Wala lang 'to, just wanna let out everything na nasa isip ko by this time.
Time check...
12:22 am :)
Perfect time para magdrama.
Gantong oras kasi lagi akong nagdadrama sa chat eh, lagi kong kadramahan si Thea which is tatyuane <3 Hihi loveyou tatybabes. Kaso tulog ata si Thea pati na rin si Paige (philsxx ). Loveyou rin philinabes :* So eto na.
Alam niyo sa totoo lang, ngayon natatanggap ko ng may iba na si Dean. Na may Shyrie na siya. Andun na ako sa first step ng moving on pero oo nga no buti pa si Dean masaya, ako hindi pa rin :( Hahaha. Dean bakit ba naman kasi ang laki ng epekto mo sa akin. Tatlong araw lang yun Dean. Tatlong araw lang tayong may something sa isa't isa pero almost 2 months na nakalipas, di parin ako maka-move on. Mahirap pero kailangan. Sana sa susunod kaya mo ng maghintay ng right time :) Sana masaya na si Dean no? Hahaha. Masaya naman kasi talaga ako eh. Sa ibang way. Masaya ako kasi may pamilya akong masaya, may mga kaibigan ako na nagmamahal sa akin. Ngayon, ang nasa isip ko sa totoo lang, hindi ko naman kailangan ng love ni Dean eh. Kuntento na ako.
"Alam ko naman kung paano mag-move on eh, hindi ko lang matanggap na wala na."
But that was before. Kasi ngayon natatanggap ko na. Thanks to everyone who made this thing possible. That thing is to accept.
Alam kong hindi mo 'to mababasa pero I still want to write this letter. Not just for you but for everyone. Para mapulutan ng lesson :) Take it from me! Hahaha.
An open letter for Dean Alvaro :)
Dean,
Hi! :) Remember nung time na sinabi mo sa akin yung "Ikaw dapat yung pinapahalagahan at inaalagaan, hindi iniiwanan." That time I was really confident na magiging masaya ako with you, na tatagal 'to. Kampante na ako kaya balak kong subukan ka pa kung strong ka talaga sa pagkakakapit mo sa puso ko. Hindi ko pa sasabihin sayo yung feelings ko kasi gusto ko pang i-make sure. Paghihintayin muna kita ng mga saglit na panahon lang tapos sasabihin ko na sayo. Pero that one day came. Nagka-nightmare ako. Dumating na yung araw na kinatatakutan ko. Nagkaroon tayo ng misunderstanding. Na-beastmode ako kaya hindi kita pinansin kahit sa school. Nung time na nagsawa kana sa panunuyo sa akin yun yung time na naconfirm kong gusto na nga kita kasi nagselos ako kay Maegan nun. Kaya kahit hanggang ngayon na may Shyrie kana at going strong kayo, pinagsisisihan ko parin yung maling desisyon ko na hindi ka pansinin. Dean, napatawad na kita. Ang hindi ko lang mapatawad ay yung sarili ko kasi hindi ko sinunod yung puso ko. Puro utak ko lang na nagsasabing baka masaktan lang ako, baka hindi ko kayanin ang sinunod ko. Natutunan kong kailangang balansehin ang sinasabi ng puso at utak mo dahil sa maling desisyon mo, marami kang masasayang na chances. Lahat ng tao may choices, binibigyan lang tayo ni God ng sitwasyon at ikaw ang bahalang pumili kung ano ang pipiliin mong tahakin, yung tama ba o yung mali. Wag tayong magpakampante na hindi mapapagod sa atin ang mga lalaki. Ang sa akin lang, wag nating sasayangin yung panahon. Lahat ng oras, limitado. Gumawa tayo ng desisyon na alam nating tama para sa huli hindi tayo nagsisisi. Pero hindi rin mali na pang-hawakan natin yung salitang "RIGHT TIME" pero dapat parin tayong gumawa ng tamang desisyon. Malay mo yun na yung right time pero pinakawalan mo lang. Ngayon, kailangan mo nanamang maghintay ng right time ulit. God has plans and reasons for everything :) Pag sayo, sayo lang. Pag hindi sayo, wag mo ng pangarapin. Maging kuntento tayo sa kung anong meron tayo ngayon at maging masaya nalang :) Hindi tayo pababayaan ni God :) And kakasabi ko lang sa last update ko na...ACCEPTANCE IS THE FIRST STEP TO MOVING ON :)
Nagmamahal,
Aila Janine
