Simula nun, araw-araw na kaming nagcha-chat. Minsan nga kapag walang training kinabukasan umaabot kami ng 2 am, good time for serious talks and finally, nag-uusap narin in person. Feels new kasi hindi ako naiilang. Inaasar pa nga niya akong dalagang pilipina daw ako. Blah blah blah. Basta lagi niya kong inaasar. Ewan ko. Pero what's nakakainis is the part na palagi nalang akong excited magtraining. The feeling is creeping me up. Ayoko sa feeling na 'to. Nagsisimula nanaman.
Ugggggh! I'm trying to clear every thought that's in my mind pero kahit anong gawin ko, I can't. Hoy Aila, wag bibigay. Divert your attention sa ibang bagay. Please, don't put yourself sa sitwasyon na masasaktan ka lang. Alam mong malabo siyang magkagusto sayo dahil may gusto siyang iba, okay?
Ayokong isiping nafo-fall ako. Please, wag mo akong tatraydurin, feelings.
"Aila?"
"Ay feelings!" nagulat ako nang tinawag ako ng lalaking nasa unahan ko.
"Anong feelings? Atsaka tara, lalaro na daw. Mixed ulit tayo." nakangiting sambit ni Daviel na ngayon ay nakatayo na sa tabi ko. Okay. I was only thinking about you a minute ago tapos ngayon nasa tabi na kita. Thinking about you is bad, Daviel. Hoy Aila, tigilan mo nga. "Uy! Aila! Halika na dito!" napabalik ulit ako sa senses ko nang tawagin niya ulit ako. Ngayo'y nasa court na siya. Fast.
Naglaro kami at as usual, nanalo nanaman kami. Galing niya kasi eh. Shhh, Aila, ano ba?
Naging productive naman ang araw na yun. Nakauwi kami ng safe and sound. Same old routine, pahinga, ligo at finally, facebook.
Daviel Yves Loria:
HI AYAAAA!
Aila Janine Laurent:
Aya?
Daviel Yves Loria:
Ah, can I call you Aya nalang para shorter? :)
Aya? Aila? Close din naman siya sa Aila. Hahaha. Why not?
Aila Janine Laurent:
Ahhh, okay lang :)
We talked and talked and talked all night hanggang sa napunta sa serious and personal topic.
Daviel Yves Loria:
May nanligaw na ba sayo noon? You know, yung nagpunta na sa bahay niyo? Tapos nainlove kana ba? Nasaktan kana ba?
I was like "what the hell?", iniiwasan ko yung ganung question kasi di ako ready i-open yung mga ganun pero ewan, nagtitiwala na agad ako sa kanya that's why binalikan ko lahat yung mga nangyari sa akin noon.
Dean Adrian Alvaro. Unang taong pumasok sa isip ko. He hurt me, sinagad niya yung hurt na yun. Sobra niya akong sinaktan noon. Grade 8, dun lahat nangyari. Pero narealize ko, ako lang pala talaga ang nanakit sa sarili ko noon. Kasi sampal na sa akin na wala na talagang feelings si Dean pero umaasa parin ako.
Jerien Hale Sambilia. Yung bwiset na yun. Feeling mature pero hindi. Nagkakilala kami dahil sa kantang Tadhana. Schoolmate ko rin. Grade 9 ako nung nangyari 'to. Jusko, asadong asado din ako sa kanya. Sincere naman siya pero immature parin. Plus tinatawag niyang 'baby' yung may crush sa kanya. Kaya nainis ako, pati narin si Thea at Paige. Though, nasaktan din ako sa kanya nung di niya ako kayang ipaglaban.
Silang dalawa ang pumasok sa isip ko pero ang mas pinili kong ikwento ay yung nangyari sa akin kay Dean, dahil yun ang pinakagrabe kong experience. Kinwento ko yun sa kanya lahat. Pati naikwento ko rin yung may isa akong manliligaw noon na pumunta na sa bahay.
