Hindi parin talaga tumitigil si Maegan na paringgan ako.
Kelan ba siya titigil?
Pero kung walang magbababa ng pride, hindi matitigil 'to.
Napagdesisyunan kong ako na ang lalapit.
Since hindi ko na rin kaya ang ganun.
Maguusap kami ng lunch time at ikaklaro lahat.
LUNCH TIME.
Hindi ako naglunch para lang makausap si Maegan.
"Oh? Anong gusto mong sabihin, Aila?" sabi ni Kiara.
"Wala. Gusto ko lang mag-sorry. Sorry sa mga sinabi ko at sa sinabi nila Thea at Paige." sabi ko.
"Sorry lang? Eh sinabihan mo kong desperada at malandi." sabi ni Maegan.
Nasa isip isip ko, aba ako nga sinabihan mo na ng malandi at pinagkalat mo pa halos sa buong klase, nagreklamo ba ako? Tssss.
Pero tinanggal ko yun sa isip ko kasi andito nga ako para makipagbati.
"Pero pasalamat ka nga hindi ko naman pinagkalat eh." sabi ko.
"Tapos alam mo naman palang ikaw yung pinariringgan ko, hindi ka pa lumapit. Hinintay mo pang lumaki yung issue." sabi ni Maegan.
"Well, sorry for you. Hindi naman kasi ako warfreak eh. Kaya hindi ako lumapit kasi tiniis ko nalang yung mga sinabi mo para hindi tayo magkaaway dahil dun. Gugulo lang kasi kapag lumapit pa ako sayo. Pero ngayon lumapit na ako kasi gusto ko ng maayos. Naguguluhan kasi ako eh. Wala ng magandang nadudulot 'to." sabi ko.
"Oh tologo?" yan yung sinabi ni Maegan na nakapagpainit ng ulo ko.
KRIIIIIIIIIIIING! KRIIIIIIIIIIIIIIIIING!
Buti nalang at nag-bell. I was relieved. Saved by the bell! Buti nalang at nag-bell baka tuluyan na akong nainis at nagsabog ng inis kay Maegan.
Handa naman akong makipagbati wag lang akong ganunin.
"Mamaya na ulit sa recess." sabi ni Kiara.
Umalis na ako.
Pagkapasok ko sa classroom, nandun nanaman si Andrey.
At sa upuan ko pa ha.
"Uy Aila! Dyan ka muna sa upuan ni Kiara." tinampal ni Andrey yung braso ko.
"Bakit? LQ kayo ni Eron? At si JC naman ang lalandiin mo?" napatawa ako ng sobra dun sa ideya kong yun.
At naisip kong ilayo muna ang sarili ko kay Andrey para hindi na magkagulo ulit.
Madali lang naman yun eh.
Siguro.
Medyo mahihirapan din ako kasi close na close na kami eh.
Ah ewan.
Mas pipiliin kong magkaroon ng kapayapaan kesa sa kanya.
"Aila! Ano tulala kana?" sabi ni Andrey.
"Ah hindi ah. Di muna ako dito mauupo ha? Dun muna ko sa tabi ni Thea." sabi ko.
Umalis na ako at nakaramdam ng relief dahil nasabi ko yun.
Pumunta ako sa tabi ni Thea at nag-confess na crush ko nga si Andrey.
"Alam ko na yun." sabi niya.
Nagulat ako. Paano?
"How? Eh wala naman akong pinagsabihan nun." sabi ko.
"I just know. Halata naman Aila eh." sabi ni Thea.
So ganun na ako kahalata.
Ang galing mong magtago, Aila. Kaya pala nagkagulo eh.
No doubts.
RECESS.
"Maegan." tinawag ko siya.
Pagkalapit ko kay Maegan agad na nagsalita si Thea.
"Magbati na kasi kayong dalawa." sabi ni Thea with an encouraging smile.
"Oo nga, Aila. Napag-isip isip ko din yun kanina. Wala naman kasing magpapatalo sa ating dalawa eh." sabi ni Maegan at mukha naman siyang sincere.
"Talaga ba? Oo nga eh, parehong may pinaglalaban. Hindi talaga tayo matatapos nun." pabiro kong sabi.
"Oo nga eh." sabi ni Maegan.
Niyakap ko si Maegan at napangiti ng sobra. Niyakap niya rin ako.
Enemies no more, I can say.
Yun siguro yung right time para ma-realize namin ni Maegan pareho na may mali kami na siguradong hindi na namin uulitin pa.
Sa huli, nagngingitian na kami.
Masaya ako sobra. Masayang-masayang.
Finally! Para akong nabunutan ng tinik sa puso dahil sa nangyari.
World peace!!! HAHAHA.
[A/N]:
Thanks again to Ellechanted for the new story cover. So cool 😍
Right Time (c) yanignine
