Simula nung sinabi ni Dean sa akin yung mahal niya ako, araw-araw na kaming nag-uusap. Minsan natutulog na kami ng 12am, 1am or 2am dahil nag-eenjoy kaming magkausap.
Sa sobrang ka-sweetan ni Dean ang laging nasa isip ko ay "Maghintay ka lang, Dean", "Konti nalang, malalaman mo din yung sagot ko.", "Konting konti nalang, aamin na ako."
Dalagang pilipina po ako :) Hahaha.
January 24, 5:12 PM
Dean Alvaro:
Friend!
Aila Janine Laurent:
Friend ah? Telege leng?
Dean Alvaro:
Babe pala hehe :) BABE!
Aila Janine Laurent:
Bakit po?
Dean Alvaro:
Wag mo akong paaasahin ha? Sabihin mo lang pag ititigil ko na para alam ko na. Salamat babe ha? :*
Aila Janine Laurent:
Hahaha oo naman.
Dean Alvaro:
Gagawin ko lahat para mapasakin ka babe. Kaso may Bryle eh, ang hirap gumalaw :(
Aila Janine Laurent:
Inaano ka ba ni Bryle? Haha :3
Dean Alvaro:
Wala syempre kasi close na kayo eh. Gusto mo ba tumigil na ako?
Aila Janine Laurent:
Close ah? Baka naman! Tsaka ikaw lang naman makakapagsabi kung titigil kana eh. Desisyon mo yan, feelings mo yan. Alangan namang pilitin kita kung ayaw mo naman diba.
Dean Alvaro:
Ayaw ko ba? Sa tingin mo may nagmamahal na ayaw? Oh kung ayaw ko bakit minahal pa kita diba?
Aila Janine Laurent:
Yun yung nararamdaman mo eh.
Dean Alvaro:
Ah sige. Babe, can I wait? 'Til the right time? Hinding hindi ako mauumay PROMISE! Kahit magkadiabetes pa ako! Mas lalo akong magiging sweet :*
Aila Janine Laurent:
Kaso Dean mahirap lang umasa. Sana wag kang masyadong umasa sa akin ha? Hindi ko kasi sure eh.
Dean Alvaro:
NUNG UNA SABI MO KUNG KAYA KO MAGHINTAY KAYA MEDYO NAISIP KO MUKHANG MAY PAG-ASA AKO. TAPOS NGAYON WAG MASYADONG UMASA? FVCK THIS LIFE. AKO RIN PALA YUNG TANGA.
Aila Janine Laurent:
Kaya nga sinasabi kong wag masyado diba? Kasi naguguluhan ako.
Dean Alvaro:
Naguguluhan saan? Sa pagkatao ko? Kung hindi mo ko tanggap fine! I'll go away. I'll throw my memories with you away. Every minute, every hour I'm thinking of you. Infatuation lang 'to T_T
Aila Janine Laurent:
Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Ayoko kasing icommit ang sarili ko sa isang tao ng ganun ganun lang kasi ayokong makasakit ng feelings ng tao. Nagme-make sure pa ako kung totoo o kilig lang. Nakakainis kasi eh. Iniisip ko lang naman yung mararamdaman mo kung sakaling hindi totoo eh. Kasi natuto na ako, andami ko ng nasaktang lalaki kasi hindi ako nag-ingat. Ayoko ng mangyari pa yun ulit. Pasalamat ka nga inisip ko pa yang nararamdaman mo eh. Kung ayaw mo edi wag. Hindi ko na iisipin yung nararamdaman ninyo. Kasi ang pagmamahal sa isang tao hindi basta basta. Kung hindi mo marespeto yung mga sinasabi ko, fine.
Dean Alvaro:
Sige :( Aantayin kita hangga't makapag-desisyon ka na.
You missed a call from Dean Alvaro.
Sineen ko lang siya kasi sobra akong na-beastmode sa ginawa niya.
Tama naman yung ginawa at sinabi ko diba?
After 1 hour nag-chat ulit siya.
Dean Alvaro:
Babeeeeeee! T_T Hinding hindi na kita bibitawan :*
Hindi ko pa rin siya sinasagot, sineen ko lang siya ng sineen.
Gusto kong marealize niya kung ano yung mali niya dun.
Sa school, nilalapitan at kinakausap niya ako pero hindi ko siya pinapansin.
Hindi ko na inisip yung mangyayari pagkatapos nun pero kasi nasaktan ako sa sinabi niya eh.
Right Time (c) yanignine
