Chapter 25: FAREWELL PARTY

65 3 2
                                    

Halaaa! Last day na pala ngayon :( Tss. Magkakalayo layo na :( Lilipat na rin kasi ako ng school kaya mamimiss ko talaga sila ng sobra. Oo, lilipat na ako sa sarili kong kagustuhan. Lilipat na ako para maranasan ko din yung ibang environment. Hinihintay nalang namin yung pag-grant ni Mayor sa request namin na mailipat yung scholarship ko, okay na. Grabe! :(

Nag-clearance signing kami nung umaga at happy ako kasi napuno ko :) After naming mag-clearance signing tumambay muna kami sa hallway nila Thea, Paige, Jace, at Matt. Inasar kasi namin kanina si Amiel kaya nagtampo tapos hindi sumama sa amin. Ang bad namin no? Last day na eh. Hahahaha. Ganyan talaga. Naglaro lang kami ng uno cards dun. Ineenjoy talaga namin yung last day na magkakasama kami lalong lalo na aalis na si Jace, lilipat na rin siya. Lilipad na siya papuntang Mindoro :(

Nung sumapit na yung 2:00, start na ng farewell party. Umakyat na kami sa classroom namin. Sobrang nakakaiyak yung moment na yun. May binigay pa nga sa akin si Kayla na letter at grabe napaiyak talaga ako dun. Oo kumakain ako habang umiiyak hahahaha. Nung kumuha ulit ako ng pagkain umiiyak si Mrs. Ramos kaya niyakap ko siya.

"Aila, mag-ingat ka palagi ha? Gagalingan mo dun sa lilipatan mong school. Wag kang magbabago." sabi niya sa akin habang hinahaplos niya yung likod ko.

"Maam naman eh!" sabi ko sabay napaiyak na talaga ako.

"Magkikita pa naman tayo sa recognition eh." sabi ni Mrs. Ramos.

"Ay oo nga pala! Ang drama natin Maam." sabi ko sabay tawa at punas ng luha.

Naglaro rin kami ng Bunny, Archer, Wall na nilaro rin namin nung Youth Camp. Kaibahan lang hindi naging Bunny, Archer, Wall yung amin ngayon, hinaluan kasi ng kalokohan ng Squad (Daniella, Dean, Hans, Martin, Ethan). Ang saya nga nila eh. Ang cute din nilang magkakatropa. Yun yung inaadmire ng buong klase sa kanila. Grabe kahit ang iingay namin maglaro, nakita ko si Mrs. Ramos na tumatawa at nakangiti, hindi siya nagagalit kahit ang sakit na sa tenga ng sigaw namin habang naglalaro.

After nun ay bumuo kami ng bilog at nagpasahan ng bote. Kung kanino titigil ay magbibigay ng speech para sa klase. At sa akin pa talaga tumigil ha?

"Uhm. Mamimiss ko kayong lahat. Thank you kasi yung baka huling taon ko dito ay naging memorable kasi kayo yung nakasama ko. At sa mga naging seatmate ko dyan---" natigil ako nung humiyaw at nag-yieee yung buong klase, kasi nga diba naging seatmate ko si Dean. Issue talaga eh! "Shhh! Yun nga, yung sa mga naging seatmates ko thank you kasi natiis niyo yung nakakarindi kong boses. Yun lang, thank you ulit sa inyong lahat! Mamimiss ko kayo!" sabi ko. Hindi na ako napaiyak this time kasi naiyak ko na kanina eh.

Nag-speech din yung iba. At ang mas nakakaiyak na speech ay kay Mrs. Ramos. Grabe! Hindi na pala siya magtuturo next year :(

3:00 na! It means tapos na! Magkakalayo layo na kami. Tumayo kaming lahat at niyakap na yung mga dapat yakapin.

Si Jace talaga yung niyakap ko ng bongga, napaiyak na rin ako.

"Aila at Paige, ingat kayo dito ha? Mamimiss ko kayo." sabi ni Jace habang niyayakap kami ni Paige.

"Ikaw din Jace, mag-ingat ka dun, grabe mamimiss kita. Dito ka nalang! Uy Thea, hug mo na si Jace dali! Aalis naman na siya eh, magbati na kayo." sabi ko tapos lumapit naman si Thea at niyakap si Jace. BiBiQu <3

Si Paige tahimik lang na niyayakap si Jace. Di ko alam kung umiiyak ba.

Nagyakapan rin kami nina Thea at Paige.

Nilapitan ko rin si Kiara at nakita ko siyang teary eyed na. Niyakap ko siya.

"My loves, mamimiss kita." sabi ko.

Hindi niya ako sinagot kundi niyakap niya lang ako.

Si Kayla niyakap ko rin.

"Kayla, sorry sa lahat ha? Mamimiss kita." sabi ko. Habang niyayakap ko si Kayla ay lumapit si Daniella at niyakap kami ni Kayla.

Si Ethan na isa sa tropa ni Dean ay lumapit sa akin. "Aila, magiging kayo rin ni Dean sa right time."

Napangiti ako at tumawa. "Grabe Ethan, malabo na yun." tumatawa pa rin ako pero naiiyak ako.

Si Cherish, Ferline at Anika niyakap ko rin. Bumalik ako kila Thea at Paige tapos niyakap ko ulit silang dalawa. Habang nakayakap ako sa dalawa biglang hinawakan ni Dean yung ulo ko tapos pinat niya yun sabay ngiti sa akin. Kumalas ng yakap si Paige tapos si Thea.

"Yieee iha-hug na ni Dean si Aila!" sabi ni Paige.

Niyakap nga ako ni Dean. Niyakap ko rin siya pabalik. Mahigpit na yakap ang pinakawalan namin para sa isa't isa. Ang sarap sa feeling. "Thank you sa lahat Dean. Sorry ulit." sinabi ko yun habang umiiyak. Kayakap ko yung lalaking nagparamdam sa akin na espesyal ako sa kanya, nagparamdam ng saya, kilig at lungkot. Yung lalaking kinababaliwan ko pa rin hanggang ngayon kahit na may iba na.

After nun kumalas na rin kami sa pagkakayakap sa isa't isa.

Grabe how time flies. Dati, halos di parin kami magkaka-close lahat ng tao sa section namin, may sari-sariling grupo. Ngayon, nagkakaisa kami kahit na sa huling sandali na magkakasama kami. Ang sarap sa pakiramdam na makita yung unity sa section namin ngayon.

Nag-request pa ng isang picture sila Thea at Paige. Picture namin ni Dean.

"Dean, picture tayo dali." sabi ko.

"Ako na magpipicture sa inyo. Kawawa ka naman Aila eh. Hahaha." sabi ni Josh.

Nagulat ako nang akbayan ako ni Dean tapos naka-thumbs up pa siya na pose. Ngumiti nalang ako. Savouring the moment. Masaya ako na okay na, napatawad na namin yung isa't isa :) Kaso hindi lang nun mababalik yung dating kami na masayang masaya. Haaay, lahat talaga nagbabago sa isang pagkakamali lang. Ang laki ng nabago.

Nakipag-selfie ako sa mga kaklase ko. Yun nalang titignan ko kapag namimiss ko sila. Parang ayoko na tuloy lumipat ng school :(

Right Time (c) yanignine

Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon