nga pero Dean, bakit? Bakit kahit para sayo di mo ako pinapaasa ang nasa isip ko parin pinapaasa mo ako? Kelan ba mawawala 'tong feelings ko sayo?
Biglang pumasok sa utak ko yung lagi kong sinasabi na God has reasons. Mawawala din 'to in God's perfect time.
Napangiti ako. Thank you, Lord! <3
Right Time (c) yanignine