Hindi pa rin talaga mawala sa isip ko yung mga nangyari nung gumawa kami ng turon. March na at hindi parin ako maka-move on.
Andun na ako, pa-move on na eh. Bigla nanaman siyang nagparamdam haaay. Dean, kelan ka ba titigil?
Once again, I am falling for Mr. Wrong!
Ay mali Aila, matagal ka ng na-fall.
Edi I fell for Mr. Wrong! Matagal na at hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-get over. Lagi pa rin akong nagda-drama at nagluluksa para sa puso ko. Pero ang ginawa ko para di ko na siya makita sa inbox ko ay in-archive ko yung convo namin.
So dahil wala naman ng gagawin ay nag-jackstone nalang kami ng mga friendships ko hahaha.
Sumali sa amin si Dean and yeah, magaling naman siya :) Niyayabangan niya rin ako kapag nauunahan niya ako.
Nag-enjoy naman ako sa school today kasi free na free na kaming lahat, puro laro lang ginagawa namin.
Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong nagpahinga at natulog.
Nanaginip ako na may bago daw si Dean. Hindi ko kilala yung babae kasi malabo. Masamang panaginip, Aila.
Nang magising ako ay agad akong nagbukas ng twitter ko.
Same old routine, nang-stalk nanaman ako at isa sa mga ini-stalk ko ay si Dean. Hahaha Aila hanggang kelan ka pa ba magpapakatanga?
Ewan. Basta.
Nabasa ko yung tweets niya.
Isang tweet yung mas nagpakaba sa akin.
@AlvaroDean:
Lahat na ni-like eh <3Tinignan ko yung recent tweets niya at oo lahat yun may isang like.
Bubuksan o hindi?
Dahil sa curious ako, binuksan ko.
@Shyrie_Santos
Siya! Siya yung naglike. Kilala ko 'to.
Pero wait, may heart yung tweet ni Dean eh. Ibig sabihin ba nito? T_T
Okay. Aila. Okay.
Shyrie Santos.
New girl na ba, Dean? Parang ang bilis mo naman. Grabe. Hindi ko inexpect na ganun lang kabilis para sayo na maghanap ng iba.
Ang sabihin mo Aila, nabi-bitter ka lang kasi di ka parin maka-move on samantalang siya okay na, naka-move on na.
Basta! Bahala na si batman.
Stalk ako ng stalk grabe. Hahaha. Nakaka-bitter eh.
Kinabukasan ay medyo late na akong pumasok. Mga 7:10 na yun. So nakapila na sila. Pero ibahin niyo section namin di parin nakapila, kalat kalat parin.
Of course nagmamadali akong pumunta kila Thea at Paige.
"Aila." tawag sa akin ni Paige.
"Yoooooow! Tell me what you want what you really really waaaaant!" sumisigaw na ako habang kumakanta.
"Naaaaapkin!" may binato si Jace sa akin. Tissue yun at hindi napkin.
Pinulot ko yun at binato bato sa pagmumukha niya. Naghahabulan kami dun para kaming tanga.
"Uy Aila wait. Kanina sabay si Dean at Shyrie pumasok." sabi ni Thea.
Gandang bungad naman nyan.
"Oo nga eh. Nakita namin." sabi ni Paige.
"Oh? So baka sila na talaga." sinabayan ko pa yun ng sarcastic na tawa.
Funny it is. Grabe super funny. Oo funny talaga.
"Aila, okay lang yan." sabi ni Paige.
"Hayaan mo yun, gusto nila magsabay eh. Paano niyo ba nakita?" sabi ko, na-curious na ako eh.
"Tignan mo, magtatanong rin pala. Kasi kanina magkasabay sila pagpasok tapos hinatid ni Dean si Shyrie dun sa pwesto ng mga tropa niya." pagkkwento ni Thea.
"Tinitigan nga lang namin si Dean nun eh tapos akala niya siguro hindi na kami nakatingin kaya lumingon siya tapos tinanong niya kung ano ba yun." sabi ni Paige.
"Hayaan niyo na sila. Masaya sila eh." sabi ko.
"Bitter!!!" sabi ni Thea.
"Cheeee! Di kaya." sabi ko sabay nag-cross arms.
Hahaha sa totoo lang oo nakaka-bitter talaga kasi ang bilis eh. Pero what's in the past is past :) Aila, makaka-move on ka rin in time :) Goodluck! :p
May right time para dyan! :) All you need now is to be happy and enjoy life without stress :)
Right Time (c) yanignine
