Continuation...
—
Nang magising ako ng mga 7:30pm feeling ko walang nangyari at naka-get over na talaga ako sa pangyayari kanina sa school.
Balak ko nang mag-sorry kay Maegan para hindi na lumaki pa kaya napag-isip isip kong mag-open ng facebook.
Pagkabukas ko ay agad bumungad sa akin yung status ni Dean.
Dean Alvaro: Maganda kana sana kaso ang pangit ng ugali mo. Ano ba dapat ginagawa sa mga ganto?
Hinayaan ko nalang yun at pinalagpas.
Hindi naman siya involved dito eh, wag nalang siyang makialam. Kung pwede.
Pagkatapos kong magcheck ng facebook ay agad akong nagbukas ng messenger para simulan na ang pagpapaliwanag at pagsosorry kay Maegan kasi yun yung tamang gawin. Nadala na ako.
Ewan ko pero naramdaman ko lang na dapat kong icheck yung group chat ng section namin.
Instincts.
279 unread messages.
Chicken!!! Hahaha. Nararamdaman ko talagang dapat kong suungin yung 279 messages na yun eh. Feeling ko may something.
Nang marating ko na yung pinakatuktok ng natambakang messages ay agad akong nakaramdam ng pagsisisi na ginawa ko yun.
Dean Alvaro:
Pakitang tao naman yan si Aila. Akala mo lang mabait pero hindi naman.
Mac Kayel Arlonda:
Hindi naman siguro, kasi kanina naririnig ko yung sinasabi ni Aila na ayaw niya lang daw talaga makadagdag sa mga nagkakagulo.
Dean Alvaro:
Mac, wag mo nang ipagtanggol si Aila. Palibhasa kasi yung magandang ugali lang ni Aila ang nakikita niyo at hindi niyo nakikita yung masamang ugali niya.
Daniel Barrinuevo:
Hoy Dean, tigilan mo na nga yang paninira mo kay Aila. Hindi mo rin naman alam kung bakit niya nagawa yun eh.
Binasa ko lahat ng yun hanggang sa dulo, hindi ko namalayan na kanina pa pala tumutulo yung luha ko sa kakabasa nung mga masasakit na salita na yun.
Ang sakit.
Pakitang tao daw ako.
Coming from your own boy bestfriend. May mas sasakit pa ba dun?
Masaya akong kahit papaano ay may nagtatanggol sa akin.
Pero mas lamang yung lungkot kasi kahit na ba dalawa lang si Dean at Maegan na galit sa akin ay para na ring isang libo yung nagalit sa akin. OA pero oo ganun yung feeling ko ngayon.
Binasa ko pa yung natitirang messages sa akin.
Ang daming nagcomfort sa akin at nakakatuwa lang kasi marami pa palang concerned sa akin.
Aila Janine Laurent:
Pakitang tao ba ako? Pinakita ko lang yung tunay na ugali ko. Kesa naman sa pinaplastik ko kayo diba? Yung pinapakita ko yung hindi talaga ako? Mas nakaka-gago yun, Dean.
Dean Alvaro:
Hindi naman sa akin nanggaling yun eh.
Aila Janine Laurent:
Then, kanino? Don't fool me please lang, nagbabasa ako sa group chat.
Dean Alvaro:
Wala, may nagsabi na rin sa akin nun before. Napansin ko lang din sayo.
Aila Janine Laurent:
All this time na itinuturing kitang bestfriend ko, akala ko wala kang iniisip na mga ganyan, na hindi ganun yung tingin mo sa akin. Hindi ko inexpect na ikaw mismo ang magsasabi nyan sa akin. Dean ang sa akin lang, pwede mo namang i-PM nalang sa akin kesa sa ipinangalandakan mo pa sa buong group chat natin na pakitang tao ako. Sana man lang sinarili mo nalang tsaka mo nalang sinabi sa akin. Nasaktan ako, Dean. Sobra. Why the hell do you have to say that ha?
Dean Alvaro:
Hahahaha oh Aila, ano bang tingin mo sa ginawa mo kanina? Yung pinakita mo?
Aila Janine Laurent:
Kinakalaban mo ako eh. If you have something to say about me, well di naman ako papayag na wala ako. Oh well dear Dean, I have an advice for you. Please act like a real president of the class. Hindi yung nagiging role model ka lang pag gusto mo. Try to act like one everytime, not just sometimes.
Seen 8:34 PM
Aila Janine Laurent:
Oh why? Seen lang? Wala ka na bang masasabi? And what about the inirapan kita? Nakita ko kasi sa group chat na sinabi mong nakakainis yung pag-irap ko sayo.
Dean Alvaro:
Nakakainit kasi ng ulo yung ginawa mo. Tinatanong kita kung okay ka lang ba pero inirapan mo lang ako eh.
Aila Janine Laurent:
Oh? Ako ba yung tinatanong mo. Sorry I thought si Maegan eh. Siya lang naman yung kinakampihan mo eh. My bad, sorry hahahahaha. Malay ko ba. Sana man lang tinawag mo ako diba para alam kong ako yung tinatanong mo.
Nagkausap pa kami ng matagal hanggang sa nabwisit na ako sa kanya at hindi ko alam kung worthy pa ba siyang maging kaibigan ko pagkatapos ng lahat ng sinabi niya. Sobra akong nasaktan kaya nagdesisyon akong tapusin yung friendship namin.
Pero bago gawin yun ay kinausap ko na si Maegan at nagkalinawan na kami sa mga nangyari kaya't naging okay na kami kaagad pero si Dean hindi parin.
Aila Janine Laurent:
Dean, FO na tayo. Masyado akong nasaktan dun sa mga sinabi mo. Hindi ko alam kung worthy ka pa na maging isa sa mga kaibigan ko kung ganun lang naman pala yung sinasabi mo behind my back :( Nakakalungkot, Dean. Sobra. Pinagkatiwalaan kita pero anong ginawa mo. Salamat nalang.
Dean Alvaro:
Okieeee :) sige.
Ouch!!! Okay lang sa kanya. Aray ulit! T_T
Hindi na magbabago isip ko, ayoko na talaga.
Sayang yung friendship namin pero ganun talaga.
May umaalis, may dumarating :)
Smile, Aila. Ipakita mong mali sila sa iniisip nila sayo. Hindi ka pakitang tao. Totoo ka at yun yung mas mahalaga. Mas madaming nagmamahal sayo.
Sana magsilbing aral sa akin 'to na wag magtitiwala sa mga tao agad. Hindi mo alam kung anong sinasabi nila tungkol sayo kapag nakatalikod kana.
Right Time (c) yanignine
