Pumasok ako na ayos na ayos yung buhok, yung damit at feeling fresh.
Wala lang feeling ko kasi ang strong ko eh kaya feeling ko kakayanin ko.
Pero hindi pala.
Nakita ko siyang masaya, nakangiti.
Hindi siguro talaga ako kawalan kay Dean. Siya abot tenga yung ngiti, ako abot langit yung lungkot.
"Hoy mga bhe! Ang fresh ko oh, di ako haggard." pagyayabang ko kila Thea at Paige with matching flip flip ng hair.
"Fresh mo mukha mo. Eh mukha ka ngang bruha eh." lagi nalang kontra 'to si Thea eh. Oo ganyan yan. Beri beri supportive! Grabeeee! BFF award! Hahahaha.
"Ang blooming ko kaya." sabi ko with matching pagf-flip ng hair.
"Jusko Aila Janine Laurent, magmove-on kana nga muna. Blooming blooming your peys." tinawanan pa ako ni Paige.
Pagkatapos nun ay lumapit sila kay Martin. Hahaha pag-uusapan nanaman nila panigurado yung tungkol kay Abby.
Edi si Martin at Abby na perfect! Buti pa sila. Happy happy. Pero masaya rin ako para sa kanila sobrang cute nilang dalawa.
Dahil iniwan ako nila Thea at Paige, kay Abby ako lumapit at nagkwentuhan kami tungkol kay Dean.
Pinagkakaisahan nanaman ako nila Thea at Paige. Mga bwisit hahaha. Best BFF award talaga ang dapat kong binibigay sa kanila eh.
Habang nag-uusap sila Thea, Paige at Martin ay napapatingin sila dito sa direksyon namin ni Abby.
Panigurado naman si Abby ang tinitignan nila.
Nung lumapit na sa akin sila Thea at Paige, parang ang lungkot ng itsura nila pero hindi nila pinahahalata.
"Hoy Aila, mag-ayos ka nga. Umagang umaga palang eh para ka ng tumakbo ng ilang kilometro." sabi ni Thea.
"Oo nga my loves. Puro ka kasi Dean eh, magpaganda ka pa nga!" biglang sulpot ni Kiara.
Kabute eh!
"My loves, di ka ba nainform. Maganda na ako, so bakit pa ako magpapaganda? Funny ha!" sabi ko sabay tawa.
"Ay! Ayoko na nga, Aila. Tama na ang pagjojoke." pagsusungit ni Kiara.
"Hayaan mo na yan Kiara. Ganyan siguro pag broken hearted!" sabi ni Thea.
Sige, nakakatulong! Hahaha.
"Hoy Thea, tigilan mo. Parang ikaw di ka nagdadrama tungkol sa pagpapaasa sayo ni ech." sabi ko sabay tawa.
Okay, ako lang yung natawa. Naka-poker face lang sa akin sila Thea, Paige at Kiara.
"Ikaw kasi pinaguusapan dito. Hindi si Thea, okay?" sabi ni Paige.
"Okay. Sige. Push." sabi ko.
Science time na!
Ang bilis naman ah?
Hindi ako masyadong nakinig sa mga lessons. Bukod sa nabobored ako, nag-iisip isip lang ako...
Syempre, si Dean pa rin.
Bwisit laki ng epekto mo, Dean.
Pinaupo ko sa tabi ko si Thea kasi bored at wala akong kausap.
Nagkwento lang ako tungkol kay Dean.
Siguro naaasar na siya sa kaka-Dean ko. Ako rin eh, naaasar sa sarili ko. Walang ibang sinabi kundi Dean. Dean. Dean.