Chapter 2: CRUSH

83 1 4
                                    

Lumipas ang ilang araw.

Isang week.

Isang buwan.

Enjoy naman pala katabi si JC! Akala mo lang hindi pero sa totoo lang, masaya pala. Kahit sobra siyang nakakatanga katabi. Masaya naman.

"Oh! Andrey? Andyan ka nanaman." nag-apir kaming dalawa.

"Eh hindi naman nagchecheck si Sir kung nasa proper seat eh, edi dito nalang ako sa tabi ni Eron." sabi niya sabay tampal sa braso ko.

"Aba! Ang sweet niyo namang mag-bestfriend no?" tawa pa ako ng tawa.

"Syempre naman no. Diba Eron?" inakbayan pa niya si Eron.

Kung hindi ko lang talaga slight na crush 'to si Andrey baka inisip kong bading 'to.

"Hoy Andrey, shhhh. Baka malaman nila na bading ka talaga." tinanggal niya yung pagkakaakbay sa kanya ni Andrey.

"Ay! Wala na! Ayoko na, Eron." kunwari pang nagtampo si Andrey.

"Hoy mga bading! Manahimik na nga kayo. Puro kayo kalandian eh." naiinis na saway samin ni JC habang nagddrawing siya.

"Ay ang epal mo naman JC! Magdrawing ka nalang, pwede?" saway ko din sa kanya.

Yes, I'm one of the boys.

Wala lang, nageenjoy ako sa company nila. Parang kasi nalalaman mo din yung side ng boys eh. Nakekwento din nila sa akin yung mga nararamdaman nila. Narealize ko na hindi lang talaga dapat side ng girls ang pinapakinggan, dapat pati side ng mga lalaki din.

May advantage rin naman pala.

Kaso syempre may disadvantage din.

"Ang landi mo naman. Pa-share!" parinig ni Maegan nung dumaan ako sa tabi niya.

Hindi ko nalang siya pinansin kahit alam kong ako yung pinaparinggan niya.

Ayun! Yun yung disadvantage. Sasabihan ka ng malandi kahit hindi naman.

Crush kasi ni Maegan si Andrey kaya siguro nagseselos sa amin. Wala naman akong intensyong pagselosin siya eh.

Hindi niya kasi alam yung side ko.

Pero ipinagpapasa-Diyos ko nalang.

"Hoy Andrey, yang girlfriend mo nga patahimikin mo. Lagi nalang akong pinaparinggan eh." inis na sabi ko kay Andrey.

"Girlfriend? Hibang ka ba? Bawal pa ako nun no. Imposibleng maging girlfriend ko yan si Maegan." tinampal nanaman niya yung braso ko.

"Hoy aray ha! Nakakailan ka nang ganyan sa akin ngayong araw." hinihimas ko yung part na tinampal niya.

"Ay sorry naman Aila." tumawa pa siya. "Janine, ang liit pala ng kamay mo." tumawa pa siya.

Aila na Janine pa. Aba, Andrey buuin mo na pangalan ko.

"Hoy! Hindi ah! Malaki lang talaga kamay mo no, duuuuh!" inis na sabi ko sa kanya habang tinitignan yung kamay ko.

"Sukatin nga natin." dinikit niya yung kamay niya sa kamay ko.

Habang nagsusukatan kami naramdaman ko na parang may nakatingin sa akin.

Tumingin ako sa paligid.

Tama ako.

Si Maegan, nakatingin.

Oh no! Amoy gulo 'to. Ang sama ng tingin ni Maegan.

Tinanggal ko na kaagad yung kamay namin sa isa't isa.

"Andrey, wala ka bang napapansin kay Maegan?" sabi ko.

"Bukod sa may crush siya sa akin, wala naman." nagkibit balikat siya.

"Parang ang kapal naman ng pagkakasabi mo ng bukod sa may crush siya sa akin no. Pero seryoso, meron yan, alam ko yun matagal na." problemado kong sabi.

"Hindi, hayaan mo lang yan Aila. Wala siyang mapapala sayo. Basta wag kang papatol ha? Tandaan mo yan, Aila ha? Diyos na ang bahala." pageencourage niya sa akin.

Ang sweet niya naman.

Medyo kinilig ako.

Right Time (c) yanignine

Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon